bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
/
Jeremiah 5
Jeremiah 5
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
← Chapter 4
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 6 →
1
Mga taga-Jerusalem, magmasid-masid kayo. Ang mga lansangan ay inyong libutin at ang buong paligid ay halughugin. Maghanap kayo sa mga pamilihan. May makikita ba kayong isang taong matuwid at tapat kay Yahweh? Kung mayroon kayong matatagpuan, patawad ni Yahweh sa Jerusalem igagawad.
2
Nanunumpa nga kayo sa pangalan ni Yahweh, ngunit hindi taos sa inyong puso ang inyong sinasabi.
3
Ang hanap ni Yahweh ay katotohanan. Pinarusahan niya kayo, ngunit hindi ninyo pinansin ang sakit; pinahirapan niya kayo ngunit hindi pa rin kayo nagbago. Ayaw ninyong talikuran ang inyong mga kasalanan; dahil sa katigasan ng inyong ulo.
4
At aking naisip, “Ang mga taong ito'y mga mahihirap at walang alam; hindi nila alam ang hinihiling ni Yahweh, ang utos ng kanilang Diyos.
5
Pupuntahan ko ang mga maykapangyarihan, at sila ay aking papakiusapan. Natitiyak kong alam nila ang kalooban ni Yahweh; batid nila ang ipinag-uutos ng Diyos. Ngunit pati silang lahat ay naging suwail at tumangging sumunod sa kanyang mga utos.”
6
Dahil dito, sila'y papatayin ng mga leon mula sa gubat. Sisilain sila ng mga asong-gubat mula sa ilang. Maglilibot sa kanilang mga lunsod ang mga leopardo upang lurayin ang sinumang makita. Sapagkat napakarami na ng kanilang pagkakasala at maraming ulit na nilang tinalikuran ang Diyos.
7
Ang tanong nga ni Yahweh: “Bakit ko kayo patatawarin? Nagtaksil sa akin ang iyong mga anak at sumamba sa mga diyus-diyosan. Pinakain ko kayo hanggang sa mabusog, ngunit nangalunya pa rin kayo, at ginugol ang panahon sa babaing bayaran.
8
Tulad nila'y mga lalaking kabayo, nagpupumiglas dahil sa matinding pagnanasa sa asawa ng iba.
9
Hindi ba marapat na sila ay parusahan ko? At pagbayarin ang bansang tulad nito?
10
Sasabihan ko ang kanilang mga kaaway na sirain ang kanilang ubasan, subalit huwag naman nilang wawasakin ito nang lubusan. Sasabihin kong putulin ang mga sanga, sapagkat ang mga ito'y hindi naman para sa akin.
11
Kayong mga mamamayan ng Israel at ng Juda, pareho kayong nagtaksil sa akin. Akong si Yahweh ang nagsasalita.”
12
Si Yahweh ay itinakwil ng kanyang bayan. “Wala naman siyang gagawing anuman!” ang sabi nila. “Hindi tayo daranas ng kahirapan; walang darating na digmaan o taggutom man.
13
Ang mga propeta'y walang kabuluhan; hindi talagang galing kay Yahweh ang ipinapahayag nila.” Ganito naman ang sabi sa akin ni Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat: “Dahil nilapastangan ako ng mga taong iyan, ang aking salitang lalabas sa iyong bibig ay magiging parang apoy. Sila'y parang tuyong kahoy na tutupukin nito.”
15
Mga taga-Israel, magpapadala si Yahweh ng isang bansang buhat sa malayo upang salakayin kayo. Ito'y isang malakas at matandang bansa na ang wika'y hindi ninyo alam o nauunawaan man. Ito'y ipinahayag na ni Yahweh.
16
Mababangis ang mga kawal ng kaaway; kamatayan ang dulot ng kanilang mga pana.
17
Uubusin nila ang inyong mga ani at mga pagkain. Papatayin nila ang inyong mga anak. Kakatayin nila ang inyong mga kawan at baka, at wawasakin ang inyong mga tanim na igos at ubasan. Dudurugin ng kanilang hukbo ang matitibay na lunsod na pinagkakanlungan ninyo.
18
“Gayunman, akong si Yahweh ang nagsasabing hindi ko lubusang pupuksain ang aking bayan sa panahong iyon.
19
Kung sila'y magtanong sa iyo, Jeremias, kung bakit ko ginawa ang lahat ng ito, sabihin mo: ‘Kung papaanong tinalikuran ninyo si Yahweh at kayo'y naglingkod sa ibang mga diyos samantalang nasa sariling lupain, gayon kayo maglilingkod sa mga dayuhan sa isang lupaing hindi inyo.’”
20
Sabihin mo sa mga anak ni Jacob; gayundin sa mga taga-Juda:
21
“Makinig kayo, mga hangal; may mga mata kayo ngunit hindi naman makakita, may mga tainga ngunit hindi naman makarinig.
22
Ako si Yahweh; hindi ba kayo natatakot sa akin o nanginginig sa presensya ko? Ako ang naglagay ng buhangin upang maging hangganan ng karagatan, isang palagiang hangganan na hindi kayang bagtasin. Kahit magngalit ang dagat at tumaas ang mga alon, hindi sila makakalampas dito.
23
Ngunit kayo'y mapaghimagsik at matitigas ang ulo; tinalikuran ninyo ako at nilayuan.
24
Hindi man lamang ninyo inisip na parangalan si Yahweh na inyong Diyos, gayong siya ang nagbibigay ng ulan sa takdang panahon, at nagpapasapit sa panahon ng pag-aani taun-taon.
25
At sa halip, nagiging hadlang ang inyong mga kasalanan upang makamit ang mabubuting bagay na ito.
26
“Tumira sa aking bayan ang manggagawa ng kasamaan; mga nanghuhuli ng ibon ang katulad nila. Ang pagkakaiba lamang, mga tao ang binibitag nila.
27
Kung paanong pinupuno ng isang nanghuhuli ng ibon ang kanyang hawla, gayon nila pinupuno ng mga ninakaw ang kanilang mga bahay. Kaya naging mayaman sila at naging makapangyarihan.
28
Lagi silang busog at matataba. Sukdulan na ang kanilang kasamaan. Inaapi nila ang mga ulila at hindi makatarungan ang paglilitis na kanilang ginagawa. Hindi nila ipinagtatanggol ang karapatan ng mga kaawa-awa.
29
“Dahil dito'y paparusahan ko sila; maghihiganti ako sa kanilang bansa. Akong si Yahweh ang nagsasabi nito.
30
Nakakapangilabot at nakakatakot ang nangyari sa buong lupain.
31
Pawang kasinungalingan ang pahayag ng mga propeta; ang kanilang utos ang sinusunod ng mga pari, at hindi naman tumututol ang aking bayan. Subalit ano ang gagawin ninyo kapag nagwakas na ang lahat?”
← Chapter 4
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 6 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52