bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
/
Jonah 2
Jonah 2
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
← Chapter 1
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 3 →
1
Nang magkagayoy nanalangin si Jonas sa Panginoon niyang Dios mula sa tiyan ng isda.
2
At kaniyang sinabi, Tinawagan ko ang Panginoon dahil sa aking pagdadalamhati, At siyay sumagot sa akin; Mula sa tiyan ng Sheol akoy sumigaw, At iyong dininig ang aking tinig.
3
Sapagkat inihagis mo ako sa kalaliman, sa gitna ng dagat, At ang tubig ay nasa palibot ko; Ang lahat ng iyong alon at lahat ng iyong malaking alon ay umaapaw sa akin.
4
At aking sinabi, Akoy nahagis mula sa harap ng iyong mga mata; Gayon may titingin ako uli sa iyong banal na templo.
5
Kinukulong ako ng tubig sa palibot hanggang sa kaluluwa; Ang kalaliman ay nasa palibot ko; Ang mga damong dagat ay pumilipit sa aking ulo.
6
Akoy bumaba sa mga kaibaibabaan ng mga bundok; Ang lupa sangpu ng kaniyang halang ay tumakip sa akin magpakailan man: Gayon may isinampa mo ang aking buhay mula sa hukay, Oh Panginoon kong Dios.
7
Nang ang aking kaluluwa ay nanglupaypay sa loob ko; naaalaala ko ang Panginoon; At ang aking dalangin ay umabot sa loob ng iyong banal na templo.
8
Ang nagsisilingap ng mga walang kabuluhang magdaraya Binabayaan ang kanilang sariling kaawaan.
9
Ngunit akoy maghahain sa iyo ng tinig ng pasasalamat; Aking tutuparin yaong aking ipinanata. Kaligtasay sa Panginoon.
10
At ang Panginoon ay nagsalita sa isda, at iniluwa si Jonas sa tuyong lupa.
← Chapter 1
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 3 →
All chapters:
1
2
3
4