bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Hosea 14
Hosea 14
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 13
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
1
O Israel, manumbalik ka sa PANGINOON mong Diyos; sapagkat ikaw ay nabuwal dahil sa iyong kasamaan.
2
Magdala kayo ng mga salita, at manumbalik kayo sa PANGINOON; sabihin ninyo sa kanya, "Alisin mo ang lahat ng kasamaan, tanggapin mo ang mabuti; at aming ihahandog ang bunga ng aming mga labi.
3
Hindi kami ililigtas ng Asiria; hindi kami sasakay sa mga kabayo; hindi na kami magsasabi sa gawa ng aming mga kamay, 'Aming Diyos.' Sa iyo'y nakakatagpo ng awa ang ulila."
4
Aking gagamutin ang kanilang pagtataksil, malaya ko silang iibigin; sapagkat ang aking galit ay naalis na sa kanila.
5
Ako'y magiging tulad ng hamog sa Israel; siya'y mamumukadkad gaya ng liryo, at kakalat ang kanyang ugat tulad ng Lebanon.
6
Ang kanyang mga sanga ay yayabong, at ang kanyang kagandahan ay magiging gaya ng puno ng olibo, at ang kanyang bango ay tulad ng Lebanon.
7
Sila'y muling maninirahan sa kanyang lilim sila'y lalago gaya ng trigo, at mamumulaklak na gaya ng puno ng ubas, at ang kanilang bango ay magiging gaya ng alak ng Lebanon.
8
O Efraim, ano ba ang kinalaman ko sa mga diyus-diyosan? Ako ang siyang sumasagot at nagbabantay sa iyo." Ako'y tulad sa sipres na laging luntian, sa akin nanggagaling ang iyong bunga.
9
Sinuman ang pantas, unawain niya ang mga bagay na ito; sinumang may pang-unawa, alamin niya ang mga ito; sapagkat ang mga daan ng PANGINOON ay matuwid, at nilalakaran ng mga taong matuwid, ngunit natitisod sa mga iyon ang mga makasalanan.
← Chapter 13
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14