bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Hosea 6
Hosea 6
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 5
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 7 →
1
"Halikayo at tayo'y manumbalik sa PANGINOON; sapagkat siya ang lumapa, ngunit pagagalingin niya tayo; sinugatan niya tayo ngunit tayo'y kanyang bebendahan.
2
Pagkatapos ng dalawang araw ay muli niya tayong bubuhayin; sa ikatlong araw ay ibabangon niya tayo, upang tayo'y mabuhay sa harap niya.
3
At ating kilalanin, tayo'y magpatuloy upang makilala ang PANGINOON; ang kanyang paglabas ay kasintiyak ng bukang-liwayway; at siya'y paparito sa atin na parang ulan, tulad ng ulan sa tagsibol na dumidilig sa lupa."
4
Anong gagawin ko sa iyo, O Efraim? Anong gagawin ko sa iyo, O Juda? Ang inyong katapatan ay parang ulap sa umaga, at parang hamog na maagang umaalis.
5
Kaya't sila'y aking pinutol sa pamamagitan ng mga propeta; pinatay ko sila ng mga salita ng aking bibig; at ang aking mga kahatulan ay lumalabas na parang liwanag.
6
Sapagkat nalulugod ako sa katapatan, kaysa alay, ng pagkakilala sa Diyos kaysa mga handog na sinusunog.
7
Ngunit gaya ni Adan ay sumuway sila sa tipan; doo'y nagsigawa silang may kataksilan sa akin.
8
Ang Gilead ay lunsod ng mga gumagawa ng kasamaan; tigmak ng dugo.
9
Kung paanong ang mga tulisan ay nag-aabang sa isang tao, gayon nagsasama-sama ang mga pari; sila'y pumapatay sa daan patungong Shekem. Sila'y gumagawa ng kasamaan.
10
Sa sambahayan ni Israel ay nakakita ako ng kakilakilabot na bagay; ang pagiging bayarang babae ng Efraim ay naroroon, ang Israel ay dinudungisan ang sarili.
11
Sa iyo rin, O Juda, ay may nakatakdang pag-aani, kapag ibabalik ko na ang mga kayamanan sa aking bayan.
← Chapter 5
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 7 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14