bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Matthew 14
Matthew 14
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 13
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 15 →
1
Nang panahong iyon ay narinig ng tetrarkang si Herodes ang balita tungkol kay Jesus.
2
At sinabi niya sa kanyang mga lingkod, "Ito ay si Juan na Tagapagbautismo na muling binuhay sa mga patay; kaya't nagagawa niya ang mga kababalaghang ito."
3
Sapagkat dinakip ni Herodes si Juan, iginapos niya ito at inilagay sa bilangguan dahil kay Herodias, na asawa ng kanyang kapatid na si Felipe.
4
Sapagkat sinabi ni Juan sa kanya, "Hindi ipinahihintulot sa iyo na angkinin mo siya."
5
Bagama't ibig niyang ipapatay si Juan, natakot siya sa mga tao sapagkat kanilang itinuturing si Juan na isang propeta.
6
Ngunit nang dumating ang pagdiriwang ng kaarawan ni Herodes, sumayaw sa gitna nila ang anak na babae ni Herodias, at ito ay ikinatuwa ni Herodes.
7
Kaya't siya'y nangako na may sumpa na kanyang ibibigay ang anumang hilingin nito.
8
Sa udyok ng kanyang ina ay sinabi niya, "Ibigay mo sa akin dito sa isang pinggan ang ulo ni Juan na Tagapagbautismo!"
9
Nalungkot ang hari, ngunit dahil sa kanyang mga sumpa at sa mga panauhin, ipinag-utos niyang ibigay iyon.
10
Nagsugo siya at pinapugutan niya ng ulo si Juan sa bilangguan.
11
Dinala na nasa isang pinggan ang kanyang ulo at ibinigay sa dalaga, at dinala naman nito sa kanyang ina.
12
Dumating ang mga alagad ni Juan, kinuha ang bangkay at inilibing ito. Pagkatapos, sila'y umalis at ibinalita kay Jesus.
13
Nang marinig ito ni Jesus, umalis siya roon na sakay ng isang bangka tungo sa isang ilang na lugar na wala siyang kasama. Nang mabalitaan ito ng maraming tao, naglakad silang sumunod sa kanya mula sa mga bayan.
14
Pagdating niya sa pampang, nakita niya ang napakaraming tao. Nahabag siya sa kanila at pinagaling niya ang mga maysakit sa kanila.
15
Nang nagtatakipsilim na, lumapit sa kanya ang mga alagad niya, na nagsasabi, "Ilang na lugar ito, at lumipas na ang maghapon. Papuntahin mo na ang mga tao sa mga nayon upang makabili sila ng kanilang makakain."
16
Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, "Hindi na kailangang umalis pa sila; bigyan ninyo sila ng makakain."
17
At sinabi nila sa kanya, "Mayroon lamang tayong limang tinapay at dalawang isda."
18
Sinabi niya, "Dalhin ninyo rito sa akin."
19
Ipinag-utos niya sa maraming tao na umupo sa damuhan. Pagkakuha niya sa limang tinapay at dalawang isda, tumingala siya sa langit, binasbasan niya ang mga ito, pinagputul-putol at ibinigay ang mga tinapay sa mga alagad, at ibinigay naman ng mga alagad sa maraming tao.
20
Kumain silang lahat at nabusog. Kinuha nila ang mga lumabis na pinagputul-putol na tinapay, at napuno ang labindalawang kaing.
21
At ang mga kumain ay may limang libong lalaki, bukod pa sa mga babae at sa mga bata.
22
Pagkatapos ay pinasakay niya kaagad ang kanyang mga alagad sa bangka at pinauna niya sa kabilang ibayo, habang pinapauwi niya ang maraming tao.
23
Pagkatapos niyang pauwiin ang maraming tao ay umakyat siyang mag-isa sa bundok upang manalangin. Pagsapit ng gabi, siya'y naroong nag-iisa.
24
Ngunit ang bangka ng mga sandaling iyon ay malayong-malayo na sa dalampasigan na hinahampas ng mga alon, sapagkat pasalungat sa kanila ang hangin.
25
Nang madaling-araw na ay lumapit siya sa kanila na lumalakad sa ibabaw ng dagat.
26
At nang makita ng mga alagad na siya ay lumalakad sa ibabaw ng dagat, nasindak sila, na nagsasabi, 'Multo!' Nagsigawan sila sa takot.
27
Ngunit nagsalita kaagad sa kanila si Jesus, na nagsasabi, "Lakasan ninyo ang inyong loob; ako ito. Huwag kayong matakot."
28
Sumagot sa kanya si Pedro at nagsabi, "Panginoon, kung ikaw iyan, ipag-utos mo sa akin na lumapit sa iyo sa ibabaw ng tubig."
29
Sinabi niya, "Halika." Kaya't bumaba si Pedro sa bangka at lumakad sa ibabaw ng tubig patungo kay Jesus.
30
Ngunit nang mapansin niya ang hangin, natakot siya, at nang siya'y papalubog na ay sumigaw siya, "Panginoon, iligtas mo ako!"
31
Inabot kaagad ni Jesus ang kamay niya at hinawakan siya, na sinasabi sa kanya, "O ikaw na maliit ang pananampalataya, bakit ka nag-alinlangan?"
32
Nang makasakay na sila sa bangka, ay huminto na ang hangin.
33
Sinamba siya ng mga nasa bangka, na nagsasabi, "Tunay na ikaw ang Anak ng Diyos:"
34
Nang makatawid na sila, dumating sila sa lupain ng Genesaret.
35
Nang makilala siya ng mga tao sa pook na iyon ay nagpakalat sila ng balita sa buong lupain at dinala sa kanya ang lahat ng mga maysakit.
36
Nakiusap sila sa kanya na mahipo man lamang nila ang laylayan ng kanyang damit; at ang lahat ng humipo nito ay gumaling.
← Chapter 13
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 15 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28