bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Matthew 19
Matthew 19
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 18
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 20 →
1
Nang matapos ni Jesus ang mga pananalitang ito, umalis siya sa Galilea at nagtungo sa mga nasasakupan ng Judea sa dakong ibayo ng Jordan.
2
Sumunod sa kanya ang napakaraming tao at sila'y pinagaling niya roon.
3
Lumapit sa kanya ang mga Fariseo at upang siya'y masubok ay kanilang itinanong, "Sang-ayon ba sa batas na hiwalayan ng isang tao ang kanyang asawa sa anumang kadahilanan?"
4
Ngunit siya'y sumagot at sinabi, "Hindi ba ninyo nabasa na ang lumikha sa kanila buhat sa pasimula ay nilikha silang lalaki at babae,
5
at kanyang sinabi, 'Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina at makikisama sa kanyang asawa, at ang dalawa ay magiging isang laman?'
6
Kaya, hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinagsama nga ng Diyos, ay huwag papaghiwalayin ng tao."
7
Sinabi nila sa kanya, 'Kung gayon, bakit ipinag-utos ni Moises sa amin na magbigay ng kasulatan ng paghihiwalay at hiwalayan ang babae?'
8
Sinabi niya sa kanila, "Dahil sa katigasan ng inyong puso ay ipinahintulot sa inyo ni Moises na inyong hiwalayan ang inyong mga asawang babae; ngunit buhat sa pasimula ay hindi gayon.
9
At sinasabi ko sa inyo: sinumang ihiwalay ang kanyang asawang babae, maliban sa pakikiapid ang dahilan, at mag-asawa ng iba, ay nagkakasala ng pangangalunya. At ang mag-asawa sa babaing inihiwalay ay nagkakasala ng pangangalunya."
10
Sinabi ng mga alagad sa kanya, "Kung gayon ang kalagayan ng lalaki sa kanyang asawa, mas mabuti pang huwag mag-asawa."
11
Ngunit sinabi niya sa kanila, "Hindi matatanggap ng lahat ang pananalitang ito, kundi iyon lamang pinagkalooban nito.
12
Sapagkat may mga eunuko na ipinanganak na gayon mula sa sinapupunan ng kanilang mga ina; at may mga eunuko na ginawang eunuko ng mga tao; at may mga eunuko na ginawang eunuko ang kanilang mga sarili alang-alang sa kaharian ng langit. Ang makakatanggap nito, ay hayaang tumanggap."
13
Pagkatapos ay dinala sa kanya ang maliliit na bata, upang ipatong niya ang kanyang mga kamay sa kanila at ipanalangin. Ngunit sinaway ng mga alagad ang mga tao.
14
Ngunit sinabi ni Jesus, "Hayaan ninyo ang maliliit na bata, at huwag ninyo silang pagbawalang lumapit sa akin, sapagkat sa mga tulad nila nauukol ang kaharian ng langit."
15
Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa kanila, at umalis doon.
16
May isang lumapit sa kanya at nagsabi, "Guro, anong mabuting bagay ang dapat kong gawin upang magkaroon ako ng buhay na walang hanggan?"
17
At sinabi niya sa kanya, "Bakit mo ako tinatanong tungkol sa mabuti? lisa ang mabuti. Ngunit kung ibig mong pumasok sa buhay, tuparin mo ang mga utos."
18
Sinabi niya sa kanya, "Alin sa mga iyon?" At sinabi ni Jesus, "Huwag kang papatay; Huwag kang mangangalunya; Huwag kang magnanakaw; Huwag kang sasaksi para sa kasinungalingan;
19
Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina; at, Ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili."
20
Sinabi sa kanya ng kabataang lalaki, "Sinunod ko na ang lahat ng mga ito ano pa ang kulang sa akin?"
21
Sinabi sa kanya ni Jesus, "Kung ibig mong maging ganap, humayo ka, ipagbili mo ang iyong mga ari-arian at ibigay mo sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit; pagkatapos ay pumarito ka, at sumunod ka sa akin."
22
Ngunit nang marinig ng binata ang ganitong salita, umalis siyang nalulungkot, sapagkat napakarami niyang ari-arian.
23
At sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, "Katotohanang sinasabi ko sa inyo, 'Mahirap para sa isang mayaman ang pumasok sa kaharian ng langit.
24
Muling sinasabi ko sa inyo, mas madali pa sa isang kamelyo ang dumaan sa butas ng isang karayom, kaysa isang mayaman ang pumasok sa kaharian ng Diyos."
25
Nang marinig ito ng mga alagad, sila'y lubhang nagtaka at nagsabi, "Kung gayon, sino kaya ang maliligtas?"
26
Ngunit tiningnan sila ni Jesus at sinabi sa kanila, "Sa mga tao, ito ay hindi maaaring mangyari, ngunit sa Diyos, ang lahat ng mga bagay ay maaaring mangyari."
27
Pagkatapos ay sumagot si Pedro at sinabi sa kanya, "Narito, iniwan namin ang lahat at sumunod sa iyo. Ano naman ang makakamit namin?"
28
Sinabi ni Jesus sa kanila, "Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na sa pagbabago ng lahat ng mga bagay, kapag uupo na ang Anak ng Tao sa kanyang maluwalhating trono, kayong mga sumunod sa akin ay uupo rin sa labindalawang trono na naghuhukom sa labindalawang lipi ng Israel.
29
At ang sinumang nag-iwan ng mga bahay, o mga kapatid na lalaki, o mga kapatid na babae, o ama, o ina, o mga anak, o mga lupa, alang-alang sa aking pangalan, ay tatanggap ng makasandaang ulit at magmamana ng buhay na walang hanggan.
30
Ngunit maraming mga una na mahuhuli, at mga huli na mauuna.
← Chapter 18
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 20 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28