bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Proverbs 19
Proverbs 19
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 18
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 20 →
1
Mas mabuti ang dukha na lumalakad sa kanyang katapatan, kaysa isang taong masama ang pananalita, at isang hangal.
2
Hindi mabuti para sa isang tao ang walang kaalaman, at siyang nagmamadali sa kanyang mga paa ay naliligaw.
3
Ang kahangalan ng tao ang sumisira sa kanyang landas, at ang kanyang puso ay nagagalit laban sa PANGINOON.
4
Ang kayamanan ay nagdaragdag ng maraming bagong kaibigan, ngunit ang dukha ay iniiwan ng kanyang kaibigan.
5
Ang bulaang saksi ay tiyak na parurusahan, at hindi makakatakas ang nagsasalita ng mga kasinungalingan.
6
Marami ang naghahangad ng pagpapala ng taong may magandang loob, at ang bawat tao'y kaibigan ng nagbibigay ng mga handog.
7
Kinamumuhian ang mahirap ng lahat ng kanyang kapatid, gaano pa kaya ang ilalayo sa kanya ng kanyang mga kaibigan! Kanyang hinahabol sila ng mga salita, ngunit wala na sila.
8
Siyang kumukuha ng karunungan ay umiibig sa sariling kaluluwa, siyang nag-iingat ng pang-unawa ay sasagana.
9
Ang sinungaling na saksi ay tiyak na parurusahan, at ang nagsasalita ng mga kasinungalingan ay mamamatay.
10
Hindi nababagay sa hangal ang mamuhay na marangya, lalo na sa alipin na sa mga pinuno ay mamahala.
11
Ang matinong pag-iisip ng tao sa galit ay nagpapabagal, at kanyang kaluwalhatian na di pansinin ang kamalian.
12
Ang poot ng hari ay parang ungal ng leon, ngunit parang hamog sa damo ang kanyang pagsang-ayon.
13
Ang hangal na anak, sa kanyang ama ay kasiraan, at ang pakikipagtalo ng asawa ay patuloy na pagpatak ng ulan.
14
Bahay at kayamanan ay minamana sa mga magulang, ngunit galing sa PANGINOON ang asawa na may katalinuhan.
15
Ang katamaran ay nagbubulid sa tulog na mahimbing; at ang taong tamad, gutom ay daranasin.
16
Ang nag-iingat ng utos ay kaluluwa niya ang iniingatan, ngunit ang humahamak sa salita ay mamamatay.
17
Ang mabait sa dukha ay sa PANGINOON nagpapautang, at ang kanyang mabuting gawa sa kanya ay babayaran.
18
Supilin mo ang iyong anak, habang may pag-asa; at huwag mong ilagak ang iyong puso sa ikapapahamak niya.
19
Ang taong may malaking poot sa parusa ay pagbabayarin, sapagkat kung iyong iligtas siya, muli mo lamang iyong gagawin.
20
Makinig ka sa payo, at sa pangaral ay tumanggap, upang magtamo ka ng karunungan para sa hinaharap.
21
Sa puso ng isang tao, ang panukala'y marami, ngunit ang layunin ng PANGINOON ang siyang mananatili.
22
Ang kanais-nais sa isang tao ay ang kanyang katapatan, at ang isang dukha ay mas mabuti kaysa isang bulaan.
23
Ang takot sa PANGINOON ay patungo sa buhay; at ang mayroon niyon ay magpapahingang may kasiyahan; hindi siya dadalawin ng kapinsalaan.
24
Ibinabaon ng tamad ang kanyang kamay sa pinggan, at hindi niya ibabalik pa sa kanyang bibig man lamang.
25
Saktan mo ang manlilibak, at ang walang muwang ay matututo ng karunungan; sawayin mo ang may unawa, at siya'y magkakaroon ng kaalaman.
26
Ang gumagawa ng karahasan sa kanyang ama, at nagpapalayas sa kanyang ina, ay anak na nakakahiya at kakutyaan ang dala.
27
Tumigil ka, anak ko, upang makinig ng aral upang hindi ka maligaw mula sa mga salita ng kaalaman.
28
Ang walang kabuluhang saksi ay lumilibak sa katarungan, at ang bibig ng masama ay lumalamon ng kasamaan.
29
Nakahanda sa mga manlilibak ang kahatulan, ang paghagupit ay sa mga likod ng mga hangal.
← Chapter 18
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 20 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31