bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
/
Isaiah 28
Isaiah 28
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
← Chapter 27
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 29 →
1
Kawawa ang Israel, sapagkat naglalaho na ang kanyang karangalan; parang kumukupas na kagandahan ng bulaklak sa ulo ng mga lasenggong pinuno. May pabango nga sila sa ulo ngunit animo'y patay na nakahiga dahil sa kalasingan.
2
Narito, may inihanda na ang Panginoon, isang taong malakas at makapangyarihan; sinlakas ito ng isang mapaminsalang bagyo, taglay ang malakas na hangin, ulan at rumaragasang baha, upang palubugin ang buong lupa.
3
Yuyurakan ang ipinagmamalaking karangalan ng mga lasenggong pinuno ng Israel.
4
Mabilis ang pagkawala ng kanyang nagniningning na kagandahan tulad ng pagkaubos ng mga unang bunga ng igos, na agad kinukuha at kinakain kapag nahinog.
5
Sa araw na iyon, si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ang magiging maningning na korona ng mga nalabing hinirang.
6
Siya ang papatnubay sa mga hukom upang maging makatarungan sa paghatol; at magbibigay ng tapang at lakas sa mga tagapagtanggol ng bayan laban sa mga kaaway.
7
Sumusuray na sa kalasingan ang mga pari at mga propeta kaya sila'y nalilito. Hindi na maunawaan ng mga propeta ang nakikita nilang pangitain; at hindi na matuwid ang paghatol ng mga pari.
8
Ang lahat ng mesa'y punô ng kanilang suka, nakakapandiri ang buong paligid.
9
Ganito ang sinasabi nila laban sa akin: “Ano kaya ang palagay ng taong ito sa atin; sino bang nais niyang turuan at pagpaliwanagan? Ang sinabi niya'y para lamang sa mga batang musmos na nangangailangan pa ng gatas.
10
Sinong makikinig sa kanyang pamamaraan: Isa-isang letra, isa-isang linya, at isa-isang aralin!”
11
Kaya naman magsasalita si Yahweh sa bayang ito sa pamamagitan ng mga dayuhan, siya'y magtuturo.
12
Ganito ang kanyang sasabihin: “Narito ang tunay na kapahingahan para sa mga napapagal,” ngunit hindi nila ito pinakinggan.
13
Kaya ganito ang pagtuturo ni Yahweh sa kanila: “Isa-isang letra, isa-isang linya, at isa-isang aralin;” at sa kanilang paglakad, sila'y mabubuwal, mahuhulog sa bitag, masasaktan at mabibihag.
14
Kaya't ngayon ay dinggin ninyo si Yahweh, kayong mga walang galang na pinuno, na namamahala sa Lunsod ng Jerusalem.
15
Sapagkat sinabi ninyo, “Nakipagkasundo na kami sa kamatayan, gayundin sa daigdig ng mga patay. Kaya hindi na kami mapapahamak dumating man ang malagim na sakuna; ginawa na naming kuta ang kasinungalingan, at pandaraya ang aming kanlungan.”
16
Ito ngayon ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: “Naglalagay ako sa Zion ng batong-panulukan, subok, mahalaga, at matatag na pundasyon; ‘Ang magtiwala rito'y hindi mapapahiya.’
17
Gagawin kong panukat ang katarungan, at pamantayan ang katuwiran; wawasakin ng bagyo at aanurin ng baha ang lahat ng silungan ng kasinungalingan.”
18
Ang pakikipagkasundo mo sa kamatayan at sa daigdig ng mga patay ay mawawalan ng bisa at masisira, at kapag dumating ang baha, lahat kayo'y matatangay.
19
Araw-araw, sa umaga't gabi ang bahang ito'y daraan at kayo'y tatangayin; maghahasik ito ng sindak at takot upang maunawaan ang mensahe nito.
20
Sapagkat mangyayari sa inyo ang isinasaad ng kasabihan: ‘Maikli ang kamang inyong higaan, at makitid ang kumot para sa katawan.’
21
Sapagkat tulad ng ginawa sa Bundok ng Perazim, tatayo si Yahweh at ipadarama ang kanyang galit; tulad din ng ginawa niya sa Libis ng Gibeon, gagawin niya ang kanyang magustuhan kahit hindi siya maunawaan, at tanging siya lang ang nakakaalam.
22
Kaya huwag ka nang magyabang, baka ang gapos mo ay lalong higpitan. Sapagkat narinig ko na ang utos ni Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon, na wasakin ang buong lupain.
23
Itong aking tinig ay iyong dinggin, ang sinasabi ko'y iyong unawain.
24
Ang nagsasaka ba'y lagi na lamang pag-aararo at pagsusuyod ang gagawin sa kanyang bukid?
25
Hindi ba't kung maihanda na ang lupa, ito'y sinasabugan niya ng anis at linga? Hindi ba tinatamnan niya ito ng trigo't sebada at sa mga gilid naman ay espelta?
26
Iyan ang tamang gawain na itinuro ng Diyos sa tao.
27
Ang anis at linga ay hindi ginagamitan ng gulong o mabigat na panggiik. Banayad lamang itong nililiglig o pinapalo.
28
Dinudurog ba ang butil na ginagawang tinapay? Hindi ito ginigiik nang walang tigil, pinararaanan ito sa hinihilang kariton ngunit hindi pinupulbos.
29
Ang mensaheng ito'y mula kay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, mahusay ang kanyang payo at kahanga-hanga ang kanyang karunungan.
← Chapter 27
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 29 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66