bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
/
Isaiah 33
Isaiah 33
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
← Chapter 32
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 34 →
1
Mapapahamak ang aming mga kaaway! Sila'y nagnakaw at nagtaksil, kahit na walang gumawa sa kanila ng ganito. Ngunit magwawakas ang ginagawa nilang ito, at sila'y magiging biktima rin ng pagnanakaw at pagtataksil.
2
Kahabagan mo kami, O Yahweh, kami'y naghihintay sa iyo; ingatan mo kami araw-araw at iligtas sa panahon ng kaguluhan.
3
Kapag ikaw ay nasa panig namin, tumatakas ang mga kaaway dahil sa ingay ng labanan.
4
Ang ari-arian nila'y nalilimas, parang pananim na dinaanan ng balang.
5
Dakila si Yahweh! Ang trono niya'y ang kalangitan, maghahari siya sa Zion na may katarungan at katuwiran.
6
Siya ang magpapatatag sa bansa, inililigtas niya ang kanyang bayan, at binibigyan ng karunungan at kaalaman; ang pangunahing yaman nila, si Yahweh'y sundin at igalang.
7
Ang matatapang ay napapasaklolo, ang mga tagapamayapa ay naghihinagpis.
8
Sapagkat wala nang tao sa mga lansangan, mapanganib na ang doo'y dumaan. Mga kasunduan ay di na pinahahalagahan, at wala na ring taong iginagalang.
9
Ang tuyong lupa'y parang nagluluksa, ang kagubatan ng Lebanon ay nalalanta; naging parang disyerto na ang magandang lupain ng Sharon; gayundin ang Bundok ng Carmel at ang Bashan.
10
“Kikilos ako ngayon,” ang sabi ni Yahweh sa mga bansa, “At ipapakita ko ang aking kapangyarihan.”
11
Walang kabuluhan ang mga plano ninyo, at ang mga gawa ninyo ay walang halaga; dahil sa aking poot tutupukin kayo ng aking espiritu.
12
Madudurog kayong tulad ng mga batong sinunog para gawing apog. Kayo'y magiging abo, na parang tinik na sinunog.
13
Kayong mga nasa malayo, pakinggan ninyo ang ginawa ko; kayong mga nasa malapit, kilalanin ninyo ang kapangyarihan ko.
14
Nanginginig sa takot ang mga makasalanan sa Zion. Sabi nila, “Parang apoy na hindi namamatay ang parusang igagawad ng Diyos. Sino ang makakatagal sa init niyon?”
15
Ngunit maliligtas kayo kung tama ang sinasabi ninyo at ginagawa. Huwag ninyong gagamitin ang inyong kapangyarihan para apihin ang mahihirap; huwag kayong tatanggap ng suhol; huwag kayong makikiisa sa mga mamamatay-tao; o sa mga gumagawa ng kasamaan.
16
Sa gayon, magiging ligtas kayo, parang nasa loob ng matibay na tanggulan. Hindi kayo mawawalan ng pagkain at inumin.
17
Makikita ninyo ang kaningningan ng hari na mamamahala sa buong lupain.
18
Mawawala na ang kinatatakutang mga dayuhang tiktik at maniningil ng buwis.
19
Mawawala na rin ang mga palalong dayuhan na hindi maunawaan kung anong sinasabi.
20
Masdan mo ang Zion, ang pinagdarausan natin ng mga kapistahan! Masdan mo rin ang Jerusalem, mapayapang lugar, magandang panahanan. Ito'y parang matatag na toldang ang mga tulos ay nakabaon nang malalim at ang mga lubid ay hindi na kakalagin.
21
Ang kaluwalhatian ni Yahweh ay ihahayag sa atin. Maninirahan tayo sa baybayin ng malalawak na ilog at batis na hindi mapapasok ng sasakyan ng mga kaaway.
22
Sapagkat si Yahweh ang ating hukom, siya ang mamamahala, at siya rin ang haring magliligtas sa atin.
23
Ngayon, tulad mo'y mahinang barko, hindi mapigil ang lubid o mailadlad ang mga layag. Ngunit pagdating ng panahong iyon, maraming masasamsam sa mga kaaway, at pati mga pilay ay bibigyan ng bahagi.
24
Wala nang may sakit na daraing doon, patatawarin na lahat ng mga kasalanan.
← Chapter 32
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 34 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66