bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
/
Job 19
Job 19
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
← Chapter 18
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 20 →
1
Muling sumagot si Job,
2
“Hanggang kailan ninyo ako pahihirapan, at sasaktan sa mga sinasabi ninyo?
3
Paulit-ulit ninyo akong iniinsulto. Hindi na kayo nahiya sa mga ginagawa ninyo sa akin?
4
Kung talagang nagkasala ako, problema ko na iyon.
5
Ang akala ninyoʼy matuwid kayo kaysa sa akin, at iniisip ninyong ang mga paghihirap koʼy nagpapatunay na nagkasala ako.
6
Pero ang Dios ang may gawa nito sa akin. Siya ang naglagay ng bitag sa palibot ko.
7
“Tumawag ako at humingi ng tulong pero walang sumagot sa akin. Humingi ako ng katarungan pero walang nagbigay sa akin.
8
Hinarangan ng Dios ang dinadaanan ko para hindi ako makadaan. Tinakpan din niya ito ng kadiliman.
9
Kinuha niya ang kayamanan ko pati na ang aking karangalan.
10
Pinahirapan niya ako saanman ako bumaling na halos ikamatay ko na. Inalis niya ang pag-asa ko na parang punongkahoy na binunot.
11
Labis ang galit niya sa akin at itinuring niya akong kaaway.
12
Parang pinadalhan niya ako ng mga sundalo upang salakayin at palibutan ang aking tolda.
13
“Inilayo niya sa akin ang aking mga kamag-anak; at nilayuan na ako ng aking mga kakilala.
14
Wala na ang lahat ng taong malapit sa akin. Pati mga kaibigan koʼy nilimot na ako.
15
Hindi na ako kilala ng aking mga bisita at mga babaeng alipin. Itinuring na nila akong dayuhan.
16
Kapag tinatawag ko ang aking alipin, hindi na niya ako pinapansin, makiusap man ako.
17
Ang asawa koʼy nababahuan sa hininga ko at ang mga kapatid kong lalaki ay nandidiri sa akin.
18
Hinahamak ako kahit ng mga batang paslit. Kapag nakikita nila ako, pinagtatawanan nila ako.
19
Lahat ng matalik kong kaibigan ay nasusuklam sa akin. Pati mga mahal ko sa buhay ay lumayo na rin.
20
Butoʼt balat na lang ako at halos mamamatay na.
21
“Maawa kayo sa akin, mga kaibigan ko, dahil pinahihirapan ako ng Dios.
22
Bakit ninyo ako inuusig tulad ng ginagawa ng Dios sa akin? Hindi pa ba sapat ang pagpapahirap ninyo sa akin?
23
Mabuti sana kung isinulat sa aklat ang mga sinabi ko,
24
o di kayaʼy iniukit ito sa bato para hindi mabura magpakailanman.
25
“Pero alam kong buhay ang aking Tagapagligtas at sa bandang huli ay darating siya rito sa lupa para ipagtanggol ako.
26
Pagkaalis ko sa katawang ito at mabulok ang mga laman ko, makikita ko na ang Dios.
27
Makikita ko siya nang harapan at hindi na siya iba sa akin. Labis na akong nananabik na makita siya.
28
“Kung patuloy ninyo akong pararatangan na akoʼy naghihirap dahil sa aking kasalanan,
29
tiyak na darating sa inyo ang nakakatakot na parusa ng Dios. Parurusahan niya kayo dahil sa galit niya. Saka ninyo malalaman na hinatulan kayo ng Dios.”
← Chapter 18
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 20 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42