bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
/
Job 30
Job 30
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
← Chapter 29
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 31 →
1
“Pero ngayon, kinukutya na ako ng mga mas bata sa akin, na ang mga ama ay hindi mapagkakatiwalaan. Mas mapagkakatiwalaan pa nga ang mga aso kong tagapagbantay ng aking kawan kaysa sa kanila.
2
Ano bang makukuha ko sa mga taong ito na mahihina at talagang wala ng lakas?
3
Payat na payat sila dahil sa labis na kahirapan at gutom. Kahit gabi ay nagkakaykay sila ng mga lamang-lupa sa ilang para may makain.
4
Binubunot nila at kinakain ang mga tanim sa ilang pati na ang ugat ng punong enebro.
5
Tinataboy sila palayo sa kanilang mga kababayan at sinisigawan na parang mga magnanakaw.
6
Tumitira sila sa mga lambak, sa malalaking bitak ng bato at mga lungga sa lupa.
7
Para silang mga hayop na umaalulong sa kagubatan at nagsisiksikan sa ilalim ng maliliit na punongkahoy.
8
Wala silang halaga, walang nakakakilala at pinalayas pa sa kanilang lupain.
9
“At ngayon, paawit pa kung kutyain ako ng kanilang mga anak at naging katatawanan pa ako sa kanila.
10
Namumuhi sila at umiiwas sa akin. Hindi sila nangingiming duraan ako sa mukha.
11
Ngayong pinanghina ako at pinahirapan ng Dios, ginawa nila ang gusto nilang gawin sa akin.
12
Nilusob ako ng masasamang ito at nilagyan ng bitag ang aking dadaanan. Talagang pinagsisikapan nila akong ipahamak.
13
Sinisira nila ang dadaanan ko para ipahamak ako. At nagtatagumpay sila kahit walang tumutulong sa kanila.
14
Sinasalakay nila ako na parang mga sundalong dumadaan sa malalaking butas ng gibang pader.
15
Takot na takot ako, at biglang nawala ang karangalan ko na parang hinipan ng malakas na hangin, at ang kasaganaan koʼy naglahong gaya ng ulap.
16
At ngayon ay parang mamamatay na ako; walang tigil ang aking paghihirap.
17
Sa gabi ay kumikirot ang mga buto ko at hindi nawawala ang sakit nito.
18
Sa pamamagitan ng pambihirang lakas ng Dios, sinunggaban niya ako, hinawakan sa kwelyo,
19
at inihagis sa putik. Naging parang alikabok at abo na lang ako.
20
“ O Dios, humingi ako ng tulong sa inyo pero hindi kayo sumagot. Tumayo pa ako sa presensya nʼyo pero tiningnan nʼyo lang ako.
21
Naging malupit kayo sa akin. Pinahirapan nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.
22
Parang ipinatangay nʼyo ako sa hangin at ipinasalanta sa bagyo.
23
Alam kong dadalhin nʼyo ako sa lugar ng mga patay, ang lugar na itinakda para sa lahat ng tao.
24
“Tiyak na wala akong sinaktang taong naghihirap at humihingi ng tulong dahil sa kahirapan.
25
Iniyakan ko pa nga ang mga taong nahihirapan, at ang mga dukha.
26
Ngunit nang ako naman ang umasang gawan ng mabuti, masama ang ginawa sa akin. Umasa ako ng liwanag pero dilim ang dumating sa akin.
27
Walang tigil na nasasaktan ang aking damdamin. Araw-araw paghihirap ang dumarating sa akin.
28
Umitim ang balat ko hindi dahil sa init ng araw kundi sa aking karamdaman. Tumayo ako sa harap ng kapulungan at humingi ng tulong.
29
Ang boses koʼy parang alulong ng asong-gubat o huni ng kuwago.
30
Umitim ang balat koʼt natutuklap, at inaapoy ako ng lagnat.
31
Kaya naging malungkot ang tugtugin ng aking alpa at plauta.
← Chapter 29
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 31 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42