bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
/
Job 13
Job 13
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
← Chapter 12
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 14 →
1
Narito, nakita ang lahat na ito ng aking mata, ang aking tainga ay nakarinig at nakaunawa.
2
Kung ano ang iyong nalalaman, ay nalalaman ko rin naman: hindi ako huli sa inyo.
3
Walang pagsalang akoy magsasalita sa Makapangyarihan sa lahat, at nagnanasa akong makipagmatuwiranan sa Dios.
4
Ngunit kayoy mapagkatha ng mga kabulaanan. Kayong lahat ay mga manggagamot na walang kabuluhan.
5
Mano nawa ay magsitahimik kayong lahat! At magiging inyong karunungan.
6
Dinggin ninyo ngayon ang aking pangangatuwiran, at inyong dinggin ang mga pagsasanggalang ng aking mga labi.
7
Kayo bay mangagsasalita ng kalikuan dahil sa Dios, at mangungusap ng karayaan dahil sa kaniya?
8
Inyo bang lilingapin ang kaniyang pagka Dios? Inyo bang ipakikipagtalo ang Dios?
9
Mabuti ba na kayoy siyasatin niya? O kung paanong dinadaya ang isang tao ay inyo bang dadayain siya?
10
Walang pagsalang sasawayin niya kayo, kung lihim na kayoy tatangi ng pagkatao.
11
Hindi ba kayo tatakutin ng kaniyang karilagan, at ang gulat sa kaniya ay sasa inyo?
12
Ang inyong mga alaalang sabi ay kawikaang abo, ang inyong mga pagsasanggalang ay mga pagsasanggalang na putik.
13
Magsitahimik kayo, bayaan ninyo ako, na akoy makapagsalita, at paratingin sa akin ang darating.
14
Bakit kakagatin ng aking mga ngipin ang aking laman, at aking ilalagay ang aking buhay sa aking kamay?
15
Bagaman akoy patayin niya, akin ding hihintayin siya: gayon may aking aalalayan ang aking mga lakad sa harap niya.
16
Ito man ay magiging aking kaligtasan; sapagkat ang isang di banal ay hindi makahaharap sa kaniya.
17
Pakinggan ninyong masikap ang aking pananalita, at ang aking pahayag ay sumainyong mga pakinig.
18
Narito, ngayon, aking inayos ang aking usap; talastas ko na akoy matuwid.
19
Sino ang makikipagtalo sa akin? Sapagkat ngayoy tatahimik ako at malalagot ang aking hininga.
20
Dalawang bagay lamang ang huwag mong gawin sa akin, kung magkagayoy hindi ako magkukubli sa iyong mukha:
21
Iurong mo ng malayo ang iyong kamay sa akin; at huwag akong takutin ng pangingilabot sa iyo.
22
Kung magkagayoy tumawag ka, at akoy sasagot; o papagsalitain mo ako, at sumagot ka sa akin.
23
Ilan ang aking mga kasamaan at mga kasalanan? Ipakilala mo sa akin ang aking pagsalangsang at ang aking kasalanan.
24
Bakit ikinukubli mo ang iyong mukha, at inaari mo akong iyong kaaway?
25
Iyo bang pangingilabutin ang isang dahong pinapaspas ng hangin? At iyo bang hahabulin ang dayaming tuyo?
26
Sapagkat ikaw ay sumusulat ng mga mabigat na bagay laban sa akin, at ipinamamana mo sa akin ang mga kasamaan ng aking kabataan:
27
Iyo ring inilalagay ang aking mga paa sa pangawan, at pinupuna mo ang lahat kong landas: ikaw ay gumuguhit ng isang guhit sa palibot ng mga talampakan ng aking mga paa:
28
Bagaman akoy parang bagay na bulok na natutunaw, na parang damit na kinain ng tanga.
← Chapter 12
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 14 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42