bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
/
Job 7
Job 7
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
← Chapter 6
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 8 →
1
Wala bang kapanahunan ng kaguluhan ang tao sa ibabaw ng lupa? At hindi ba ang kaniyang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng nagpapaupa?
2
Na gaya ng alipin na ninanasang mainam ang lilim, at gaya ng nagpapaupa na tumitingin sa kaniyang mga kaupahan:
3
Gayon ako pinapagdaan ng mga buwan na walang kabuluhan at mga gabing nakaiinip ang itinakda sa akin.
4
Pag akoy nahihiga, aking sinasabi, kailan ako babangon at nakadaan na ang gabi? At akoy puspos ng pagkabalisa hanggang sa pagbubukang liwayway ng araw.
5
Ang aking laman ay nabibihisan ng mga uod at ng libag na alabok; ang aking balat ay namamaga at putok putok.
6
Ang aking mga kaarawan ay matulin kay sa panghabi ng manghahabi, at nagugugol na walang pagasa.
7
Oh alalahanin mo na ang aking buhay ay hinga: Ang aking mata ay hindi na makakakita pa ng mabuti.
8
Ang matang tumingin sa akin ay hindi na ako mamamasdan: ang iyong mga mata ay sasa akin, ngunit wala na ako.
9
Kung paanong ang ulap ay napapawi at nawawala, gayon siyang bumababa sa Sheol ay hindi na aahon pa.
10
Siyay hindi na babalik pa sa kaniyang bahay, ni malalaman pa man niya ang kaniyang dako.
11
Kayat hindi ko pipigilin ang aking bibig; akoy magsasalita sa kadalamhatian ng aking diwa; akoy dadaing sa kahirapan ng aking kaluluwa.
12
Ako bay isang dagat, o isang malaking hayop dagat, na pinababantayan mo ako sa isang bantay?
13
Pag aking sinasabi, Aaliwin ako ng aking higaan, papayapain ng aking unan ang aking karamdaman;
14
Kung magkagayoy pinupukaw mo ako ng mga panaginip, at pinangingilabot mo ako sa mga pangitain:
15
Na anopat pinipili ng aking kaluluwa ang pagkainis, at ang kamatayan kay sa aking mga butong ito.
16
Aking kinayayamutan ang aking buhay; di ko na ibig mabuhay magpakailan man: bayaan akong magisa; sapagkat ang aking mga kaarawan ay walang kabuluhan.
17
Ano ang tao, na iyong palalakhin siya, at iyong ilalagak ang iyong puso sa kaniya,
18
At iyong dadalawin siya tuwing umaga, at susubukin siya sa tuwi-tuwina?
19
Hanggang kailan di mo ako iiwan, ni babayaan man hanggang sa aking lunukin ang aking laway?
20
Kung akoy nagkasala, ano ang aking magagawa sa iyo, Oh ikaw na bantay sa mga tao? Bakit mo nga inilalagay akong pinakatanda sa iyo. Na anopat akoy isang pasan sa aking sarili?
21
At bakit hindi mo ipinatatawad ang aking pagsalangsang, at inaalis ang aking kasamaan? Sapagkat ngayoy mahihiga ako sa alabok; at akoy hahanapin mong mainam, ngunit wala na ako.
← Chapter 6
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 8 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42