bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
/
Job 9
Job 9
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
← Chapter 8
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 10 →
1
Nang magkagayoy sumagot si Job, at nagsabi,
2
Sa katotohanan ay nalalaman kong itoy gayon: ngunit paanong makapaggaganap ang tao sa Dios?
3
Kung kalugdan niyang makipagtalo sa kaniya, siyay hindi makasasagot sa kaniya ng isa sa isang libo.
4
Siya ay pantas sa puso, at may kaya sa kalakasan: sinong nagmatigas laban sa kaniya at guminhawa?
5
Na siyang naglilipat ng mga bundok, at hindi nila nalalaman, pagka nililiglig niya sa kaniyang pagkagalit.
6
Na siyang umuuga ng lupa sa kaniyang kinaroroonan, at ang mga haligi nito ay nangayayanig.
7
Na siyang naguutos sa araw, at hindi sumisikat; at nagtatakda sa mga bituin.
8
Na nagiisang inuunat ang langit, at tumutungtong sa mga alon ng dagat.
9
Na lumikha sa Oso, sa Orion, at sa mga Pleyade, at sa mga silid ng timugan.
10
Na gumagawa ng mga dakilang bagay na di masayod; Oo, mga kamanghamanghang bagay na walang bilang.
11
Narito, siyay dumaraan sa siping ko, at hindi ko siya nakikita: siyay nagpapatuloy rin naman, ngunit hindi ko siya namamataan.
12
Narito, siyay nangangagaw sinong makasasansala sa kaniya? Sinong magsasabi sa kaniya: Anong ginagawa mo?
13
Hindi iuurong ng Dios ang kaniyang galit; ang mga manunulong sa Rahab ay nagsisiyukod sa ilalim niya.
14
Gaano pa nga kaya kaliit ang maisasagot ko sa kaniya, at mapipiling aking mga salita na maimamatuwid ko sa kaniya?
15
Na kahiman akoy matuwid, gayon may hindi ako sasagot sa kaniya; akoy mamamanhik sa aking hukom.
16
Kung akoy tumawag, at siyay sumagot sa akin; gayon may hindi ako maniniwala na kaniyang dininig ang aking tinig.
17
Sapagkat akoy ginigiba niya sa pamamagitan ng isang bagyo, at pinararami ang aking mga sugat ng walang kadahilanan.
18
Hindi niya ako tutulutang akoy huminga, ngunit nililipos niya ako ng hirap.
19
Kung kami ay magsalita tungkol sa kalakasan, narito, siyay may kapangyarihan! At kung sa kahatulan, sino, sinasabi niya ay magtatakda sa akin ng panahon?
20
Kahiman akoy matuwid, ang aking sariling bibig ay hahatol sa akin: kahiman akoy sakdal patototohanan niya akong masama.
21
Akoy sakdal; hindi ko talos ang aking sarili; aking niwalang kabuluhan ang aking buhay.
22
Lahat ay isa; kayat aking sinasabi: kaniyang ginigiba ang sakdal at ang masama.
23
Kung ang panghampas ay pumapatay na bigla, tatawanan niya ang paglilitis sa mga walang sala.
24
Ang lupa ay nabigay sa kamay ng masama: kaniyang tinatakpan ang mga mukha ng mga hukom nito; kung hindi siya, sino nga?
25
Ngayoy ang mga kaarawan ko ay matulin kay sa isang sugo: dumadaang matulin, walang nakikitang mabuti.
26
Silay nagsisidaang parang mga matuling sasakyan: parang agila na dumadagit ng huli.
27
Kung aking sabihin: Aking kalilimutan ang aking daing, aking papawiin ang aking malungkot na mukha, at magpapakasaya ako:
28
Akoy natatakot sa lahat kong kapanglawan, talastas ko na hindi mo aariin akong walang sala.
29
Akoy mahahatulan; bakit nga ako gagawa ng walang kabuluhan?
30
Kung akoy maligo ng nieveng tubig, at gawin ko ang aking mga kamay na napakalinis;
31
Gayon may itutulak mo ako sa hukay, at kayayamutan ako ng aking mga sariling kasuutan.
32
Sapagkat siyay hindi tao, na gaya ko, na sasagot ako sa kaniya, na tayoy pumasok kapuwa sa kahatulan,
33
Walang hukom sa pagitan natin, na makapaglagay ng kaniyang kamay sa ating dalawa.
34
Ihiwalay niya sa akin ang kaniyang tungkod, at huwag akong takutin ng kaniyang pangilabot:
35
Kung magkagayoy magsasalita ako, at hindi matatakot sa kaniya; sapagkat hindi gayon ako sa aking sarili.
← Chapter 8
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 10 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42