bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
/
Job 33
Job 33
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
← Chapter 32
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 34 →
1
Gayon man, Job, isinasamo ko sa iyo na, dinggin mo ang aking pananalita, at pakinggan mo ang lahat ng aking mga salita.
2
Narito, ngayon ay aking ibinuka ang aking bibig; nagsalita ang aking dila sa aking bibig.
3
Sasaysayin ng aking mga salita ang katuwiran ng aking puso; at ang nalalaman ng aking mga labi ay sasalitaing may pagtatapat.
4
Nilalang ako ng Espiritu ng Dios, at ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa akin ng buhay.
5
Kung ikaw ay makasasagot ay sumagot ka sa akin; ayusin mo ang iyong mga salita sa harap ko, tumayo ka.
6
Narito, akoy sa Dios na gaya mo: ako may nilalang mula rin sa putik.
7
Narito, hindi ka tatakutin ng aking kakilabutan, ni ang aking kalakhan man ay magiging mabigat sa iyo.
8
Tunay na ikaw ay nagsalita sa aking pakinig, at aking narinig ang tinig ng iyong mga salita, na nagsasabi,
9
Akoy malinis na walang pagsalangsang; akoy walang sala, ni may kasamaan man sa akin:
10
Narito, siyay nakasumpong ng kadahilanan laban sa akin, ibinilang niya ako na pinakakaaway:
11
Inilagay niya ang aking mga paa sa mga pangawan, kaniyang pinupuna ang lahat na aking landas.
12
Narito, akoy sasagot sa iyo, ditoy hindi ka ganap; sapagkat ang Dios ay dakila kay sa tao.
13
Bakit ka nakikilaban sa kaniya? Sapagkat hindi siya nagbibigay alam ng anoman sa kaniyang mga usap.
14
Sapagkat ang Dios ay minsang nagsasalita, Oo, makalawa, bagaman hindi pinakikinggan ng tao.
15
Sa isang panaginip, sa isang pangitain sa gabi, pagka ang mahimbing na pagkakatulog ay nahuhulog sa mga tao, sa mga pagkakatulog sa higaan;
16
Kung magkagayoy ibinubukas niya ang mga pakinig ng mga tao, at itinatatak ang kanilang turo,
17
Upang ihiwalay ang tao sa kaniyang panukala, at ikubli ang kapalaluan sa tao;
18
Kaniyang pinipigil ang kaniyang kaluluwa sa pagbulusok sa hukay, at ang kaniyang buhay sa pagkamatay sa pamamagitan ng tabak.
19
Siya namay pinarurusahan ng sakit sa kaniyang higaan, at ng palaging antak sa kaniyang mga buto:
20
Na anopat kinayayamutan ng kaniyang buhay ang tinapay, at ng kaniyang kaluluwa ang pagkaing pinakamasarap,
21
Ang kaniyang laman ay natutunaw, na hindi makita; at ang kaniyang mga buto na hindi nakita ay nangalilitaw.
22
Oo, ang kaniyang kaluluwa ay nalalapit sa hukay, at ang kaniyang buhay sa mga mangwawasak.
23
Kung doroong kasama niya ang isang anghel, isang tagapagpaaninaw, na isa sa gitna ng isang libo, upang ipakilala sa tao kung ano ang matuwid sa kaniya;
24
Kung magkagayoy binibiyayaan niya siya at nagsasabi, Iligtas mo siya sa pagbaba sa hukay, akoy nakasumpong ng katubusan.
25
Ang kaniyang laman ay magiging sariwa kay sa laman ng isang bata; siyay bumabalik sa mga kaarawan ng kaniyang kabataan:
26
Siyay dumadalangin sa Dios, at nililingap niya siya: na anopat kaniyang nakikita ang kaniyang mukha na may kagalakan: at kaniyang isinasa tao ang kaniyang katuwiran.
27
Siyay umaawit sa harap ng mga tao, at nagsasabi, Akoy nagkasala, at sumira ng matuwid, at hindi ko napakinabangan:
28
Kaniyang tinubos ang aking kaluluwa sa pagyao sa hukay, at ang aking buhay ay makakakita ng liwanag.
29
Narito, ang lahat ng mga bagay na ito ay gawa ng Dios, makalawa, oo, makaitlo sa tao,
30
Upang ibalik ang kaniyang kaluluwa mula sa hukay, upang siyay maliwanagan ng liwanag ng buhay.
31
Pansinin mong mabuti, Oh Job, dinggin mo ako: tumahimik ka, at akoy magsasalita.
32
Kung ikaw ay may anomang bagay na sasabihin, sagutin mo ako: ikaw ay magsalita, sapagkat ibig kong ariin kang ganap.
33
Kung hindi, dinggin mo ako: tumahimik ka, at tuturuan kita ng karunungan.
← Chapter 32
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 34 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42