bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Jeremiah 1
Jeremiah 1
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 2 →
1
Ang mga salita ni Jeremias na anak ni Hilkias, isa sa mga pari na nasa Anatot sa lupain ng Benjamin,
2
na sa kanya dumating ang salita ng PANGINOON nang mga araw ni Josias na anak ni Amon, na hari ng Juda, nang ikalabintatlong taon ng kanyang paghahari.
3
Dumating din ito nang mga araw ni Jehoiakim na anak ni Josias, hari ng Juda, at hanggang sa katapusan nang ikalabing-isang taon ni Zedekias, na anak ni Josias, hari ng Juda, hanggang sa pagkadalang-bihag ng Jerusalem nang ikalimang buwan.
4
Ngayon, ang salita ng PANGINOON ay dumating sa akin na sinasabi,
5
"Bago kita inanyuan sa sinapupunan ay kilala na kita, at bago ka ipinanganak, ikaw ay aking itinalaga; hinirang kitang propeta sa mga bansa."
6
Nang magkagayo'y sinabi ko, "Ah, Panginoong DIYOS! Tingnan mo, hindi ako marunong magsalita, sapagkat ako'y kabataan pa."
7
Ngunit sinabi sa akin ng PANGINOON, "Huwag mong sabihin, 'Ako'y isang kabataan;' sapagkat saanman kita suguin ay paroroon ka, at anumang iutos ko sa iyo ay sasabihin mo.
8
Huwag kang matakot sa kanila, sapagkat ako'y kasama mo na magliligtas sa iyo, sabi ng PANGINOON."
9
Pagkatapos ay iniunat ng PANGINOON ang kanyang kamay at hinipo ang aking bibig; at sinabi sa akin ng PANGINOON, "Narito, inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig.
10
Tingnan mo, inilagay kita sa araw na ito sa ibabaw ng mga bansa at ng mga kaharian, upang bumunot at magpabagsak, upang pumuksa at magwasak, upang magtayo at magtanim."
11
Dumating sa akin ang salita ng PANGINOON, na nagsasabi, "Jeremias, anong nakikita mo?" At aking sinabi, "Ako'y nakakakita ng isang tungkod na almendro."
12
At sinabi ng PANGINOON sa akin, "Nakita mong mabuti, sapagkat pinagmamasdan ko ang aking salita upang isagawa ito."
13
Ang salita ng PANGINOON ay dumating sa akin sa ikalawang pagkakataon, na nagsasabi, "Ano ang iyong nakikita?" At aking sinabi, "Ako'y nakakakita ng isang palayok na pinagpapakuluan, at nakaharap palayo sa hilaga."
14
At sinabi ng PANGINOON sa akin, "Mula sa hilaga ay lalabas ang kasamaan sa lahat ng naninirahan sa lupain.
15
Sapagkat narito, tinatawag ko ang lahat ng mga angkan ng mga kaharian ng hilaga, sabi ng PANGINOON. Sila'y darating at bawat isa ay maglalagay ng kanya-kanyang trono sa pasukan ng mga pintuan ng Jerusalem, laban sa lahat ng pader nito sa palibot, at laban sa lahat ng mga lunsod ng Juda.
16
At aking bibigkasin ang aking mga hatol laban sa kanila, dahil sa lahat nilang kasamaan sa pagtalikod sa akin. Sila'y nagsunog ng insenso sa ibang mga diyos, at nagsisamba sa mga gawa ng kanilang sariling mga kamay.
17
Ngunit ikaw, magbigkis ka ng iyong mga balakang, tumindig ka at sabihin mo sa kanila ang lahat ng iniuutos ko sa iyo. Huwag kang manghina sa harapan nila, baka ikaw ay papanghinain ko sa harapan nila.
18
Ngayon, tingnan mo, ginawa kita sa araw na ito na isang lunsod na may kuta at isang haliging bakal, at gaya ng pader na tanso laban sa buong lupain, laban sa mga hari ng Juda, sa mga prinsipe nito, sa mga pari nito, at laban sa mamamayan ng lupain.
19
Lalaban sila sa iyo, ngunit hindi sila magtatagumpay laban sa iyo, sapagkat ako'y kasama mo upang iligtas ka, sabi ng PANGINOON."
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 2 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52