bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Jeremiah 8
Jeremiah 8
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 7
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 9 →
1
"Sa panahong iyon, sabi ng PANGINOON, ang mga buto ng mga hari ng Juda, ang mga buto ng kanyang mga pinuno, ang mga buto ng mga pari, ang mga buto ng mga propeta, at ang mga buto ng mga naninirahan sa Jerusalem ay ilalabas sa kanilang mga libingan;
2
at ang mga ito ay ikakalat sa harap ng araw, ng buwan, at ng lahat ng natatanaw sa langit, na kanilang inibig at pinaglingkuran, na sila nilang sinundan, hinanap, at sinamba. Sila'y hindi matitipon o malilibing; sila'y magiging gaya ng dumi sa ibabaw ng lupa.
3
Ang kamatayan ay higit na pipiliin kaysa buhay ng lahat ng naiwang nalabi na nanatili sa masamang angkang ito sa lahat ng dako na aking pinagtabuyan sa kanila, sabi ng PANGINOON ng mga hukbo.
4
"Sasabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng PANGINOON! Kapag nabubuwal ang mga tao, di ba't muling bumabangon sila? Kapag ang isang tao'y tumalikod, hindi ba't bumabalik siya?
5
Kung gayo'y bakit ang bayang ito ng Jerusalem ay tumalikod sa tuluy-tuloy na pagtalikod? Sila'y nananatili sa pandaraya, ayaw nilang bumalik.
6
Aking pinakinggan at aking narinig, ngunit hindi sila nagsalita nang matuwid; walang nagsisisi sa kanyang kasamaan, na nagsasabi, 'Anong aking ginawa?' Bawat isa'y tumatahak sa kanyang sariling daanan, gaya ng kabayo na dumadaluhong sa labanan.
7
Maging ang tagak sa himpapawid ay nakakaalam ng kanyang kapanahunan; at ang batu-bato, langay-langayan, at tagak ay tumutupad sa panahon ng kanilang pagdating, ngunit hindi nalalaman ng aking bayan ang alituntunin ng PANGINOON.
8
"Paano ninyo nasasabi, 'Kami ay matalino, at ang kautusan ng PANGINOON ay nasa amin?' Ngunit sa katunayan, ito ay ginawang kasinungalingan ng huwad na panulat ng mga eskriba.
9
Ang mga taong pantas ay mapapahiya, sila'y masisindak at kukunin; narito, kanilang itinakuwil ang salita ng PANGINOON, at anong karunungan ang nasa kanila?
10
Kaya't ibibigay ko ang kanilang mga asawa sa iba, at ang kanilang mga parang sa mga bagong magmamay-ari, sapagkat mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki, ang bawat isa ay sakim sa pakinabang; mula sa propeta hanggang sa pari, bawat isa'y gumagawang may panlilinlang.
11
Kanilang pinagaling nang bahagya ang sugat ng aking bayan, na sinasabi, 'Kapayapaan, kapayapaan,' gayong walang kapayapaan.
12
Nahiya ba sila nang sila'y gumawa ng karumaldumal? Hindi, hindi man lamang sila nahiya, hindi sila marunong mamula sa hiya. Kaya't sila'y mabubuwal sa gitna ng mga nabuwal; sa panahon ng kanilang kaparusahan, sila'y ibabagsak, sabi ng PANGINOON.
13
Lubos ko silang lilipulin, sabi ng PANGINOON, mawawalan ng ubas sa puno ng ubas, o ng mga igos sa mga puno ng igos, maging ang mga dahon ay nalalanta; at ang naibigay ko sa kanila ay lumipas na sa kanila."
14
Bakit tayo'y nakaupo lamang? Kayo'y magtipun-tipon, at magsipasok tayo sa mga lunsod na may kuta, at mamatay doon; sapagkat tayo'y itinakda nang mamatay ng PANGINOON nating Diyos, at binigyan tayo ng tubig na may lason upang inumin, sapagkat tayo'y nagkasala laban sa PANGINOON.
15
Tayo'y naghanap ng kapayapaan, ngunit walang mabuting dumating; ng panahon ng paggaling, ngunit narito, ang panghihilakbot.
16
"Ang singasing ng kanilang mga kabayo ay naririnig mula sa Dan, sa tunog ng halinghing ng kanilang malalaking kabayo ay nayayanig ang buong lupain. Sila'y dumarating at nilalamon ang lupain at ang lahat ng naroon; ang lunsod at ang mga naninirahan doon.
17
Sapagkat narito, ako'y nagsusugo ng mga ahas sa gitna ninyo, mga ulupong na hindi mapapaamo, at kakagatin nila kayo," sabi ng PANGINOON.
18
Ang aking kapighatian ay wala nang lunas! ang puso ko ay nanlulupaypay.
19
Narito, dinggin ninyo ang daing ng anak na babae ng aking bayan mula sa malayong lupain: "Hindi ba nasa Zion ang PANGINOON? Wala ba sa loob niya ang kanyang Hari?" "Bakit nila ako ginalit sa pamamagitan ng kanilang mga larawang inanyuan, at ng kanilang ibang mga diyos?"
20
"Ang pag-aani ay nakaraan, ang tag-init ay tapos na, at tayo'y hindi ligtas."
21
Dahil sa sugat ng anak na babae ng aking bayan ay nasaktan ako, ako'y nagluluksa, at ako'y sakmal ng pagkabalisa.
22
Wala bang pamahid na gamot sa Gilead? Wala bang manggagamot doon? Bakit nga hindi pa naibabalik ang kalusugan ng anak na babae ng aking bayan?
← Chapter 7
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 9 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
Recommended Reading
Commentary
Jeremiah Commentaries
→
Devotional
Jeremiah Devotional Guide
→
Get This Bible
Tagalog (Ang Biblia ) Study Bible
→