bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Jeremiah 13
Jeremiah 13
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 12
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 14 →
1
Ganito ang sabi ng PANGINOON sa akin, "Humayo ka at bumili ka ng isang pamigkis na lino, at ibigkis mo sa iyong baywang at huwag mong ilubog sa tubig."
2
Kaya't bumili ako ng pamigkis ayon sa salita ng PANGINOON, at inilagay ko sa aking baywang.
3
At ang salita ng PANGINOON ay dumating sa akin sa ikalawang pagkakataon, na sinasabi,
4
"Kunin mo ang pamigkis na iyong binili, na nasa iyong baywang, at bumangon ka at pumunta sa Eufrates, at ikubli mo ito sa isang bitak ng malaking bato."
5
Kaya't pumunta ako, at ikinubli ko iyon sa tabi ng Eufrates gaya ng iniutos sa akin ng PANGINOON.
6
At nangyari, pagkaraan ng maraming araw sinabi ng PANGINOON sa akin, "Bumangon ka, pumunta ka sa Eufrates at kunin mo roon ang pamigkis na iniutos kong itago mo roon."
7
Pumunta nga ako sa Eufrates, at hinukay ko at kinuha ang pamigkis mula sa dakong pinagtaguan ko nito. At narito, bulok na ang pamigkis at hindi na mapapakinabangan.
8
Nang magkagayo'y dumating sa akin ang salita ng PANGINOON na sinasabi,
9
"Ganito ang sabi ng PANGINOON: Sa gayon ko rin bubulukin ang kapalaluan ng Juda at ang malaking kapalaluan ng Jerusalem.
10
Ang masamang bayang ito, na ayaw makinig sa mga salita ko, na may katigasang sumusunod sa kanilang puso, at sumunod sa ibang mga diyos upang paglingkuran at sambahin sila, ay magiging gaya ng pamigkis na ito, na hindi na mapapakinabangan.
11
Sapagkat kung paanong ang pamigkis ay kumakapit sa baywang ng isang lalaki, gayon ko pinakapit sa akin ang buong sambahayan ng Israel at ang buong sambahayan ng Juda, sabi ng PANGINOON; upang sila para sa akin ay maging isang bayan, isang pangalan, isang kapurihan at kaluwalhatian, ngunit ayaw nilang makinig.
12
"Kaya't sasabihin mo sa kanila ang salitang ito. 'Ganito ang sabi ng PANGINOON, ng Diyos ng Israel, "Bawat sisidlan ng alak ay mapupuno ng alak:"' At kanilang sasabihin sa iyo, 'Hindi ba namin nalalaman na ang bawat sisidlan ng alak ay mapupuno ng alak?'
13
Kung magkagayo'y sasabihin mo sa kanila, 'Ganito ang sabi ng PANGINOON: Aking pupunuin ng kalasingan ang lahat ng naninirahan sa lupaing ito: ang mga hari na nakaluklok sa trono ni David, ang mga pari, ang mga propeta, at ang lahat ng naninirahan sa Jerusalem.
14
At pag-uumpugin ko sila, maging ang mga magulang at ang mga anak na magkakasama, sabi ng PANGINOON. Hindi ako magpapatawad, o maaawa man, o mahahabag, upang sila'y hindi ko lipulin.' "
15
Dinggin ninyo at bigyang-pansin, huwag kayong maging palalo, sapagkat nagsalita ang PANGINOON.
16
Luwalhatiin ninyo ang PANGINOON ninyong Diyos, bago siya magpadilim, bago matisod ang inyong mga paa sa mga madilim na bundok, at habang kayo'y naghahanap ng liwanag, ay gagawin niya itong anino ng kamatayan at gagawin niya itong pusikit na kadiliman.
17
Ngunit kung hindi kayo makikinig, ang aking kaluluwa ay lihim na iiyak dahil sa inyong kapalaluan; at ang mga mata ko ay iiyak nang mapait at dadaluyan ng mga luha, sapagkat ang kawan ng PANGINOON ay dinalang-bihag.
18
Sabihin mo sa hari at sa inang reyna, "Kayo'y magpakumbaba, kayo'y umupo, sapagkat ang inyong magandang korona ay bumaba na mula sa inyong ulo."
19
Ang mga bayan ng Negeb ay nasarhan, at walang magbukas sa mga iyon, ang buong Juda ay nadalang-bihag, buong nadalang-bihag.
20
"Itanaw ninyo ang inyong mga mata, at masdan ninyo ang mga nanggagaling sa hilaga. Nasaan ang kawan na ibinigay sa iyo, ang iyong magandang kawan?
21
Ano ang iyong sasabihin kapag kanilang inilagay bilang iyong puno yaong tinuruan mo upang makipagkaibigan sa iyo? Hindi ka ba masasaktan gaya ng isang babae na manganganak?
22
At kung iyong sasabihin sa iyong puso, 'Bakit dumating sa akin ang mga bagay na ito?' Dahil sa laki ng iyong kasamaan ay itinaas ang iyong palda at nagdaranas ka ng karahasan.
23
Mababago ba ng taga-Etiopia ang kanyang balat, o ng leopardo ang kanyang mga batik? Kung gayon ay makakagawa rin kayo ng mabuti, kayong mga sanay gumawa ng masama.
24
Ikakalat ko kayo na gaya ng ipa na itinaboy ng hangin mula sa ilang.
25
Ito ang iyong kapalaran, ang bahaging itinakda ko sa iyo, sabi ng PANGINOON; sapagkat kinalimutan mo ako, at nagtiwala ka sa kasinungalingan.
26
Ako mismo ang magtataas ng iyong palda sa ibabaw ng iyong mukha, at ang iyong kahihiyan ay makikita.
27
Nakita ko ang iyong mga kasuklamsuklam na gawa, ang iyong mga pangangalunya, at mga paghalinghing, ang kahalayan ng iyong pakikiapid, sa mga burol sa parang. Kahabag-habag ka, O Jerusalem! Gaano pa katagal bago ka maging malinis?"
← Chapter 12
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 14 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52