bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Jeremiah 42
Jeremiah 42
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 41
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 43 →
1
At ang lahat ng mga pinuno ng mga kawal, pati sina Johanan na anak ni Carea, si Jezanias na anak ni Hoshaias, at ang buong bayan mula sa pinakahamak hanggang sa pinakadakila ay lumapit,
2
at nagsabi kay Jeremias na propeta, "Pakinggan mo sana ang samo namin sa iyo, at idalangin mo kami sa PANGINOON mong Diyos, para sa lahat ng nalabing ito. Sapagkat kakaunti lamang kaming naiwan mula sa marami gaya ng nakikita ng iyong sariling mga mata.
3
Ipakita nawa sa amin ng PANGINOON mong Diyos ang daan na dapat naming lakaran, at ang bagay na dapat naming gawin."
4
Nang magkagayo'y sinabi ng propetang si Jeremias sa kanila, "Narinig ko kayo. Narito, mananalangin ako sa PANGINOON ninyong Diyos ayon sa inyong sinabi, at anumang isagot ng PANGINOON sa inyo ay sasabihin ko sa inyo. Wala akong ililihim sa inyo."
5
Sinabi naman nila kay Jeremias, "Ang PANGINOON nawa ay maging totoo at tapat na saksi laban sa amin, kung hindi kami kikilos nang ayon sa lahat ng salita na ipinahahatid sa iyo ng PANGINOON mong Diyos sa amin.
6
Maging iyon ay mabuti o masama, susundin namin ang tinig ng PANGINOON nating Diyos na siya naming pinagsusuguan sa iyo upang ikabuti namin, kapag aming sinunod ang tinig ng PANGINOON nating Diyos."
7
Pagkalipas ng sampung araw ang salita ng PANGINOON ay dumating kay Jeremias.
8
Pagkatapos ay ipinatawag niya si Johanan na anak ni Carea, pati ang lahat ng mga pinuno ng mga kawal na kasama niya, at ang buong bayan mula sa pinakahamak hanggang sa pinakadakila,
9
at sinabi niya sa kanila, "Ganito ang sabi ng PANGINOON, ng Diyos ng Israel, na inyong pinagsuguan sa akin upang idulog ang inyong kahilingan sa harapan niya:
10
Kung kayo'y mananatili sa lupaing ito, aking itatayo kayo at hindi ibabagsak. Itatanim ko kayo at hindi bubunutin, sapagkat ikinalulungkot ko ang pinsalang nagawa ko sa inyo.
11
Huwag kayong matakot sa hari ng Babilonia na inyong kinatatakutan. Huwag kayong matakot sa kanya, sabi ng PANGINOON, sapagkat ako'y kasama ninyo upang iligtas kayo, at sagipin mula sa kanyang kamay.
12
Kahahabagan ko kayo at siya'y mahahabag sa inyo at ibabalik kayo sa sarili ninyong lupain.
13
Ngunit kung inyong sabihin, 'Hindi kami mananatili sa lupaing ito,' at susuwayin ninyo ang tinig ng PANGINOON ninyong Diyos,
14
na inyong sinasabi,'Hindi; kundi pupunta kami sa lupain ng Ehipto, na doon ay hindi kami makakakita ng digmaan, o makakarinig man ng tunog ng trumpeta, o magugutom sa tinapay, at kami'y maninirahan doon,'
15
ay inyo ngang pakinggan ang salita ng PANGINOON, O nalabi ng Juda. Ganito ang sabi ng PANGINOON ng mga hukbo, ng Diyos ng Israel: Kung talagang nakatutok ang inyong pag-iisip na pumasok sa Ehipto, at hahayo upang manirahan doon,
16
kung gayon ay aabutan kayo roon sa lupain ng Ehipto ng tabak na inyong kinatatakutan, at ang taggutom na inyong kinatatakutan ay mahigpit na susunod sa inyo doon sa Ehipto, at mamamatay kayo roon.
17
Kaya ang lahat ng taong nakatutok ang pag-iisip na pumasok sa Ehipto upang manirahan doon ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak, ng taggutom, at ng salot. Walang matitira o makakaligtas sa kanila mula sa kasamaan na aking dadalhin sa kanila.
18
"Sapagkat ganito ang sabi ng PANGINOON ng mga hukbo, ng Diyos ng Israel: Kung paanong ang aking galit at poot ay ibinuhos sa mga naninirahan sa Jerusalem, gayon ko rin ibubuhos ang aking poot sa inyo kapag kayo'y pumunta sa Ehipto. Kayo'y magiging tampulan ng pagkutya, kakilabutan, isang sumpa at paghamak. Hindi na ninyo makikita ang lugar na ito.
19
Sinabi na sa inyo ng PANGINOON, O nalabi ng Juda, 'Huwag kayong pumunta sa Ehipto.' Tandaan ninyong mabuti na binalaan ko kayo sa araw na ito.
20
Sapagkat dinaya lamang ninyo ang inyong mga sarili. Sapagkat sinugo ninyo ako sa PANGINOON ninyong Diyos, na inyong sinasabi, 'Idalangin mo kami sa PANGINOON nating Diyos, at anuman ang sasabihin ng PANGINOON nating Diyos ay sabihin mo sa amin, at aming gagawin iyon.'
21
At aking ipinahayag iyon sa inyo sa araw na ito, ngunit hindi kayo sumunod sa tinig ng PANGINOON ninyong Diyos sa anumang bagay na kanyang ipinasugo sa akin upang sabihin sa inyo.
22
Ngayon nga'y tinitiyak ko sa inyo na kayo'y mamamatay sa tabak, sa taggutom, at sa salot sa lugar na nais ninyong puntahan at tirahan."
← Chapter 41
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 43 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52