bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Jeremiah 12
Jeremiah 12
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 11
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 13 →
1
Ikaw ay matuwid, O PANGINOON, kapag ako'y maghaharap ng paratang sa iyo; gayunma'y hayaan mong ilahad ko ang aking panig sa harapan mo. Bakit nagtatagumpay ang lakad ng masama? Bakit lumalago ang lahat ng mga taksil?
2
Itinatanim mo sila, Oo, at sila'y nagkakaugat; sila'y lumalaki, Oo, at sila'y nagbubunga; ikaw ay malapit sa kanilang bibig, at malayo sa kanilang mga puso.
3
Ngunit ikaw, O PANGINOON, kilala mo ako; nakikita mo ako, at sinusubok mo ang aking isipan tungkol sa iyo. Hilahin mo silang gaya ng mga tupa para sa katayan, at ihanda mo sila para sa araw ng pagkatay.
4
Hanggang kailan tatangis ang lupain, at matutuyo ang mga damo sa buong lupain? Dahil sa kasamaan ng mga naninirahan doon, ang mga hayop at ang mga ibon ay nawala, sapagkat sinasabi ng mga tao, "Hindi niya makikita ang ating huling wakas."
5
Kung ikaw ay nakitakbo sa mga mananakbo, at kanilang pinagod ka, paano ka makikipag-unahan sa mga kabayo? At kung sa isang tiwasay na lupain ay nabubuwal ka, paano ka na sa kagubatan ng Jordan?
6
Sapagkat maging ang iyong mga kapatid at ang sambahayan ng iyong ama ay nagtaksil sa iyo; sila'y sumisigaw ng malakas sa hulihan mo; huwag mo silang paniwalaan, bagaman sila'y nagsasalita ng kaaya-ayang salita sa iyo."
7
"Pinabayaan ko ang aking bahay, tinalikuran ko ang aking mana; ibinigay ko ang pinakamamahal ng aking kaluluwa sa kamay ng kanyang mga kaaway.
8
Ang aking mana para sa akin ay naging parang leon sa gubat; inilakas niya ang kanyang tinig laban sa akin, kaya't kinamumuhian ko siya.
9
Ang akin bang mana ay naging parang batik-batik na ibong mandaragit? Laban ba sa kanya ang mga ibong mandaragit na nakapaligid sa kanya? Humayo kayo, tipunin ninyo ang lahat ng mababangis na hayop, dalhin ninyo sila upang sakmalin siya.
10
Sinira ng maraming pastol ang aking ubasan, kanilang niyurakan ang aking bahagi, ginawa nilang ilang na wasak ang aking kalugud-lugod na bahagi.
11
Winasak nila ito, ito'y wasak, ito'y tumatangis sa akin. Ang buong lupain ay nawawasak, gayunma'y walang taong nakakapansin nito.
12
Ang mga manglilipol ay dumating sa lahat ng lantad na kaitaasan sa ilang; sapagkat ang tabak ng PANGINOON ay nananakmal mula sa isang dulo ng lupain hanggang sa kabilang dulo ng lupain; walang taong may kapayapaan.
13
Sila'y naghasik ng trigo at nagsiani ng mga tinik; pinagod nila ang kanilang mga sarili ngunit walang napala. Ikahihiya nila ang inyong mga ani, dahil sa mabangis na galit ng PANGINOON."
14
Ganito ang sabi ng PANGINOON tungkol sa lahat ng aking masasamang kapwa na gumalaw sa mana na aking ipinamana sa aking bayang Israel: "Narito, bubunutin ko sila sa kanilang lupain, at aking bubunutin ang sambahayan ng Juda mula sa kanila.
15
At mangyayari, pagkatapos na aking mabunot sila, ako'y babalik at maaawa sa kanila; at muli ko silang ibabalik sa kani-kanilang mana at sa kani-kanilang lupain.
16
At mangyayari, kung kanilang masikap na pag-aaralan ang mga lakad ng aking bayan, na sumumpa sa pamamagitan ng pangalan ko, 'Habang buhay ang PANGINOON;' gaya ng kanilang itinuro sa bayan ko na pagsumpa sa pamamagitan ng pangalan ni Baal, ay maitatayo nga sila sa gitna ng aking bayan.
17
Ngunit kung ang alinmang bansa ay hindi makikinig, kung gayo'y lubos ko itong bubunutin at lilipulin, sabi ng PANGINOON."
← Chapter 11
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 13 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52