bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
/
Isaiah 13
Isaiah 13
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
← Chapter 12
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 14 →
1
Narito ang isang pahayag mula sa Diyos tungkol sa Babilonia, sa isang pangitain na nakita ni Isaias na anak ni Amoz:
2
Itayo mo ang isang bandila sa tuktok ng burol, isigaw sa mga kawal ang hudyat ng paglusob, lusubin ang mga pintuan ng palalong lunsod.
3
Inutusan ko na ang aking mga piling kawal, tinawagan ko na ang magigiting kong mandirigma. Malalakas sila at masisigla, upang ipalasap ang aking galit.
4
Pakinggan ninyo ang nagkakagulong ingay sa kabundukan dahil sa dami ng tao. Pakinggan ninyo ang ugong ng mga kaharian, ng mga bansang nagkakatipon! Inihahanda na ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ang kanyang mga hukbo para sa isang digmaan.
5
Dumarating sila buhat sa malayong lupain, buhat sa dulo ng daigdig. Dumarating na si Yahweh, upang wasakin ang buong lupain dahil sa kanyang poot.
6
Manangis kayo sapagkat malapit na ang araw ni Yahweh, darating na ang araw ng pangwawasak ng Diyos na Makapangyarihan.
7
Sa araw na iyon, manghihina ang lahat ng kamay. Manlulupaypay ang lahat ng tao,
8
ang lahat ng tao'y masisindak, at manginginig sa takot, makadarama sila ng paghihirap, tulad ng isang babaing manganganak. Matatakot sila sa isa't isa; mamumula ang kanilang mukha dahil sa kahihiyan.
9
Dumarating na ang araw ni Yahweh, malupit ito at nag-aalab sa matinding poot, upang wasakin ang lupain at ang masasama ay lipulin.
10
Hindi na magniningning ang liwanag ng mga bituin sa kalangitan, magiging madilim ang araw sa pagsikat, pati ang buwan ay hindi na magsasabog ng liwanag.
11
“Paparusahan ko ang daigdig dahil sa kasamaan nito, at ang masasama dahil sa kanilang kasalanan; wawakasan ko na ang pagmamataas ng mga palalo, at puputulin ko na ang kayabangan ng mga walang awa.
12
Kaunti lamang ang ititira kong tao at magiging mahirap pa silang hanapin kaysa gintong lantay na galing sa Ofir.
13
Kaya nga yayanigin ko ang kalangitan, at ang lupa ay malilihis sa kinalalagyan nito, sa araw na isinabog ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ang kanyang matinding poot.
14
Parang usang hinahabol, parang tupang walang pastol, ang mga tao'y babalik sa kani-kanilang bayan, sila ay tatakas pabalik sa sariling lupain.
15
Ang bawat mahuli'y papatayin sa pamamagitan ng tabak.
16
Sa harapan nila'y luluray-lurayin ang kanilang mga sanggol, lilimasin ang mga ari-arian sa kanilang mga tahanan, at ang kanilang mga asawa'y pagsasamantalahan.”
17
Sinabi pa ni Yahweh, “Ipasasalakay ko sila sa mga taga-Media, mga taong walang pagpapahalaga sa pilak at di natutukso sa ginto.
18
Papatayin nila sa pamamagitan ng pana ang mga kabataang lalaki, hindi nila kahahabagan ang mga sanggol at mga bata.
19
Ang Babilonia, na pinakamaganda sa mga kaharian, ang kayamanang ipinagmamalaki ng mga taga-Babilonia, ay pababagsakin ng Diyos tulad sa Sodoma at Gomorra.
20
Wala nang taong maninirahan doon kahit kailan, wala nang Arabong magtatayo ng tolda roon, wala nang pastol na mag-aalaga ng tupa doon.
21
Mga hayop na maiilap ang mananahan doon, titirhan ng mga ostrits ang kanyang mga bahay, pagtataguan ang mga iyon ng mga ostrits at maglulundagan doon ang mga maiilap na kambing.
22
Aatungal ang mga hiyena sa kanyang mga tore, aalulong ang mga asong-gubat sa kanyang mga palasyo. Nalalapit na ang wakas ng Babilonia, hindi na siya magtatagal.”
← Chapter 12
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 14 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66