bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
/
Isaiah 34
Isaiah 34
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
← Chapter 33
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 35 →
1
Lumapit kayo mga bansa, makinig kayo buong bayan! Halikayo at pakinggan ang aking sasabihin, kayong lahat na nasa ibabaw ng lupa.
2
Sapagkat si Yahweh ay napopoot sa lahat ng bansa, matindi ang kanyang galit sa kanilang mga hukbo; sila'y hinatulan na at itinakdang lipulin.
3
Ang kanilang mga bangkay ay ikakalat; ito'y mabubulok at aalingasaw sa baho, at ang mga bundok ay babaha sa dugo.
4
Ang araw, buwan at mga bituin ay malalaglag at madudurog at ang kalangita'y irorolyong parang balumbon. Ang mga bituin ay malalaglag na parang mga tuyong dahon ng igos na nalalagas.
5
Si Yahweh ay naghanda ng espada sa kalangitan upang gamitin laban sa Edom, sa bayang hinatulan niyang parusahan.
6
Ang espada ni Yahweh ay puno ng dugo at taba; iyon ay dugo ng mga tupa at kambing, at taba ng lalaking tupa. Sapagkat siya'y maghahandog sa Bozra, marami siyang pupuksain sa Edom.
7
Sila'y mabubuwal na parang maiilap na toro at barakong kalabaw, matitigmak ng dugo at mapupuno ng taba ang buong lupain.
8
Sapagkat si Yahweh ay may nakatakdang araw ng paghihiganti, isang taon ng paghihiganti alang-alang sa Zion.
9
Ang mga batis ng Edom ay magiging alkitran, at magiging asupre ang kanyang lupa, ang buong bansa ay masusunog na parang aspalto.
10
Araw-gabi'y hindi ito mamamatay, at patuloy na papailanlang ang usok; habang panaho'y hindi ito mapapakinabangan, at wala nang daraan doon kahit kailan.
11
Ang mananahan dito'y mga kuwago at mga uwak. Ang lupaing ito'y lubusang wawasakin ni Yahweh, at iiwang nakatiwangwang magpakailanman.
12
Doo'y wala nang maghahari at mawawala na rin ang mga pinuno.
13
Tutubuan ng damo ang mga palasyo at ang mga napapaderang bayan, ito ay titirhan ng mga asong-gubat at pamumugaran ng mga ostrits.
14
Ang maiilap na hayop ay sasama sa mga asong-gubat, tatawagin ng mga tikbalang ang kapwa nila maligno; doon bababâ ang babaing halimaw upang magpahinga.
15
Ang mga kuwago, doon magpupugad, mangingitlog, mamimisâ at magpapalaki ng kanilang inakay. Doon din maninirahan ang mga grupo ng buwitre.
16
Sa aklat ni Yahweh ay hanapin ninyo at basahin: “Isa man sa kanila'y hindi mawawala, bawat isa'y mayroong kapareha.” Sapagkat ito'y utos ni Yahweh, at siya mismo ang kukupkop sa kanila.
17
Siya na rin ang nagtakda ng kanilang titirhan, at nagbigay ng kani-kanilang lugar; doon na sila titira magpakailanman.
← Chapter 33
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 35 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66