bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
/
Isaiah 56
Isaiah 56
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
← Chapter 55
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 57 →
1
Ang sabi ni Yahweh sa kanyang bayan: “Panatilihin ang katarungan at gawin ang tama, sapagkat ang pagliligtas ko'y hindi na magtatagal, at ang aking tagumpay ay mahahayag na.
2
Mapalad ang taong nagsasagawa nito, siya na tumatalima sa tuntuning ito. Iginagalang niya ang Araw ng Pamamahinga, at lumalayo sa gawang masama.”
3
Hindi dapat sabihin ng isang dayuhang nakipagkaisa sa bayan ng Diyos, na siya'y hindi papayagan ni Yahweh na makisama sa pagsamba ng kanyang bayan. Hindi dapat isipin ng mga eunuko na hindi sila karapat-dapat na mapabilang sa bayan ng Diyos sapagkat hindi sila magkakaanak.
4
Ang sabi ni Yahweh: “Sa mga eunukong gumagalang sa Araw ng Pamamahinga, na gumagawa ng mga bagay na nakalulugod sa akin at tapat na iniingatan ang aking kasunduan.
5
Ang pangalan mo'y aalalahanin sa aking Templo at sa gitna ng aking bayan nang mas matagal kaysa paggunita sa iyo, kung ikaw ay nagkaroon ng mga anak. Hindi ka malilimot kahit kailan.”
6
Ito naman ang sabi ni Yahweh sa mga dating dayuhan na ngayo'y kabilang sa kanyang bayan, buong pusong naglilingkod sa kanya, iginagalang ang Araw ng Pamamahinga, at matapat na nag-iingat sa kanyang tipan:
7
“Dadalhin ko kayo sa banal na bundok. Ipadarama ko sa inyo ang kagalakan sa aking Templo. Malulugod ako sa inyong mga handog; at ang aking tahanan ay tatawaging bahay-dalanginan ng lahat ng bansa.”
8
Ipinangako pa ng Panginoong Yahweh, sa mga Israelitang ibinalik niya mula sa pagkatapon, na marami pa siyang isasama sa kanila para mapabilang sa kanyang bayan.
9
Tinawag ni Yahweh ang ibang mga bansa upang salakayin at wasakin ang kanyang bayan, tulad ng pagsalakay ng mababangis na hayop mula sa kagubatan.
10
Ang sabi niya, “Bulag ang mga pinuno na dapat magpaalala sa mga tao. Wala silang nalalaman. Para silang mga asong hindi marunong tumahol. Ang alam lang nila'y magyabang at mangarap. Ang ibig ay laging matulog.
11
Para silang asong gutom, walang kabusugan; sila'y mga pastol na walang pang-unawa. Ginagawa nila ang anumang magustuhan at walang iniisip kundi sariling kapakanan.
12
Ang sabi nila, “Halikayo, at kumuha kayo ng alak, uminom tayo hanggang mayroon. Mag-iinuman muli tayo bukas nang mas marami kaysa ngayon!”
← Chapter 55
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 57 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66