bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
/
Isaiah 8
Isaiah 8
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
← Chapter 7
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 9 →
1
Sinabi sa akin ni Yahweh, “Kumuha ka ng isang malapad na tapyas ng bato at isulat mo sa malalaking letra ang mga sumusunod: ‘Kay Maher-salal-has-baz.’
2
Ikuha mo ako ng dalawang saksing mapagkakatiwalaan: ang paring si Urias at si Zacarias na anak ni Jeberequias.”
3
Sinipingan ko ang aking asawa. Siya'y naglihi at nanganak ng isang lalaki. At sinabi sa akin ni Yahweh: “Ang ipangalan mo sa kanya'y Maher-salal-has-baz.
4
Sapagkat bago pa siya matutong tumawag ng ‘Tatay’ o ‘Nanay,’ ang kayamanan ng Damasco at ang mga nasamsam ng Samaria ay dadalhin ng hari ng Asiria.”
5
Sinabi pa sa akin ni Yahweh:
6
“Sapagkat tinanggihan ng bayang ito ang tubig ng Siloe na umaagos nang banayad, at nangangatog sila sa harapan ni Rezin, at ng anak ni Remalias;
7
ipadadala sa kanila ng Panginoon ang hari ng Asiria at ang kanyang mga hukbo, na lulusob tulad ng malakas na agos ng Ilog Eufrates.
8
Parang baha ito na aagos sa Juda, tataas ang tubig nang hanggang leeg, at lalaganap ito sa buong lupain mo, O Emmanuel.”
9
Magsama-sama man kayo mga bansa ay mawawasak din kayo! Makinig kayo, mga bansang nasa malalayong dako. Maghanda man kayo sa pakikipaglaban ay matatakot din kayo.
10
Magplano man kayo, tiyak na kayo'y mabibigo; magpulong man kayo, wala ring mangyayari, sapagkat ang Diyos ay kasama namin.
11
Sa pamamagitan ng kanyang dakilang kapangyarihan, binalaan ako ni Yahweh na huwag kong sundan ang mga landas na dinadaanan ng mga taong ito.
12
Sinabi niya, “Huwag kayong maniwala sa sabwatan na sinasabi ng bansang ito; huwag kayong matakot sa kanilang kinatatakutan.
13
Ngunit si Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat, ang dapat ninyong kilalanin bilang Banal. Siya ang dapat ninyong igalang at dapat katakutan.
14
Sa dalawang kaharian ng Israel, siya'y magiging isang santuwaryo, isang batong katitisuran; bitag at patibong para sa mga naninirahan sa Jerusalem.
15
Dahil sa kanya, marami ang babagsak, mabubuwal at masusugatan; marami rin ang masisilo at mahuhulog sa bitag.”
16
Ingatan mo at pagtibayin ang mensaheng ito para sa aking mga alagad.
17
Maghihintay ako kay Yahweh na tumalikod sa sambahayan ni Jacob; at sa kanya ako aasa.
18
Ako at ang mga anak na kaloob sa akin ni Yahweh ay palatandaan at sagisag sa Israel, mula kay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat na naninirahan sa Bundok ng Zion.
19
Kapag may nagsabi sa inyo: “Sumangguni kayo sa mga espiritu ng namatay at sa mga manghuhula. Hindi ba dapat sumangguni ang mga tao sa kanilang diyos at patay para sa mga buháy?”
20
Ganito ang inyong isasagot, “Nasa inyo ang aral at tagubilin ng Diyos! Huwag kayong makikinig sa mga sumasangguni sa espiritu, ipapahamak lang kayo ng mga iyon.”
21
Maglalakbay sila sa lupain na pagod na pagod at gutom na gutom, magwawala sila dahil sa gutom at susumpain ang kanilang hari at ang kanilang diyos. Titingala sila sa langit
22
at igagala nila ang kanilang mata sa lupa, ngunit wala silang makikita kundi kaguluhan at kadiliman; isang nakakatakot na kadiliman kung saan sila itatapon.
← Chapter 7
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 9 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66