bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
/
Isaiah 26
Isaiah 26
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
← Chapter 25
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 27 →
1
Sa araw na iyo'y ganito ang aawitin sa Juda: “Matatag na ang ating lunsod; si Yahweh ang magtatanggol sa atin at magbibigay ng tagumpay.
2
Buksan ang pintuan, at hayaang pumasok ang matuwid na bansa na laging tapat.
3
Binibigyan mo ng lubos na kapayapaan ang mga may matatag na paninindigan at sa iyo'y nagtitiwala.
4
Magtiwala kayo kay Yahweh magpakailanman, sapagkat ang Diyos na si Yahweh ang walang hanggang kublihan.
5
Ibinababâ niya ang mga nasa itaas; ibinabagsak niya ang lunsod na kanilang tinitirhan; hanggang maging alabok ang mga pader nito.
6
Ito'y tinapak-tapakan ng mga taong hinamak; at ginagawang tuntungan ng mahihirap.”
7
Patag ang daan ng taong matuwid, at ikaw, O Yahweh, ang dito'y pumatag.
8
Sinusunod namin ang mga kautusan mo; ikaw lamang ang aming inaasahan.
9
Pagsapit ng gabi'y hinahanap-hanap ka ng aking kaluluwa, nangungulila sa iyo ang aking espiritu. Kapag hinatulan mo ang mga tao sa daigdig, malalaman nila kung ano ang matuwid.
10
Kahit mahabag ka sa taong masama, hindi rin siya matututong mamuhay nang tapat; kahit na kasama siya ng bayang matuwid, kadakilaan ni Yahweh ay hindi pa rin mapapansin.
11
Nagbabala ka ng parusa, O Yahweh, ngunit hindi rin nila ito pinansin. Kaya ipadama mo sa kanila ang nakahandang parusa, upang makita nila ang pagmamahal mo sa iyong bayan.
12
Ikaw ang nagbibigay sa amin ng kapayapaan, at anumang nagawa nami'y dahil sa iyong kalooban.
13
O Yahweh, aming Diyos, may ibang panginoong sa ami'y nanguna, ngunit ang pangalan mo lamang ang aming kinikilala!
14
Mga patay na sila at hindi na mabubuhay, sapagkat pinarusahan mo at winasak na ganap, hindi na sila maaalala kailanman.
15
Pinaunlad mo ang iyong bansa, O Yahweh, at pinalawak mo rin ang kanyang lupain. Dahil dito'y karapat-dapat kang parangalan.
16
Hinanap ka nila sa gitna ng hirap, nang parusahan mo'y ikaw ang tinawag.
17
Sa iyong harapan, katulad nami'y babaing manganganak, na napapasigaw sa tindi ng hirap.
18
Matinding hirap ang aming dinanas, ngunit ito'y nawalan ng kabuluhan, wala kaming napagtagumpayang labanan, at wala kaming anak na magmamana ng lupain.
19
Ngunit muling mabubuhay ang mga anak mong namatay, mga bangkay ay gigising at aawit na may galak; kung paanong ang hamog sa lupa ay nagpapasariwa, ang espiritu ng Diyos ay nagbibigay-buhay.
20
Pumasok kayo sa inyong bahay, bayan kong hinirang, isara ninyo ang mga pinto, magtago kayo hanggang humupa ang galit ni Yahweh.
21
Sapagkat darating si Yahweh mula sa kalangitan, upang parusahan ang mga tao sa daigdig dahil sa kanilang mga kasalanan. Sa sandaling ito'y mahahayag ang mga lihim na pagpaslang at mabubunyag pati ang kanilang libingan.
← Chapter 25
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 27 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66