bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
/
Isaiah 21
Isaiah 21
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
← Chapter 20
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 22 →
1
Ito ang pahayag tungkol sa Babilonia: Parang ipu-ipong humahagibis mula sa disyerto ang manlulupig ng Negeb mula sa isang nakakapangilabot na lupain.
2
Nakita ko ang isang pangitaing puno ng kalupitan, kataksilan, at pagkawasak. Sugod, Elam! Sakupin mo, Media. Wawakasan ko na ang ginawang pagpapahirap ng Babilonia.
3
Dahil dito, nakadama ako ng matinding takot, namilipit ako sa sakit tulad ng isang babaing nanganganak; ako'y nakayuko kaya hindi makarinig, ako'y nalilito kaya hindi makakita.
4
Pinanghihinaan ako ng loob, nangangatal ako sa takot; ang pananabik ko sa takipsilim ay naging isang pagkasindak.
5
Sa aking pangitain ay handa na ang hapag-kainan; nakalatag na rin ang mga alpombra upang upuan ng mga panauhin; sila'y nagkakainan at nag-iinuman. Ngunit isang utos ang biglang narinig: “Tumayo kayo, mga pinuno, at langisan ang mga kalasag.”
6
At ganito ang sabi sa akin ni Yahweh: “Lumakad ka na at maglagay ng bantay at iulat ang kanyang mga nakikita.
7
Kung makakita siya ng mga kawal na nakasakay sa mga kabayo, at mga kawal na nakasakay sa asno at kamelyo, dapat siyang maging handa at ang kahandaan niya'y kailangang maging lubos.”
8
Sumigaw ang bantay, “Maghapon po akong nasa tore. Buong gabi'y nakabantay sa aking bantayan.”
9
Walang anu-ano'y nagdatingan ang mga kawal na nakakabayo, dala-dalawa, at nag-ulat ang bantay, “Bumagsak na! Bumagsak na ang Babilonia! Nagkalat sa lansangan ang durug-durog niyang mga diyus-diyosan!”
10
Bayan ko, matagal nang ikaw ay tila trigong ginigiik, may magandang balita ako sa iyo mula kay Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat, ang Diyos ng Israel.
11
Ito ang pahayag tungkol sa Edom: May tumatawag sa akin mula sa Seir, “Bantay, gaano pa ba kahaba ang gabi? Gaano pa ito katagal?”
12
Sumagot ang bantay: “Mag-uumaga na ngunit muling sasapit ang gabi; bumalik na lang kayo kung nais ninyong magtanong muli.”
13
Ito ang pahayag tungkol sa Arabia: Kayong manlalakbay na mga taga-Dedan, na nakahimpil sa mga disyerto ng Arabia,
14
bigyan ninyo ng inumin ang mga nauuhaw. Kayo naman, mga taga-Tema, salubungin ninyo at pakanin ang mga bihag.
15
Sila'y tumatakas sa mga espadang nakaamba, sa panang nakahanda, at sa panganib na dulot ng digmaan.
16
Ganito ang sabi sa akin ni Yahweh: “Sa loob ng isang taon, ayon sa pagbilang ng upahang manggagawa, magwawakas ang kadakilaan ng Kedar.
17
Ilan lamang sa magigiting niyang kawal na mamamana ang matitira. Ito ang sabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.”
← Chapter 20
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 22 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66