bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
/
Isaiah 48
Isaiah 48
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
← Chapter 47
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 49 →
1
Dinggin mo ito, O bayang Israel, kayong nagmula sa lahi ni Juda, sumumpa kayong maglilingkod kay Yahweh, at sasambahin ang Diyos ng Israel, ngunit hindi kayo naging tapat sa kanya.
2
Ipinagmamalaki ninyong kayo'y nakatira sa banal na lunsod; at kayo'y umaasa sa Diyos ng Israel; ang pangalan niya ay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.
3
Sinabi ni Yahweh sa Israel, “Noong una pa'y alam ko na kung ano ang mangyayari. Pagkatapos ay bigla ko itong isinakatuparan.
4
Alam kong matitigas ang inyong ulo, may leeg na parang bakal at noo na parang tanso.
5
Kaya noon pa, ipinahayag ko na ang mangyayari sa iyo, upang kung maganap na'y huwag ninyong isipin na ang mga diyus-diyosan ang may gawa nito.
6
“Lahat ng pahayag ko ay pawang natupad, inyo nang kilalanin ang katotohanan nito. Ngayo'y may ihahayag akong bago, mga bagay na hindi ko inihayag noon.
7
Ngayon ko pa lamang ito gagawin; wala pang pangyayaring katulad nito noon para hindi ninyo masabing ito'y alam na ninyo.
8
Alam kong hindi kayo mapagkakatiwalaan, sapagkat lagi na lamang kayong naghihimagsik. Kaya tungkol dito'y wala kayong alam, kahit kapirasong balita'y walang natatanggap.
9
“Dahil na rin sa karangalan ko, ako ay nagpigil, dahil dito'y hindi ko na kayo lilipulin.
10
Sinubok ko kayo sa pamamagitan ng kahirapan, kung paanong ang pilak ay dinadalisay sa apoy; ngunit kayo'y napatunayang hindi nararapat.
11
Ang ginawa ko'y para na rin sa sariling kapakanan, paghamak sa ngalan ko'y hindi ko pahihintulutan. Ang karangalan ko'y tanging akin lamang, walang makakahati kahit na sinuman.”
12
Sinabi ni Yahweh, “Makinig ka sa akin, O Israel, bayang aking hinirang! Ako lamang ang Diyos; ako ang simula at ang wakas.
13
Ako ang lumikha sa pundasyon ng daigdig, ako rin ang naglatag sa sangkalangitan; kapag sila'y aking tinawag, agad silang tutugon.
14
“Magsama-sama kayo at makinig! Walang nakaaalam isa man sa mga diyus-diyosan, na ang hinirang ko ang lulusob sa Babilonia; at gagawin niya ang lahat ng ipapagawa ko.
15
Ako ang tumawag sa kanya, pinatnubayan ko siya at pinagtagumpay.
16
Kayo ay lumapit at pakinggan ang aking sasabihin. Sa mula't mula pa'y hayagan ako kung magsalita at ang sabihin ko'y aking ginagawa.” Sa kapangyarihan ng espiritu ng Panginoong Yahweh, ako'y kanyang sinugo.
17
Ganito ang sabi ng Banal na Diyos ng Israel, ni Yahweh na sa iyo'y tumubos: “Ako ang iyong Diyos na si Yahweh. Tuturuan kita para sa iyong kabutihan, papatnubayan kita sa daan na dapat mong lakaran.
18
“Kung sinusunod mo lang ang aking mga utos, pagpapala sana'y dadaloy sa iyo, parang ilog na hindi natutuyo ang agos. Tagumpay mo sana ay sunud-sunod, parang along gumugulong sa dalampasigan.
19
Ang iyong lahi ay magiging sindami sana ng buhangin sa dagat, at tinitiyak kong hindi sila mapapahamak.”
20
Lisanin ninyo ang Babilonia, takasan ninyo ang Caldea! Buong galak na inyong ihayag sa lahat ng lugar na iniligtas ni Yahweh ang lingkod niyang si Israel.
21
Nang patnubayan ni Yahweh ang bayang Israel, sa pagtawid sa malawak at mainit na disyerto, hindi ito nauhaw bahagya man sapagkat binutas niya ang isang malaking bato, at ang tubig ay bumukal.
22
Ang sabi ni Yahweh, “Walang kapayapaan ang mga makasalanan!”
← Chapter 47
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 49 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66