bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
/
Isaiah 62
Isaiah 62
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
← Chapter 61
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 63 →
1
Magsasalita ako para lumakas ang loob ng Jerusalem. Hindi ako tatahimik hanggang hindi niya nakakamit ang kaligtasan; hanggang sa makita ang kanyang tagumpay na parang sulong nagliliyab.
2
Makikita ng mga bansa ang pagpapawalang-sala sa iyo, at ng lahat ng hari ang iyong kaningningan. Ikaw ay tatawagin sa isang bagong pangalan, na si Yahweh mismo ang magkakaloob.
3
Ikaw ay magiging magandang korona sa kamay ni Yahweh, isang maharlikang putong na hawak ng Diyos.
4
Hindi ka na tatawaging ‘Pinabayaan,’ at ang lupain mo'y hindi na rin tatawaging ‘Asawang Iniwanan.’ Ang itatawag na sa iyo'y ‘Kinalulugdan ng Diyos,’ at ang lupain mo'y tatawaging ‘Maligayang Asawa,’ sapagkat si Yahweh ay nalulugod sa iyo, at ikaw ay magiging parang asawa sa iyong lupain.
5
Tulad ng isang binatang ikinakasal sa isang birhen, ikaw ay pakakasalan ng sa iyo ay lumikha, kung paanong nagagalak ang binata sa kanyang kasintahan, ganoon din ang kagalakan ng Diyos sa iyo.
6
Naglagay ako ng mga bantay sa mga pader mo, Jerusalem; hindi sila tatahimik araw at gabi. Ipapaalala nila kay Yahweh ang kanyang pangako, upang hindi niya ito makalimutan.
7
Huwag ninyo siyang pagpapahingahin hanggang hindi niya naitatatag muli itong Jerusalem; isang lunsod na pinupuri ng buong mundo.
8
Sumumpa si Yahweh at gagawin niya iyon sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan: “Hindi na ibibigay ang inyong ani upang kainin ng mga kaaway; hindi rin makakainom ang mga dayuhan, sa alak na inyong pinaghirapan.
9
Kayong nagpagod at nagpakahirap, nagtanim, nag-ani, ang siyang makikinabang at magpupuri kay Yahweh; kayong nag-alaga at nagpakahirap sa mga ubasan, kayo ang iinom ng alak sa mga bulwagan ng aking Templo.”
10
Pumasok kayo at dumaan sa mga pintuan! Gumawa kayo ng daan para sa ating kababayang nagsisibalik! Maghanda kayo ng malawak na lansangan! Alisan ninyo ito ng mga bato! Maglagay kayo ng mga tanda upang malaman ng mga bansa,
11
na si Yahweh ay nagpapahayag sa buong lupa: Sabihin mo sa mga taga-Zion, “Narito, dumarating na ang inyong Tagapagligtas; dala niya ang gantimpala sa mga hinirang.”
12
Sila'y tatawagin ng mga tao na ‘Bayang Banal, na Tinubos ni Yahweh.’ Tatawagin silang ‘Lunsod na Minamahal ng Diyos,’ ‘Lunsod na hindi Pinabayaan ng Diyos.’
← Chapter 61
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 63 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66