bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
/
Job 13
Job 13
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
← Chapter 12
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 14 →
1
“Lahat ng sinabi mo ay narinig ko na rin,
2
Ang alam mo'y alam ko rin, hindi ka higit sa akin.
3
Hindi kayo ang kausap ko kundi ang Diyos na Makapangyarihan, sa kanya ko idudulog itong aking kalagayan.
4
Ngunit kayo'y mga sinungaling, tulad ninyo'y manggagamot, na walang kayang pagalingin.
5
Tumahimik na lamang sana kayo, baka akalain pa ng iba na kayo'y matalino.
6
Pakinggan ninyo ngayon ang aking sasabihin, at ang aking panig ay inyong unawain.
7
Bakit ba kayo'y nagsasalita ng di katotohanan? Makatutulong ba sa Diyos ang inyong kasinungalingan?
8
Kayo ba ang tatayo at siya ay ipaglalaban? Kayo ba ang magtatanggol sa kanyang kalagayan?
9
Kung siyasatin kayo ng Diyos, ano kaya ang makikita, siya ba'y inyong madadayang tulad ng iba?
10
Tiyak na siya'y magagalit, kayo ay pagsasabihan, kahit pa lihim na mayroon kayong kinikilingan.
11
Sasakmalin kayo ng takot pagkat siya'y makapangyarihan.
12
Mga kasabihan ninyo'y walang silbi tulad ng abo, singhina ng putik ang mga katuwiran ninyo.
13
“Tumahimik na lang kayo at ako'y pasalitain, hayaang mangyari ang mangyayari sa akin.
14
Nakahanda akong itaya ang buhay kong angkin.
15
Hindi ako natatakot kung ako man ay patayin, maiharap lamang sa kanya itong aking usapin.
16
Maaaring iligtas ako ng aking katapangan, sapagkat wala namang masamang tao na makakaharap sa Maykapal.
17
Pakinggan mong mabuti itong aking sasabihin, itong paliwanag ko ay iyong unawain.
18
Nakahanda akong ilahad ang aking panig, sapagkat alam ko namang ako ay nasa katuwiran.
19
“O Diyos, lalapit ka ba upang ako'y usigin? Kung gayon, handa akong manahimik at mamatay.
20
Mayroon akong dalawang kahilingan, at ako'y di magtatago kung iyong papayagan.
21
Itigil mo na itong pagpaparusa sa akin, at sa takot ay huwag mo akong patayin.
22
“Magsalita ka, at aking tutugunin, o kaya'y sagutin mo ang aking sasabihin.
23
Saan ba ako nagkamali, ano ba ang aking kasalanan? Pagkakasala ko'y maaari ko bang malaman?
24
“Bakit ako'y iyong pinagtataguan? Bakit itinuturing mo akong isang kaaway?
25
Para akong isang dahon, huwag mo na akong takutin, ang katulad ko'y ipa, na tinatangay ng hangin.
26
Kay pait naman ng iyong mga paratang, kasalanan ko noong ako'y bata iyo pang ibinibilang.
27
Itong aking mga paa'y nilagyan pa ng gapos, tinitingnan, sinusuri ang aking bawat kilos.
28
Kaya't ako'y parang kahoy na nabubulok, parang damit na nasisira, unti-unting nauubos.
← Chapter 12
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 14 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42