bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
/
Job 37
Job 37
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
← Chapter 36
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 38 →
1
Kinakabahan ako kapag bumabagyo, at hindi ko malaman ang gagawin ko.
2
Pakinggan ninyo ang tinig ng Diyos mula sa bibig niya'y nanggagaling ang kulog.
3
Ang kidlat ay kanyang pinaguguhit sa kalangitan, mula sa isang panig ng daigdig hanggang sa kasuluk-sulukan.
4
Tinig niya'y umuugong, parang dagundong ng kulog, ang pagguhit ng kidlat ay hindi malagut-lagot.
5
Sa isang salita niya'y may nangyayaring kababalaghan, kahanga-hangang bagay na di natin mauunawaan.
6
Pinauulan niya ng yelo sa ibabaw ng daigdig, ibinubuhos niya sa lupa ang ulang walang patid.
7
Pinahihinto niya ang tao sa kanilang gawain, upang malaman nila kung ano'ng kaya niyang gawin.
8
Ang maiilap na hayop ay nasa kanilang mga taguan.
9
Ang malalakas na hangi'y sa timog nagmumula, at ang malamig na simoy ay galing sa hilaga.
10
Sa hininga ng Diyos nabubuo itong tubig, nagiging yelong matigas at napakalamig.
11
Pinabibigat niya itong mga ulap, mula rito'y pinaguguhit ang mga kidlat.
12
Ito'y bilang pagsunod sa utos ng ating Diyos, sumusunod kahit saang panig nitong sansinukob.
13
Ang ulang ibinubuhos ng dakilang Diyos, maaaring parusa o kagandahang-loob.
14
“Tumigil ka sandali, Job, at iyong isipin, ang mga gawa ng Diyos na walang kahambing.
15
Alam mo ba kung paano niya inuutusan, na maglabasan ang kidlat sa kalangitan?
16
Alam mo ba kung bakit ang ulap ay lumulutang? Iyan ay gawa ng makapangyarihan niyang kamay. Tunay at ganap ang kanyang kaalaman.
17
Hindi mo nga alam! Sapagkat nadarama mo lamang ang matinding init, kapag ang hanging habagat ay umiihip.
18
Tulad ng ginawa niya, ang langit ba'y iyong mailalatag na parang metal na makinis at matigas?
19
Ituro mo sa amin ang dapat sabihin sa Diyos, isip nami'y walang laman, pang-unawa'y kapos.
20
Ang makipag-usap sa Diyos ay di ko na hahangarin, bakit bibigyan ko siya ng pagkakataong ako ay puksain?
21
“Ngayon ang langit ay nalinis na ng hangin, at nakakasilaw ang kanyang luningning.
22
May malagintong kaningningan sa gawing hilaga, iyon ay kaluwalhatian ng Diyos na dakila.
23
Ang Diyos ay tunay na makapangyarihan, kaya walang makalapit sa kanyang kinalalagyan. Siya ay tapat at makatarungan sa pakikitungo sa sangkatauhan.
24
Di kataka-takang siya'y iginagalang ng lahat, at di niya pinapansin ang mga nagkukunwaring mauutak.”
← Chapter 36
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 38 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42