bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
/
Job 29
Job 29
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
← Chapter 28
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 30 →
1
Muling nagsalita si Job,
2
“Kung maibabalik ko lang ang mga unang araw noong ang Diyos sa akin ay palagi pang nagbabantay;
3
Nang ang liwanag niya sa akin ay gumagabay, sa paglakad ko sa dilim, siya ang aking tanglaw.
4
Noon, ako ay sagana, maluwag ang pamumuhay, kaibigang matalik ang Diyos na buháy, at sa buong pamilya ko, siya ang patnubay.
5
Noon ay malapit ang Makapangyarihang Diyos sa akin, at ang mga anak ko'y lagi sa aking piling.
6
Masagana ang gatas mula sa aking kawan, olibong nagbibigay ng langis, tumutubo kahit sa batuhan.
7
Kapag pumupunta ako noon sa mga kapulungan, at nauupong kasama ng mga pinuno ng bayan,
8
kapag ako'y natanaw, mga kabataa'y nagbibigay-daan, mga matatanda nama'y tumatayo at nagbibigay-galang.
9
Ihihinto ng pinuno, kanilang usapan, at mga maharlika'y tatahimik na lamang.
11
“Kapag ako'y nakita at kanilang narinig, sila'y sumasang-ayon at sa aki'y pumapanig.
12
Sapagkat tinulungan ko ang dukha sa kanilang pangangailangan, dinamayan ko ang mga ulilang wala nang mapuntahan.
13
Pinupuri ako ng mga dumanas ng kasawian, natulungang mga biyuda sa tuwa'y nag-aawitan.
14
At ang lagi kong adhikain, katarungan at katuwiran ay siyang pairalin.
15
Para sa mga bulag, ako'y nagsilbing mata; at sa mga pilay, ako ang kanilang paa.
16
Nagsilbi akong ama ng mga mahihirap, kahit di ko kilala ay aking nililingap.
17
Ang lakas ng masasama, aking sinisira ang kanilang mga bihag, sinikap kong mapalaya.
18
“Umaasa ako noong hahaba ang aking buhay, at sa aking tahanan payapang mamamatay.
19
Tulad ko noo'y punongkahoy na sa tubig ay sagana, at ang mga sanga, sa hamog laging basa.
20
Pinupuri ako ng halos lahat, at di nauubos ang aking lakas.
21
Sa mga payo ko sila'y nananabik, sa sinasabi ko sila'y nakikinig.
22
Ang sinabi ko'y di na dapat ulitin, pagkat sa isip agad itong naitatanim.
23
Sa mga sasabihin ko'y lagi silang naghihintay, salita ko'y parang ulan sa panahon ng tag-araw.
24
At ang aking mga ngiti sa kanila'y pampalakas-loob, sa saya ng aking mukha silang lahat ay nalulugod.
25
Para akong hari na sa hukbo'y nag-uutos, at nagbibigay ng aliw kapag sila'y nalulungkot.
← Chapter 28
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 30 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42