bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
/
Job 19
Job 19
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
← Chapter 18
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 20 →
1
Ang sagot ni Job,
2
“Hanggang kailan ninyo ako pahihirapan sa mga salitang inyong binibitawan?
3
Maraming ulit na ninyo akong nilait, di na kayo nahiya na sa aki'y magmalabis.
4
Kung nakagawa man ako ng kasalanan; walang ibang mananagot kundi ako lamang.
5
Akala ninyo kayo'y mas mabuti kaysa akin, pinagbabatayan ninyo'y ang hirap kong pasanin.
6
Dapat ninyong malaman, ang Diyos ang may gawa nito; ang bitag niyang iniumang ay nasa paligid ko.
7
Tumututol ako sa ganitong karahasan, ngunit walang nakikinig sa sigaw kong katarungan.
8
Hinarangan ng Diyos ang aking daraanan; binalot niya ng dilim ang landas kong lalakaran.
9
Inalis niyang lahat ang aking kayamanan, sinira pa niya ang aking karangalan.
10
Saanman ako bumaling, ako'y kanyang pinapalo, parang punong binunot, pag-asa ko'y natutuyo.
11
Matindi ang galit ng Diyos sa akin; isang kaaway ang sa aki'y kanyang turing.
12
Ang hukbo niya ay tinipon at ako ay kinubkob, ang aking tahanan ay kanilang sinakop.
13
“Ang mga kapatid ko'y pinalayo niya sa akin; mga dating kakilala, hindi na ako pinapansin.
14
Pati mga kamag-anak ko'y nag-alisan; naiwan akong walang kaibigan.
15
Dati kong mga panauhi'y di na ako kilala; para na akong dayuhan sa aking mga alila.
16
Ang utos ko sa kanila'y hindi na rin pinapansin, makiusap man ako'y ayaw pa rin akong sundin.
17
Pati na ang asawa ko'y nandidiri sa akin; mga kapatid ko sa laman, ayaw akong makapiling.
18
Ako'y kinukutya ng mga batang paslit; kapag ako'y nakita, pinagtatawanan at nilalait.
19
Mga kaibigan kong matalik sa akin ay nasusuklam, ang mga minamahal ko, ako'y nilalayuan.
20
Buto't balat na lamang ang natitira sa akin, ang pag-asa kong mabuhay, maliit na at katiting.
21
Mga kaibigan ko, sa akin sana'y mahabag; kamay na ng Diyos ang sa aki'y humahampas.
22
Bakit n'yo ako inuusig tulad ng ginagawa ng Diyos? Di pa ba kayo masaya sa kahirapan kong lubos?
23
“Ang mga salita ko sana'y maisulat at maitala sa isang buong aklat!
24
At maiukit sa bato itong mga sinabi ko upang habang panaho'y mabasa ng mga tao.
25
Ngunit alam kong di natutulog ang aking Tagapagligtas, na magtatanggol sa akin pagdating ng wakas.
26
Pagkatapos na maubos itong aking buong balat, makikita ko ang Diyos kahit laman ay maagnas.
27
Siya'y aking mamamasdan, at mukhaang makikita; siya'y makikilala nitong aking mga mata. Ang puso ko'y nananabik na masdan ko na siya.
28
“Ako ay patuloy ninyong uusigin, pagkat iniisip ninyong ang sala nga ay sa akin.
29
Kayo sana ay mag-ingat sa talim nitong tabak, na siyang maghahatid ng parusa sa kasalanan, upang inyong malamang may hahatol nga sa wakas.”
← Chapter 18
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 20 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42