bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
/
Job 16
Job 16
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
← Chapter 15
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 17 →
1
Sumagot naman si Job,
2
“Narinig ko nang lahat ang inyong mga sinabi, kayong lahat ay mang-aaliw na walang silbi.
3
Wala na bang katapusan, mga salita mong walang laman? Bakit ka ba nagsasalita ng ganyan?
4
“Kaya ko ring sabihin ang lahat ng sinabi ninyo, kapag kayo ang dumaranas ng hirap kong ito. Matatambakan ko rin kayo ng salita at payo, may kibit na ng balikat, may iling pa ng ulo.
5
Ngunit ang sasabihin ko'y pampalakas ng inyong loob, mga salitang bibitiwa'y pampabawas ng kirot.
6
“Kung ako ay magsalita, hirap ko'y di maaalis; kung magsawalang-kibo nama'y naroon pa rin ang sakit.
7
Pinanlupaypay ng Diyos ang abâ kong katauhan at nilipol pa niya pati aking sambahayan.
8
Nakadikit na sa buto at kulubot ang aking balat, larawan ng mga hirap na aking dinaranas; ito raw ay katunayan ng aking kasalanan.
9
Dahil sa matinding poot niya sa akin halos ako'y kanyang pagputul-putulin; mga mata'y nanlilisik, may poot kung tumingin.
10
Nilalait ako ng mga tao, pinapaligiran at sinasampal ako.
11
Ipinaubaya na ako ng Diyos sa masasama, pinabayaan sa mga taong walang awa.
12
Sa aking pananahimik, ako'y kanyang ginambala, sinakal, dinurog at pinuntirya ng pana.
13
Tinatamaan ako ng pana sa kabi-kabila, sugat ko'y malubha ngunit wala pa rin siyang awa.
14
Paulit-ulit niya akong sinusugatan, para siyang mandirigmang galit na galit sa kalaban.
15
“Ako'y nakasuot ng damit-panluksa, nakaupo sa alikabok, katawa'y nanghihina.
16
Sa kaiiyak ko'y pula na ang aking mukha, mata ko'y wala nang makita pagkat namamaga.
17
Wala naman akong ginagawang masama, panalangin ko sa Diyos ay tapat at walang daya.
18
“Huwag mong tabunan, O Lupa, ang aking kaapihan, huwag ipagkait sa akin ang hangad kong katarungan!
19
Ang aking testigo ay nasa langit, siyang tatayo't magtatanggol ng aking panig.
20
Mga kaibigan ko ang sa aki'y humahamak, kaya sa Diyos na lamang ako ay iiyak.
21
“May magtanggol sana sa akin sa harap ng Maykapal, tulad ng pagpanig ng isang tao sa kanyang kaibigan.
22
Pagkat ilang taon na lang itong aking itatagal, ako'y papunta na sa huli kong hantungan.
← Chapter 15
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 17 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42