bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
/
Job 28
Job 28
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
← Chapter 27
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 29 →
1
“May lugar kung saan ang pilak ay mahuhukay, at may pook kung saan ang ginto'y dinadalisay.
2
Nahuhukay ng tao ang bakal mula sa lupa, at nilulusaw ang tanso mula sa batong nakuha.
3
Sinasaliksik ng tao ang pinakamalalim na kadiliman, ginagalugad pati ang kailaliman upang humukay ng batong yaman.
4
Humuhukay nang malalim sa ilang at kabundukan na hindi pa naaabot ng sinumang manlalakbay, nagmimina sila roon sa gitna ng kalungkutan.
5
Sa lupa tumutubo ang halamang kinakain, ngunit parang tinupok ng apoy ang nasa ilalim.
6
Nasa mga bato ang mga safiro, nasa alabok naman ang gintong puro.
7
Ang daang iyo'y di abot-tanaw ng lawin, kahit mga buwitre'y hindi ito napapansin.
8
Hindi pa ito nadadaanan ng hayop na mababangis, hindi pa nagagawi rito ang leong mabagsik.
9
“Hinuhukay ng mga tao ang batong matitigas, pati paanan ng mga bundok ay kanilang tinitibag.
10
Sa malalaking bato'y gumagawa sila ng lagusan, mamahaling hiyas ay kanilang natutuklasan.
11
Pinagmumulan ng ilog ay kanilang tinutunton, at dinadala sa liwanag anumang nakatago roon.
12
Ngunit saan kaya matatagpuan itong karunungan? At ang pang-unawa, saan kaya matututunan?
13
“Hindi alam ng tao ang daan tungo sa karunungan; wala iyon sa lupain ng mga nabubuhay.
14
Ang sabi ng kalaliman, ‘Wala sa akin ang kaalaman.’ Ganito rin ang sinasabi ng buong karagatan.
15
Hindi ito mabibili kahit ginto ang ibayad, hindi ito makukuha palitan man ng pilak.
16
Ang pinakamahal na ginto at alahas, sa halaga ng karununga'y hindi maitutumbas.
17
Mahigit pa kaysa ginto ang timbang ng karunungan, mas mahal kaysa sa alahas o sa gintong kayamanan.
18
Mas mahalaga ang karunungan kaysa magandang koral, higit itong mamahalin kaysa perlas o sa kristal.
19
Kahit na ang topaz, dito'y di maipapantay, at hindi rin mahihigitan kahit ng gintong dalisay.
20
“Kung gayo'y saan nga nagmumula ang karunungan? At ang pang-unawa, saan kaya matututunan?
21
Hindi ito nakikita ng sinumang nilalang, mga ibong lumilipad, hindi rin ito natatanaw.
22
Kahit ang Pagkawasak at ang Kamatayan ay nagsasabing ang narinig nila'y mga sabi-sabi lamang.
23
“Ngunit tanging ang Diyos lang ang siyang nakakaalam kung saan naroroon ang tunay na karunungan.
24
Pagkat nakikita niya ang bawat sulok ng daigdig; natatanaw niyang lahat ang nasa ilalim ng langit.
25
Ang hangin ay kanyang binigyan ng bigat, ang karagatan ay itinakda niya ang sukat.
26
Ipinasya niya kung saan papatak ang ulan, at pati ang kidlat, binigyan niya ng daraanan.
27
Dito niya nakita at sinubok ang karunungan, kanyang itinatag at binigyang kahalagahan.
28
“At sinabi niya sa tao, ‘Ang pagsunod at paggalang sa Panginoon ay karunungan; at ang paglayo sa kasamaan ay siyang tunay na kaalaman.’”
← Chapter 27
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 29 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42