bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
/
Job 18
Job 18
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
← Chapter 17
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 19 →
1
Sumagot si Bildad na Suhita,
2
“Kay rami naman ng iyong sinasabi, tumahimik ka muna at pakinggan kami.
3
Kami ba'y ano sa iyong palagay? Mga bakang hangal at walang nalalaman?
4
Sarili mo lang ang iyong sinasaktan, dahil sa galit na iyong tinataglay. Pababayaan ba ang daigdig dahil lamang sa iyo, at aalisin ang mga bundok sa kanilang puwesto?
5
“Ang ilaw ng masama'y tiyak na papatayin, ang kanyang apoy ay di na papaningasin.
6
Ang ilaw sa kanyang tahana'y pagdidilimin.
7
Ang matatag niyang hakbang ngayon ay nabubuwal, pagbagsak niya'y nalalapit sa kanya ring kasamaan.
8
Di niya namamalayang ang kanyang mga paa ay sa bitag pupunta,
9
kaya naman nasisilo itong kanyang mga paa.
10
Isang silo ang sa kanya'y iniumang, may bitag na nakahanda sa kanyang daraanan.
11
“Saanman siya bumaling, takot ay naghihintay; sinusundan siya nito sa bawat hakbang.
12
Mayaman siya noon ngunit ngayo'y hikahos, naghihintay sa kanya'y hirap at pagdarahop.
13
Nakamamatay na sakit, sa katawan niya'y kumakalat, mga bisig at paa niya'y unti-unting naaagnas.
14
Dati siya'y panatag sa kanyang tahanan; ngayo'y kinakaladkad patungo kay Kamatayan.
15
May iba nang nakatira doon sa dati niyang tahanan, matapos malagyan ng gamot at malinis nang lubusan.
16
Ang kanyang mga ugat at mga sanga, lahat ay natuyo at pawang nalanta.
17
Lahat niyang alaala ay napawi nang lubusan; nakalimutan nang lahat pati kanyang pangalan.
18
Mula sa liwanag, inihagis siya sa karimlan, at pinalayas siya sa daigdig ng mga buháy.
19
Isang anak man o apo ay wala siyang naiwan, ni isa'y walang natira sa kanyang sambahayan.
20
Mula silangan hanggang kanluran, nanginginig at kinikilabutan dahil sa kanyang matinding kasawian.
21
Ang masasamang tao'y ganyan ang kapalaran, mga di kumikilala sa Diyos ganyan ang kahihinatnan.”
← Chapter 17
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 19 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42