bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
/
Job 20
Job 20
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
← Chapter 19
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 21 →
1
Sinabi ni Zofar na Naamita,
2
“Ang iyong mga sinabi ay hindi ko na nagugustuhan kaya hindi ko na mapigilan ang pagsali sa usapan.
3
Ang iyong mga sinabi ay puro panlalait, kaya't tugon ko ngayo'y aking ipababatid.
4
“Hindi mo ba nalalaman na buhat pa sa simula, nang ang tao ay ilagay sa ibabaw ng lupa,
5
ang pagmamataas ng masama ay di nagtatagal,
6
umabot man sa langit ang kanyang katanyagan, at ang kanyang ulo, sa ulap ay umabot man.
7
Ngunit tulad ng alabok, ganap siyang mapaparam; ang hantungan niya'y hindi alam ng sinuman.
8
Siya'y parang panaginip na mawawala, parang pangitain sa gabi, di na muling makikita.
9
Di na siya muli pang makikita ng mga dating kaibigan at kapamilya.
10
Makikisama sa mahihirap ang kanyang mga anak; kayamanang kinamkam, mapapabalik lahat.
11
Ang lakas ng kabataan na dati niyang taglay, kasama niyang mahihimlay sa alabok na hantungan.
12
“Ang lasa ng kasamaan para sa kanya ay matamis, ninanamnam pa sa dila, samantalang nasa bibig.
13
Itong kanyang kasamaan ay hindi niya maiwan; kahit gusto man niyang iluwa ay di niya magagawa.
14
Ngunit nang ito'y lunukin, dumaan sa lalamunan, ubod pala ng pait, lason sa katawan.
15
Kayamanang kinamkam niya, kanya ngayong isusuka; palalabasin nga ng Diyos mula sa kanyang bituka.
16
Ang nilulunok ng taong masama ay tulad ng kamandag, parang tuklaw ng isang ahas na sa kanya ay papatay.
17
Ang mga ilog at batis na siyang dinadaluyan ng pulot at gatas ay di na niya mamamasdan.
18
Di rin niya papakinabangan lahat ng pinaghirapan; di niya malalasap ang naipong kayamanan,
19
sapagkat ang mahihirap ay inapi niya, kinamkam ang mga bahay na itinayo ng iba.
20
“Kanyang pagkagahaman ay walang katapusan, walang nakakaligtas sa kanyang kasakiman.
21
Kapag siya'y kumakain, wala siyang itinitira, ngunit ang kasaganaan niya ngayo'y magwawakas na.
22
Sa kanyang kasaganaan, daranas ng kagipitan at siya'y daratnan ng patung-patong na kahirapan.
23
Kumain na siya't magpakabusog! Matinding galit ng Diyos sa kanya'y ibubuhos.
24
Makaligtas man siya sa tabak na bakal, palasong tanso naman ang sa kanya'y magbubuwal.
25
Kapag ito'y itinudla sa apdo niya ay tutusok; kung makita niya ito, manginginig siya sa takot.
26
Matinding kadiliman ang sa kanya'y naghihintay; masusunog siya sa apoy na hindi namamatay. Wala ring matitira sa kanyang pamilya.
27
Ipahahayag ng langit ang kasamaan ng taong ito, laban sa kanya, ang lupa'y magpapatotoo.
28
Ang lahat ng kayamanan niya ay sisirain, sa galit ng Diyos ito ay tatangayin.
29
“Ganito ang sasapitin ng lahat ng masasama, kapasyahan ng Diyos, sa kanila'y itinakda.”
← Chapter 19
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 21 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42