bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Job 11
Job 11
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 10
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 12 →
1
Nang magkagayo'y sumagot si Zofar na Naamatita, at sinabi,
2
"Hindi ba sasagutin ang karamihan ng mga salita? At mapawalang-sala ang lalaking madada?
3
Patatahimikin ba ang mga tao ng iyong kangangawa, wala bang hihiya sa iyo kapag ikaw ay nanunuya?
4
Sapagkat iyong sinasabi, 'Ang aking aral ay dalisay, at ako'y malinis sa iyong mga mata!'
5
Ngunit ang Diyos nawa'y magsalita, at ibuka ang kanyang mga labi sa iyo;
6
at ipakilala nawa sa iyo ang mga lihim ng karunungan! Pagka't siya ay sagana sa kaunawaan. Alamin mo na sinisingil ka ng Diyos ng kulang pa kaysa nararapat sa iyong kasalanan.
7
"Matatagpuan mo ba ang malalalim na bagay ng Diyos? Matatagpuan mo ba ang hangganan ng Makapangyarihan sa lahat?
8
Ito ay mataas kaysa langit; anong iyong magagawa? Malalim kaysa Sheol — anong iyong malalaman?
9
Ang sukat nito ay mas mahaba kaysa lupa, at mas malawak kaysa dagat.
10
Kung siya'y dumaan, at magbilanggo, at tumawag ng paglilitis, sinong makakapigil sa kanya?
11
Sapagkat nakikilala niya ang mga taong walang kabuluhan, kapag nakakita siya ng kasamaan, hindi ba niya ito isasaalang-alang?
12
Ngunit ang taong hangal ay magkakaroon ng pagkaunawa, kapag ang asno ay ipinanganak na tao.
13
"Kung itutuwid mo ang iyong puso, iuunat mo ang iyong kamay sa kanya.
14
Kung ang kasamaan ay nasa iyong kamay, ilayo mo ito, at huwag nawang manirahan ang kasamaan sa iyong mga tolda.
15
Walang pagsala ngang itataas mo ang iyong mukha na walang kapintasan; ikaw ay hindi matatakot at magiging tiwasay.
16
Malilimutan mo ang iyong kahirapan, iyong maaalala ito na parang tubig na umagos.
17
At ang iyong buhay ay magiging lalong maliwanag kaysa katanghalian at magiging gaya ng umaga ang kanyang kadiliman.
18
At ikaw ay mapapanatag sapagkat may pag-asa; ikaw ay mapapangalagaan, at tiwasay kang magpapahinga.
19
Ikaw nama'y hihiga at walang mananakot sa iyo; maraming hihingi ng kalinga mo.
20
Ngunit ang mga mata ng masama ay manghihina, at mawawalan sila ng daang tatakasan, at ang kanilang pag-asa ay hininga'y malagutan."
← Chapter 10
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 12 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
Recommended Reading
Commentary
Job Commentaries
→
Devotional
Job Devotional Guide
→
Get This Bible
Tagalog (Ang Biblia ) Study Bible
→