bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Job 13
Job 13
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 12
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 14 →
1
"Narito, nakita ang lahat ng ito ng aking mata, ang aking tainga ay nakarinig at nakaunawa.
2
Kung ano ang iyong nalalaman, ay nalalaman ko rin naman: Hindi ako mababa sa inyo.
3
Ngunit ako'y magsasalita sa Makapangyarihan sa lahat, at nais kong ipagtanggol ang aking usapin sa Diyos.
4
Ngunit kayo'y mapagkatha ng mga kabulaanan, kayong lahat ay mga manggagamot na walang kabuluhan.
5
Nawa ay tumahimik kayong lahat, at magiging inyong karunungan!
6
Dinggin ninyo ngayon ang aking pangangatuwiran, at ang mga pakikiusap ng aking mga labi ay inyong pakinggan.
7
Kayo ba'y magsasalita ng kabulaanan para sa Diyos, at mangungusap na may pandaraya para sa kanya?
8
Kayo ba'y magpapakita ng pagpanig sa kanya? Ipapakiusap ba ninyo ang usapin para sa Diyos?
9
Makakabuti ba sa inyo kapag siniyasat niya kayo? O madadaya mo ba siya tulad ng pandaraya sa isang tao?
10
Walang pagsalang sasawayin niya kayo, kung sa lihim ay magpapakita kayo ng pagtatangi.
11
Hindi ba kayo tatakutin ng kanyang kamahalan, at ang sindak sa kanya ay sasainyo?
12
Ang inyong mga di-malilimot na kasabihan ay kawikaang abo, ang inyong mga sanggalang ay mga sanggalang na putik.
13
"Bigyan ninyo ako ng katahimikan, at ako'y magsasalita, at hayaang dumating sa akin ang anuman.
14
Bakit kakagatin ng aking mga ngipin ang aking laman, at ilalagay ko ang aking buhay sa aking kamay?
15
Bagaman ako'y patayin niya, ako'y aasa pa rin sa kanya, gayunma'y ipagtatanggol ko ang aking mga lakad sa harapan niya.
16
Ito ang aking magiging kaligtasan, na ang isang masamang tao ay hindi haharap sa kanya.
17
Pakinggan ninyong mabuti ang mga salita ko, at sumainyong mga pakinig ang pahayag ko.
18
Narito ngayon, inihanda ko ang aking usapin; alam ko na ako'y mapapawalang sala.
19
Sino ang makikipagtalo sa akin? Sapagkat kung gayo'y tatahimik ako at mamamatay.
20
Dalawang bagay lamang ang ipagkaloob mo sa akin, kung magkagayo'y hindi ako magkukubli sa iyong mukha:
21
iurong mo nang malayo sa akin ang kamay mo; at huwag akong takutin ng sindak sa iyo.
22
Kung magkagayo'y tumawag ka, at ako'y sasagot; o papagsalitain mo ako, at sa akin ikaw ay sumagot.
23
Ilan ang aking mga kasamaan at mga kasalanan? Ipakilala mo sa akin ang aking pagsalangsang at ang aking kasalanan.
24
Bakit mo ikinukubli ang iyong mukha, at itinuturing mo akong iyong kaaway?
25
Iyo bang tatakutin ang isang dahong pinapaspas ng hangin, at ang tuyong ipa ay iyo bang hahabulin?
26
Sapagkat ikaw ay sumusulat laban sa akin ng mapapait na bagay, at ipinamamana mo sa akin ang mga kasamaan ng aking kabataan.
27
Iyo ring inilalagay ang aking mga paa sa kadenahan, at minamanmanan mo ang lahat kong daan, ikaw ay naglalagay ng hang-ganan sa aking talampakan.
28
Bagaman ako'y parang bagay na bulok na natutunaw, na parang damit na kinakain ng bukbok.
← Chapter 12
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 14 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42