bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Job 14
Job 14
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 13
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 15 →
1
"Ang tao, na ipinanganak ng babae ay may kaunting araw, at puno ng kaguluhan.
2
Siya'y umuusbong na gaya ng bulaklak, at nalalanta; siya'y nawawalang gaya ng anino, at hindi namamalagi.
3
At iyo bang iminumulat ang iyong mga mata sa isang gaya nito, at dinadala siya sa kahatulan na kasama mo?
4
Sinong makakakuha ng malinis na bagay mula sa marumi? Walang sinuman.
5
Yamang ang kanyang mga araw ay itinakda na, at ang bilang ng kanyang mga buwan ay nasa iyo, at iyong itinalaga ang kanyang mga hangganan upang huwag siyang makaraan;
6
ilayo mo sa kanya ang iyong paningin, at ikaw ay huminto, upang siya'y masiyahan sa kanyang araw tulad ng isang taong upahan.
7
"Sapagkat may pag-asa sa isang punungkahoy, na kung ito'y putulin ay muling sisibol, at ang sariwang sanga niyon ay hindi hihinto.
8
Bagaman ang kanyang ugat ay tumanda sa lupa, at ang tuod niyon ay mamatay sa lupa;
9
gayunma'y sa pamamagitan ng amoy ng tubig ay sisibol iyon, at magsasanga na gaya ng batang halaman.
10
Ngunit ang tao ay namamatay at ibinabaon; ang tao ay nalalagutan ng hininga, at saan siya naroon?
11
Kung paanong ang tubig ay lumalabas sa dagat, at ang ilog ay humuhupa at natutuyo;
12
gayon ang tao ay humihiga at hindi na bumabangon; hanggang sa ang langit ay mawala, siya'y hindi na muling magigising, ni mapupukaw man sa kanilang pagkakatulog.
13
O sa Sheol ay ikubli mo ako nawa, itago mo ako hanggang sa ang iyong poot ay mawala, takdaan mo nawa ako ng takdang panahon, at ako'y iyong alalahanin!
14
Kung ang isang tao ay mamatay, mabubuhay pa ba siya? Lahat ng araw ng aking pagpupunyagi ay ipaghihintay ko, hanggang sa dumating ang pagbabago ko.
15
Ikaw ay tatawag, at ako'y sasagot sa iyo; iyong nanasain ang gawa ng mga kamay mo.
16
Kung magkagayo'y bibilangin mo ang aking mga hakbang, at hindi mo babantayan ang aking kasalanan.
17
Ang aking pagsalangsang ay itatago sa isang lalagyan, at iyong tatakpan ang aking kasamaan.
18
"Ngunit ang bundok ay natitibag at nawawala, at ang bato ay inalis sa kinaroroonan niyon;
19
inaagnas ng tubig ang mga bato; tinatangay ng mga baha niyon ang alabok ng lupa; sa gayon mo winasak ang pag-asa ng tao.
20
Ikaw ay nananaig kailanman laban sa kanya, at siya'y pumapanaw; iyong binabago ang kanyang mukha, at iyong pinalayas siya.
21
Ang kanyang mga anak ay nagkaroon ng karangalan, at hindi niya nalalaman; sila'y ibinababa, ngunit hindi niya iyon nahahalata.
22
Ngunit ang sakit lamang ng kanyang katawan ay nagbibigay ng sakit sa kanya, at nagluluksa lamang siya para sa kanyang sarili!"
← Chapter 13
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 15 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42