bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Job 21
Job 21
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 20
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 22 →
1
Nang magkagayo'y sumagot si Job, at sinabi,
2
"Pakinggan ninyong mabuti ang mga salita ko, at ito'y maging kaaliwan ninyo.
3
Pagtiisan ninyo ako, at ako nama'y magsasalita, at pagkatapos na ako'y makapagsalita, ay saka kayo manuya.
4
Sa ganang akin, ang sumbong ko ba ay laban sa tao? Bakit hindi ako dapat mainip?
5
Tingnan ninyo ako, at manghilakbot kayo, at ilagay ninyo ang inyong kamay sa bibig ninyo.
6
Kapag ito'y aking naaalala ay nanlulumo ako, at nanginginig ang laman ko.
7
Bakit nabubuhay ang masama, tumatanda, at nagiging malakas sa kapangyarihan?
8
Ang kanilang mga anak ay matatag sa kanilang paningin, at nasa harapan ng kanilang mga mata ang kanilang supling.
9
Ligtas sa takot, ang mga bahay nila, ang pamalo ng Diyos ay wala sa kanila.
10
Ang kanilang baka ay naglilihi nang walang humpay, ang kanilang baka ay nanganganak, at hindi napapahamak ang kanyang guya.
11
Kanilang inilabas ang kanilang mga bata na gaya ng kawan, at ang kanilang mga anak ay nagsasayawan.
12
Sila'y nag-aawitan sa saliw ng tamburin at lira, at nagkakatuwaan sa tunog ng plauta.
13
Ang kanilang mga araw sa kaginhawahan ay ginugugol, at sila'y payapang bumababa sa Sheol.
14
At sinasabi nila sa Diyos,'Lumayo ka sa amin!' Hindi namin ninanasa na ang inyong mga lakad ay aming alamin.
15
Ano ang Makapangyarihan sa lahat, upang siya'y paglingkuran namin? At anong pakinabang ang makukuha namin, kung kami sa kanya ay manalangin?
16
Narito, hindi ba ang kanilang kaginhawahan ay nasa kanilang kamay? Ang payo ng masama ay malayo sa akin.
17
"Gaano kadalas pinapatay ang ilaw ng masama? Na ang kanilang kapahamakan ay dumarating sa kanila? Na ipinamamahagi ng Diyos ang sakit sa kanyang galit?
18
Na sila'y gaya ng dayami sa harap ng hangin, at gaya ng ipa na tinatangay ng bagyo?
19
Inyong sinasabi, 'Iniipon ng Diyos ang kanilang kasamaan para sa kanyang mga anak.' Iganti nawa niya sa kanilang sarili, upang ito'y malaman nila.
20
Makita nawa ng kanilang mga mata ang kanilang pagkagiba, at painumin nawa sila ng poot ng Makapangyarihan sa lahat.
21
Sapagkat anong pinapahalagahan nila para sa kanilang bahay pagkamatay nila, kapag ang bilang ng kanilang mga buwan ay natapos na?
22
May makakapagturo ba sa Diyos ng kaalaman? Gayong ang nasa itaas ay kanyang hinahatulan?
23
Ang isa'y namamatay sa kanyang lubos na kasaganaan, ganap na matatag at may katiwasayan.
24
Ang kanyang katawan ay puno ng taba, at ang utak ng kanyang mga buto ay basa.
25
At ang isa pa'y namatay sa paghihirap ng kaluluwa, at kailanman ay hindi nakatikim ng mabuti.
26
Sila'y nakahigang magkasama sa alabok, at tinatakpan sila ng uod.
27
"Tingnan mo, aking nalalaman ang inyong haka, at ang inyong mga balak na gawan ako ng masama.
28
Sapagkat inyong sinasabi, 'Saan naroon ang bahay ng pinuno? At saan naroon ang tolda na tinatahanan ng masama?'
29
Sa mga naglalakbay sa lansangan ay di ba itinanong ninyo? At hindi ba ninyo tinatanggap ang kanilang mga patotoo?
30
Na ang masamang tao ay kaaawaan sa araw ng kapahamakan? Na siya'y ililigtas sa araw ng kapootan?
31
Sinong magpapahayag ng kanyang lakad sa kanyang mukha? At sinong maniningil sa kanya sa kanyang ginawa?
32
Kapag siya'y dinala sa libingan, ay binabantayan ang kanyang himlayan.
33
Ang mga kimpal ng lupa ng libis ay mabuti sa kanya; lahat ng tao ay susunod sa kanya, at hindi mabilang ang mga nauna sa kanya.
34
Paano ngang inyong aaliwin ako ng walang kabuluhan? Walang naiiwan sa inyong mga sagot kundi kabulaanan."
← Chapter 20
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 22 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42