bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Job 3
Job 3
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 2
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 4 →
1
Pagkatapos nito'y ibinuka ni Job ang kanyang bibig at sinumpa ang araw ng kanyang kapanganakan.
2
Sinabi ni Job:
3
"Maglaho nawa ang araw nang ako'y isilang, at ang gabi na nagsabi, 'May batang lalaking ipinaglihi.'
4
Magdilim nawa ang araw na iyon! Huwag nawang hanapin iyon ng Diyos sa itaas, ni silayan man iyon ng liwanag.
5
Hayaang angkinin iyon ng mapanglaw at pusikit na kadiliman. Tirahan nawa iyon ng ulap; takutin nawa iyon ng kadiliman ng araw.
6
Ang gabing iyon — sakmalin nawa ng makapal na kadiliman! Huwag itong magsaya na kasama ng mga araw ng taon, huwag nawa itong mapasama sa bilang ng mga buwan.
7
Oo, ang gabing iyon nawa ay maging baog, huwag marinig doon ang tinig ng kagalakan.
8
Sumpain nawa iyon ng mga sumusumpa sa araw, ng mga bihasa sa paggising sa Leviatan.
9
Magdilim nawa ang mga bituin ng pagbubukang-liwayway niyon; hayaang umasa ito ng liwanag, ngunit hindi magkakaroon, ni mamalas ang mga talukap-mata ng umaga,
10
sapagkat hindi nito tinakpan ang mga pinto ng sinapupunan ng aking ina, o ikinubli man ang kaguluhan sa aking mga mata.
11
"Bakit hindi pa ako namatay nang ako'y isilang? Bakit hindi ako nalagutan ng hininga nang ako'y iluwal?
12
Bakit tinanggap ako ng mga tuhod? O bakit ang mga dibdib, na aking sususuhan?
13
Sapagkat nahihimlay at natatahimik na sana ako, ako sana'y natutulog; nagpapahinga na sana ako;
14
kasama ng mga hari at ng mga tagapayo ng daigdig, na muling nagtayo ng mga guho para sa kanilang sarili,
15
o kasama ng mga prinsipeng may mga ginto, na pinuno ng pilak ang kanilang bahay.
16
Bakit hindi pa ako inilibing tulad ng batang patay nang isilang, gaya ng sanggol na hindi nakakita ng liwanag kailanman?
17
Doon ang masama ay tumitigil sa paggambala, at doo'y ang pagod ay nagpapahinga.
18
Doon ang mga bilanggo ay sama-samang nagiginhawahan, hindi nila naririnig ang tinig ng nag-aatang ng pasan.
19
Ang hamak at ang dakila ay naroroon, at ang alipin ay malaya sa kanyang panginoon.
20
"Bakit binibigyan ng liwanag ang nasa kahirapan, at ng buhay ang kaluluwang nasa kapighatian,
21
na nasasabik sa kamatayan, ngunit hindi ito dumarating; at naghuhukay dito ng higit kaysa mga kayamanang nakalibing;
22
na labis ang kagalakan, at natutuwa kapag natagpuan nila ang libingan?
23
Bakit ang liwanag ay ibibigay sa taong ang daan ay nakatago, at ang taong binakuran ng Diyos?
24
Sapagkat ang buntong-hininga ko ay dumarating na parang aking pagkain. at ang aking mga daing ay bumubuhos na parang tubig.
25
Sapagkat ang bagay na aking kinatatakutan ay dumarating sa akin, at ang aking pinangingilabutan ay nangyayari sa akin.
26
Hindi ako mapalagay at hindi rin matahimik, wala akong kapahingahan; kundi dumarating ang kaguluhan."
← Chapter 2
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 4 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42