bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Job 32
Job 32
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 31
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 33 →
1
JKaya't ang tatlong lalaking ito ay huminto na sa pagsagot kay Job, sapagkat siya'y matuwid sa kanyang sariling paningin.
2
Nang magkagayo'y nagalit si Elihu, na anak ni Barakel na Buzita, mula sa angkan ni Ram. Nagalit siya kay Job sapagkat binigyang katuwiran niya ang sarili sa halip na ang Diyos.
3
Galit din siya sa tatlong kaibigan ni Job, sapagkat sila'y hindi nakatagpo ng sagot, bagaman ipinahayag nilang mali si Job.
4
Si Elihu nga ay naghintay upang magsalita kay Job, sapagkat sila'y matanda kaysa kanya.
5
At nagalit si Elihu nang makita niya na walang kasagutan sa bibig ng tatlong lalaking ito.
6
Si Elihu na anak ni Barakel na Buzita ay sumagot at nagsabi: "Ako'y bata pa, at matatanda na kayo, kaya't ako'y nahihiya at natakot na ipahayag sa inyo ang aking kuru-kuro.
7
Aking sinabi, 'Hayaang magsalita ang mga araw, at ang maraming mga taon ay magturo ng karunungan.'
8
Ngunit ang espiritu na nasa tao, ang hininga ng Makapangyarihan sa lahat ang nagbibigay sa kanya ng unawa.
9
Hindi ang dakila ang siyang matalino, ni ang matanda man ang siyang nakakaunawa ng wasto.
10
Kaya't aking sinasabi, 'Pakinggan ninyo ako; hayaan ninyong ipahayag ko rin ang aking kuru-kuro.'
11
"Narito, aking hinintay ang inyong mga salita, pinakinggan ko ang inyong matatalinong pananalita, samantalang kayo'y naghahagilap ng masasabi.
12
Ang aking pansin sa inyo'y aking ibinigay, at narito, kay Job ay walang nakapagpabulaan, o sa inyo'y may nakasagot sa kanyang mga tinuran.
13
Mag-ingat nga kayo, baka sabihin ninyo 'Kami ay nakatagpo ng karunungan; madadaig siya ng Diyos, hindi ng tao.'
14
Hindi niya itinukoy sa akin ang kanyang mga salita, at hindi ko siya sasagutin ng inyong mga pananalita.
15
"Sila'y nalito, sila'y hindi na sumagot pa; sila'y walang masabi pang salita.
16
At ako ba'y maghihintay, sapagkat sila'y hindi nagsasalita, sapagkat sila'y nakatigil doon, at hindi na sumasagot?
17
Ibibigay ko rin naman ang sagot ko, ipahahayag ko rin ang aking kuru-kuro.
18
Sapagkat sa mga salita ako'y punong-puno, ako'y pinipilit ng espiritung nasa loob ko.
19
Narito, ang aking puso ay parang alak na walang pasingawan, parang mga bagong sisidlang-balat na malapit nang sumambulat.
20
Ako'y dapat magsalita, upang ako'y maginhawahan; dapat kong buksan ang aking mga labi at magbigay kasagutan.
21
Sa kaninumang tao'y wala akong kakampihan, o gagamit ng papuring pakunwari sa kaninuman.
22
Sapagkat hindi ako marunong sumambit ng mga pakunwaring salita; kung hindi ay madali akong wawakasan ng sa akin ay Lumikha.
← Chapter 31
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 33 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42