bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Job 22
Job 22
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 21
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 23 →
1
Nang magkagayo'y sumagot si Elifaz na Temanita, at sinabi,
2
"Mapapakinabangan ba ng Diyos ang isang tao? Tunay na kapaki-pakinabang sa kanyang sarili ang matalino.
3
May kasiyahan ba sa Makapangyarihan sa lahat kung matuwid ka? O kapag pinasasakdal mo ang iyong mga lakad ay may pakinabang ba siya?
4
Dahil ba sa iyong takot sa kanya na ikaw ay sinasaway niya, at pumapasok siya sa paghuhukom na kasama ka?
5
Hindi ba malaki ang iyong kasamaan? Mga kasamaan mo'y walang hangganan.
6
Sapagkat kumuha ka ng sangla sa iyong kapatid kapalit ng wala, ang hubad ay hinubaran mo ng kasuotan nila.
7
Hindi ka nagbigay ng tubig sa pagod upang uminom, at ikaw ay nagkait ng tinapay sa gutom.
8
Ang makapangyarihang tao ang nagmay-ari ng lupa; at tumahan doon ang taong pinagpala.
9
Ang mga babaing balo ay pinaalis mong walang dala, at nadurog ang mga kamay ng mga ulila.
10
Kaya't ang mga silo ay nasa palibot mo, at biglang takot ang sumasaklot sa iyo,
11
dumilim ang iyong ilaw, anupa't hindi ka makakita, at tinatabunan ka ng tubig-baha.
12
"Hindi ba ang Diyos ay nasa itaas ng kalangitan? Masdan mo ang pinakamataas na mga bituin, sila'y napakaringal!
13
At iyong sinasabi, 'Ano bang nalalaman ng Diyos? Makakahatol ba siya sa kadilimang lubos?
14
Makakapal na ulap ang bumabalot sa kanya, kaya't hindi siya nakakakita; sa balantok ng langit ay lumalakad siya!'
15
Mananatili ka ba sa dating daan, na ang masasamang tao'y ito ang nilakaran?
16
Sila'y inagaw bago dumating ang kapanahunan nila; ang kanilang patibayan ay nadala ng baha.
17
Sinabi nila sa Diyos, 'Lumayo ka sa amin;' at, 'Anong magagawa sa amin ng Makapangyarihan sa lahat?'
18
Gayunma'y pinuno niya ang kanilang mga bahay ng mabubuting bagay — ngunit ang payo ng masama ay malayo sa akin.
19
Nakikita ito ng matutuwid at sila'y natutuwa; at tinatawanan sila ng walang sala na may pangungutya,
20
na nagsasabi, Tiyak na malilipol ang ating mga kalaban, at tinupok ng apoy ang sa kanila'y naiwan.'
21
"Sumang-ayon ka sa Diyos, at ikaw ay mapapayapa; at ang mabuti ay darating sa iyo.
22
Iyong tanggapin ang turo mula sa kanyang bibig, at ilagak mo ang kanyang mga salita sa iyong puso.
23
Kapag ikaw ay manunumbalik sa Makapangyarihan sa lahat, at magpapakumbaba ka, kung iyong ilalayo ang kasamaan mula sa iyong mga tolda,
24
kapag inilagay mo ang ginto sa alabok, at ang ginto ng Ofir sa gitna ng mga bato ng mga batis,
25
at kung ang iyong ginto ay ang Makapangyarihan sa lahat, at siyang iyong mahalagang pilak,
26
kung gayo'y magagalak ka sa Makapangyarihan sa lahat, at ang iyong mukha sa Diyos ay iyong itataas.
27
Ikaw ay dadalangin sa kanya, at kanyang diringgin ka; at iyong tutuparin ang iyong mga panata.
28
Ikaw ay magpapasiya ng isang bagay, at iyon ay matatatag para sa iyo; at ang liwanag ay sisilang sa iyong mga daan.
29
Sapagkat ibinababa ng Diyos ang mapagmataas, ngunit ang mapagpakumbaba ay kanyang inililigtas.
30
Kanyang ililigtas ang taong walang kasalanan; maliligtas ka sa pamamagitan ng kalinisan ng iyong mga kamay."
← Chapter 21
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 23 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42