bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Job 12
Job 12
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 11
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 13 →
1
Nang magkagayo'y sumagot si Job, at sinabi,
2
"Walang pag-aalinlangan na kayo ang bayan, at mamamatay na kasama ninyo ang karunungan.
3
Ngunit ako'y may pagkaunawa na gaya ninyo; hindi ako mas mababa sa inyo. Sinong hindi nakaalam ng mga bagay na gaya nito?
4
Ako'y katatawanan sa aking mga kaibigan, ako na tumawag sa Diyos, at ako'y sinagot niya, isang ganap at taong sakdal, ay katatawanan.
5
Sa pag-iisip ng isang nasa katiwasayan ay may pagkutya sa kasawian; nakahanda iyon sa mga nadudulas ang mga paa.
6
Ang mga tolda ng mga magnanakaw ay may kapayapaan, at silang nanggagalit sa Diyos ay tiwasay; na inilalagay ang kanilang diyos sa kanilang kamay.
7
"Ngunit ngayo'y tanungin mo ang mga hayop, at tuturuan kanila; ang mga ibon sa himpapawid, at kanilang sasabihm sa iyo;
8
o ang mga halaman sa lupa, at tuturuan ka nila; at ang mga isda sa dagat ay magpapahayag sa iyo.
9
Sinong hindi nakakaalam sa lahat ng mga ito, na ang kamay ng PANGINOON ang gumawa nito?
10
"Nasa kamay niya ang buhay ng bawat bagay na may buhay, at ang hininga ng lahat ng mga tao.
11
Hindi ba sumusubok ang mga salita ng pandinig, gaya ng ngalangala na lumalasa ng pagkain?
12
Nasa matatanda ang karunungan, ang haba ng buhay ay ang kaunawaan.
13
"Nasa Diyos ang karunungan at kalakasan; kanya ang payo at kaunawaan.
14
Kapag siya'y nagpabagsak, walang makakapagtayo, kapag ikinulong niya ang tao, walang makakapagbukas.
15
Kapag kanyang pinigil ang tubig, natutuyo ito; kapag kanyang pinaagos, ang lupa ay inaapawan nito.
16
Nasa kanya ang kalakasan at ang karunungan, ang nadaya at ang mandaraya ay kanya.
17
Kanyang pinalalakad na hubad ang mga tagapayo, at ginagawa niyang hangal ang mga hukom.
18
Kanyang kinakalag ang gapos ng mga hari, at binibigkisan ang kanilang mga baywang ng pamigkis.
19
Ang mga pari ay hubad niyang pinalalakad, at pinababagsak ang makapangyarihan.
20
Kanyang inaalisan ng pananalita ang pinagtitiwalaan, at inaalis ang pagkaunawa ng mga nakakatanda.
21
Siya'y nagbubuhos ng kutya sa mga pinuno, at kinakalag ang pamigkis ng malakas.
22
Inililitaw niya ang malalalim mula sa kadiliman, at inilalabas sa liwanag ang pusikit na kadiliman.
23
Kanyang pinadadakila ang mga bansa, at winawasak ang mga ito. Kanyang pinalalaki ang mga bansa, at itinataboy ang mga ito.
24
Kanyang inaalis ang pang-unawa mula sa mga pinuno ng bayan sa lupa, at kanyang pinalalaboy sila sa ilang na walang lansangan.
25
Sila'y nangangapa sa dilim na walang liwanag, at kanyang pinasusuray sila na gaya ng isang lasing.
← Chapter 11
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 13 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42