bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Job 28
Job 28
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 27
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 29 →
1
"Tunay na para sa pilak ay may minahan, at sa ginto ay may dakong dalisayan.
2
Ang bakal ay kinukuha sa lupa, at sa tinunaw na mahalagang bato, ang tanso ay nagmumula.
3
Ang tao'y naglalagay ng wakas sa kadiliman, at hinahanap hanggang sa pinakamalayong hangganan ang mga bato sa kalungkutan at pusikit na kadiliman.
4
Sila'y nagbubukas ng lagusan sa libis na malayo sa tinatahanan ng mga tao; sila'y nalimutan ng mga manlalakbay, sila'y nakabitin na malayo sa mga tao, sila'y umuugoy na paroo't parito.
5
Tungkol sa lupa, ang tinapay ay dito nanggagaling, ngunit waring tinutuklap ng apoy sa ilalim.
6
Ang mga bato nito'y kinaroroonan ng mga zafiro, at ito ay may alabok na ginto.
7
"Yaong landas na walang ibong mandaragit na nakakaalam, at hindi pa nakita maging ng mata ng falkon man.
8
Ang mga palalong hayop dito'y di pa nakakatuntong ni nadaanan man ng mabangis na leon.
9
"Inilalagay ng tao ang kanyang kamay sa batong kiskisan, at binabaligtad sa mga ugat ang mga kabundukan.
10
Sa gitna ng mga bato'y gumagawa siya ng daluyan, at nakikita ng kanyang mata ang bawat mahalagang bagay.
11
Kanyang tinatahan ang mga batis upang huwag lumagaslas, at ang bagay na nakakubli, sa liwanag ay kanyang inilalabas.
12
"Ngunit saan matatagpuan ang karunungan? At saan ang kinaroroonan ng kaunawaan?
13
Hindi nalalaman ng tao ang daan patungo roon, at hindi nasusumpungan sa lupain ng mga buhay.
14
Sinasabi ng kalaliman, 'Wala sa akin,' at sinasabi ng dagat, 'Hindi ko kapiling.'
15
Hindi ito mabibili ng ginto, ni matitimbangan man ng pilak bilang halaga nito.
16
Hindi mahahalagahan ng ginto ng Ofir, ng mahalagang onix, o ng zafiro.
17
Ginto at salamin dito ay hindi maipapantay, ni maipagpapalit man sa mga hiyas na gintong dalisay.
18
Hindi babanggitin ang tungkol sa coral o sa cristal; higit kaysa mga perlas ang halaga ng karunungan.
19
Ang topacio ng Etiopia doon ay hindi maipapantay, ni mahahalagahan man sa gintong lantay.
20
"Saan nanggagaling kung gayon, ang karunungan? At saan ang kinaroroonan ng kaunawaan?
21
Nakakubli ito sa mga mata ng lahat ng nabubuhay, at natatago sa mga ibon sa kalangitan.
22
Ang Abadon at Kamatayan ay nagsasabi, 'Narinig ng aming mga tainga ang bulung-bulungan tungkol doon!'
23
"Nauunawaan ng Diyos ang daan patungo roon, at nalalaman niya ang kinaroroonan niyon.
24
Sapagkat tumitingin siya hanggang sa mga dulo ng daigdig, at nakikita niya ang lahat ng bagay sa silong ng langit.
25
Nang ibinigay niya sa hangin ang kanyang bigat, at ipinamahagi ang tubig ayon sa sukat,
26
nang siya'y gumawa ng utos para sa ulan, at para sa kidlat ng kulog ay ang kanyang daan;
27
nang magkagayo'y nakita niya ito, at inihayag; ito'y kanyang itinatag, at siniyasat.
28
At sa tao ay sinabi niya, 'Narito, ang takot sa PANGINOON ay siyang karunungan; at ang paghiwalay sa kasamaan ay kaunawaan.'"
← Chapter 27
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 29 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42