bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
/
Matthew 14
Matthew 14
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
← Chapter 13
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 15 →
1
Nang panahong yaoy narinig ni Herodes na tetrarka ang balita tungkol kay Jesus,
2
At sinabi sa kaniyang mga tagapaglingkod, Itoy si Juan Bautista; siyay muling nagbangon sa mga patay; kayat ang mga kapangyarihang ito ay nagsisigawa sa kaniya.
3
Sapagkat hinuli ni Herodes si Juan, at siyay iginapos, at inilagay sa bilangguan dahil kay Herodias, na asawa ni Felipe na kaniyang kapatid.
4
Sapagkat sinabi ni Juan sa kaniya, Hindi matuwid sa iyo na aariin mo siya.
5
At nang ibig niyang ipapatay siya, ay natakot siya sa karamihan, sapagkat siyay kanilang ibinibilang na propeta.
6
Datapuwat nang dumating ang araw na kapanganakan kay Herodes, ay sumayaw sa gitna ang anak na babae ni Herodias, at kinalugdan ni Herodes.
7
Dahil ditoy kaniyang ipinangakong may sumpa na sa kaniyay ibibigay ang anomang hingin niya.
8
At siya, na inudyukan ng kaniyang ina, ay nagsabi, Ibigay mo sa akin dito na nasa isang pinggan ang ulo ni Juan Bautista.
9
At namanglaw ang hari; datapuwat dahil sa kaniyang mga sumpa, at sa nangakaupong kasalo niya sa dulang, ay ipinagutos niyang ibigay na sa kaniya;
10
At nagutos siya at pinugutan ng ulo si Juan sa bilangguan.
11
At dinala ang kaniyang ulo na nasa isang pinggan, at ibinigay sa dalaga: at dinala nito sa kaniyang ina.
12
At ang kaniyang mga alagad ay nagsiparoon, at kanilang binuhat ang bangkay, at kanilang inilibing; at silay nagsialis at isinaysay kay Jesus.
13
Nang marinig nga ito ni Jesus, ay lumigpit sila mula roon, sa isang daong na nasa isang dakong ilang na bukod: at nang mabalitaan ito ng mga karamihan, ay nangaglakad sila na sumunod sa kaniya mula sa mga bayan.
14
At siyay lumabas, at nakita ang isang malaking karamihan, at nahabag siya sa kanila, at pinagaling niya ang sa kanilay mga may sakit.
15
At nang nagtatakipsilim na, ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Ilang ang dakong ito, at lampas na sa panahon; paalisin mo na ang mga karamihan, upang silay magsiparoon sa mga nayon, at silay mangakabili ng kanilang makakain.
16
Datapuwat sinabi sa kanila ni Jesus, Hindi kailangang silay magsialis; bigyan ninyo sila ng makakain.
17
At sinasabi nila sa kaniya, Wala tayo rito kundi limang tinapay at dalawang isda.
18
At sinabi niya, Dalhin ninyo rito sa akin.
19
At ipinagutos niya sa mga karamihan na silay magsiupo sa damuhan; at kinuha niya ang limang tinapay at ang dalawang isda, at pagtingala sa langit, ay kaniyang pinagpala, at pinagputolputol at ibinigay ang mga tinapay sa mga alagad, at ibinigay naman ng mga alagad sa mga karamihan.
20
At nagsikain silang lahat, at nangabusog: at kanilang pinulot ang lumabis na pinagputolputol, na labingdalawang bakol na puno.
21
At ang mga nagsikain ay may limang libong lalake, bukod pa ang mga babae at ang mga bata.
22
At pagdakay pinapagmadali niya ang kaniyang mga alagad na magsilulan sa daong, at magsiuna sa kaniya sa kabilang ibayo, hanggang pinayayaon niya ang mga karamihan.
23
At pagkatapos na mapayaon niya ang mga karamihan, ay umahon siyang bukod sa bundok upang manalangin: at nang gumabi na, ay siyay nagiisa doon.
24
Datapuwat ang daong ay nasa gitna na ng dagat, na hinahampas ng mga alon; sapagkat pasalungat sa hangin.
25
At sa ikaapat na pagpupuyat ng gabi ay naparoon siya sa kanila, na lumalakad sa ibabaw ng dagat.
26
At nang makita siya ng mga alagad na lumalakad sa ibabaw ng dagat, ay nangagulumihanan sila, na nangagsasabi, Multo! at silay nagsisigaw dahil sa takot.
27
Datapuwat pagdakay nagsalita sa kanila si Jesus, na nagsasabi, Laksan ninyo ang inyong loob; ako nga: huwag kayong mangatakot.
28
At sumagot sa kaniya si Pedro, at nagsabi, Panginoon, kung ikaw nga, ay papariyanin mo ako sa iyo sa ibabaw ng tubig.
29
At sinabi niya, Halika. At lumunsad si Pedro sa daong, at lumakad sa ibabaw ng tubig upang pumaroon kay Jesus.
30
Datapuwat pagkakita niyang malakas ang hangin, ay natakot siya, at nang siyay malulubog, ay sumigaw, na nagsasabi, Panginoon, iligtas mo ako.
31
At pagdakay iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya, at sa kaniyay sinabi, Oh ikaw na kakaunti ang pananampalataya, bakit ka nagalinglangan?
32
At pagkalulan nila sa daong, ay humimpil ang hangin.
33
At ang mga nasa daong ay nagsisamba sa kaniya, na nangagsasabi, Tunay na ikaw ang Anak ng Dios.
34
At nang makatawid na sila, ay narating nila ang lupa ng Genezaret.
35
At nang siyay makilala ng mga tao sa dakong yaon, ay nangagpabalita sila sa palibotlibot ng buong lupaing yaon, at sa kaniyay dinala ang lahat ng mga may sakit;
36
At ipinamamanhik nila sa kaniya na ipahipo man lamang sa kanila ang laylayan ng kaniyang damit: at ang lahat ng nangagsihipo ay pawang nagsigaling.
← Chapter 13
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 15 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28