bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
/
Matthew 5
Matthew 5
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
← Chapter 4
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 6 →
1
At pagkakita sa mga karamihan, ay umahon siya sa bundok: at pagkaupo niya, ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad:
2
At binuka niya ang kaniyang bibig at tinuruan sila, na sinasabi,
3
Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagkat kanila ang kaharian ng langit.
4
Mapapalad ang nangahahapis: sapagkat silay aaliwin.
5
Mapapalad ang maaamo: sapagkat mamanahin nila ang lupa.
6
Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagkat silay bubusugin.
7
Mapapalad ang mga mahabagin: sapagkat silay kahahabagan.
8
Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagkat makikita nila ang Dios.
9
Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagkat silay tatawaging mga anak ng Dios.
10
Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagkat kanila ang kaharian ng langit.
11
Mapapalad kayo pagka kayoy inaalimura, at kayoy pinaguusig, at kayoy pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin.
12
Mangagalak kayo, at mangagsayang totoo: sapagkat malaki ang ganti sa inyo sa langit: sapagkat gayon din ang kanilang pagkausig sa mga propeta na nangauna sa inyo.
13
Kayo ang asin ng lupa: ngunit kung ang asin ay tumabang, ay ano ang ipagpapaalat? wala nang ano pa mang kabuluhan, kundi upang itapon sa labas at yurakan ng mga tao.
14
Kayo ang ilaw ng sanglibutan. Ang isang bayan na natatayo sa ibabaw ng isang bundok ay hindi maitatago.
15
Hindi rin nga pinaniningasan ang isang ilawan, at inilalagay sa ilalim ng isang takalan, kundi sa talagang lalagyan ng ilaw; at lumiliwanag sa lahat ng nangasa bahay.
16
Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.
17
Huwag ninyong isiping akoy naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: akoy naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin.
18
Sapagkat katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.
19
Kayat ang sinomang sumuway sa isa sa kaliitliitang mga utos na ito, at ituro ang gayon sa mga tao, ay tatawaging kaliitliitan sa kaharian ng langit: datapuwat ang sinomang gumanap at ituro, itoy tatawaging dakila sa kaharian ng langit.
20
Sapagkat sinasabi ko sa inyo, na kung hindi hihigit ang inyong katuwiran sa katuwiran ng mga eskriba at mga Fariseo, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit.
21
Narinig ninyo na sinabi sa mga tao sa una, Huwag kang papatay; at ang sinomang pumatay ay mapapasa panganib sa kahatulan:
22
Datapuwat sinasabi ko sa inyo, na ang bawat mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan; at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid, Raca, ay mapapasa panganib sa Sanedrin; at ang sinomang magsabi, Ulol ka, ay mapapasa panganib sa impierno ng apoy.
23
Kayat kung inihahandog mo ang iyong hain sa dambana, at dooy maalaala mo na ang iyong kapatid ay mayroong anomang laban sa iyo,
24
Iwan mo roon sa harap ng dambana ang hain mo, at yumaon ka ng iyong lakad, makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid, at kung magkagayon ay magbalik ka at ihandog mo ang iyong hain.
25
Makipagkasundo ka agad sa iyong kaalit, samantalang ikaw ay kasama niya sa daan; baka ibigay ka ng kaalit mo sa hukom, at ibigay ka ng hukom sa punong kawal, at ipasok ka sa bilangguan.
26
Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Hindi ka aalis doon sa anomang paraan, hanggang hindi mo mapagbayaran ang katapustapusang beles.
27
Narinig ninyong sinabi, Huwag kang mangangalunya:
28
Datapuwat sinasabi ko sa inyo, na ang bawat tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala, na ng pangangalunya sa kaniyang puso.
29
At kung ang kanan mong mata ay nakapagpapatisod sa iyo, ay dukitin mo, at iyong itapon: sapagkat may mapapakinabang ka pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan, at huwag ang buong katawan mo ay mabulid sa impierno.
30
At kung ang kanan mong kamay ay nakapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo, at iyong itapon: sapagkat may mapapakinabang ka pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan, at huwag ang buong katawan mo ay mapasa impierno.
31
Sinabi rin naman, Ang sinomang lalake na ihiwalay na ang kaniyang asawa, ay bigyan niya siya ng kasulatan ng paghihiwalay:
32
Datapuwat sinasabi ko sa inyo, na ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa, liban na lamang kung sa pakikiapid ang dahil, ay siya ang sa kaniyay nagbibigay kadahilanan ng pangangalunya: at ang sinomang magasawa sa kaniya kung naihiwalay na siya ay nagkakasala ng pangangalunya.
33
Bukod sa ritoy inyong narinig na sinabi sa mga tao sa una, Huwag kang manunumpa ng di katotohanan, kundi tutupdin mo sa Panginoon ang iyong mga sumpa:
34
Datapuwat sinasabi ko sa inyo, Huwag ninyong ipanumpa ang anoman; kahit ang langit, sapagkat siyang luklukan ng Dios;
35
Kahit ang lupa, sapagkat siyang tungtungan ng kaniyang mga paa; kahit ang Jerusalem, sapagkat siyang bayan ng dakilang Hari.
36
Kahit man ang ulo mo ay huwag mong ipanumpa, sapagkat hindi ka makagagawa ng isang buhok na maputi o maitim.
37
Datapuwat ang magiging pananalita ninyoy, Oo, oo; Hindi, hindi; sapagkat ang humigit pa rito ay buhat sa masama.
38
Narinig ninyong sinabi, Mata sa mata, at ngipin sa ngipin:
39
Datapuwat sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong makilaban sa masamang tao: kundi sa sinomang sa iyoy sumampal sa kanan mong pisngi, iharap mo naman sa kaniya ang kabila.
40
At sa magibig na ikaw ay ipagsakdal, at kunin sa iyo ang iyong tunika, ay iwan mo rin naman sa kaniya ang iyong balabal.
41
At sa sinomang pipilit sa iyo na ikaw ay lumakad ng isang milya, ay lumakad ka ng dalawang milya na kasama niya.
42
Bigyan mo ang sa iyoy humihingi, at huwag mong talikdan ang sa iyoy nangungutang.
43
Narinig ninyong sinabi, Iibigin mo ang iyong kapuwa, at kapopootan mo ang iyong kaaway:
44
Datapuwat sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyoy nagsisiusig;
45
Upang kayoy maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit: sapagkat pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap.
46
Sapagkat kung kayoy iibig sa nangagsisiibig lamang sa inyo, ano ang ganti na inyong kakamtin? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis?
47
At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong babatiin, ano ang kalabisan ng inyong ginagawa? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga Gentil?
48
Kayo ngay mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal.
← Chapter 4
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 6 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28