bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
/
Matthew 25
Matthew 25
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
← Chapter 24
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 26 →
1
Kung magkagayon ay makakatulad ang kaharian ng langit ng sangpung dalaga, na kinuha ang kanilang mga ilawan, at nagsilabas upang salubungin ang kasintahang lalake.
2
At ang lima sa kanilay mga mangmang, at ang limay matatalino.
3
Sapagkat nang dalhin ng mga mangmang ang kanilang mga ilawan, ay hindi sila nangagdala ng langis:
4
Datapuwat ang matatalino ay nangagdala ng langis sa kanilang sisidlan na kasama ng kanilang mga ilawan.
5
Samantalang nagtatagal nga ang kasintahang lalake, ay nangagantok silang lahat at nangakatulog.
6
Datapuwat pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya.
7
Nang magkagayoy nagsipagbangong lahat ang mga dalagang yaon, at pinagigi ang kanilang mga ilawan.
8
At sinabi ng mga mangmang sa matatalino, Bigyan ninyo kami ng inyong langis; sapagkat nangamamatay ang aming mga ilawan.
9
Datapuwat nagsisagot ang matatalino, na nangagsasabi, Baka sakaling hindi magkasiya sa amin at sa inyo: magsiparoon muna kayo sa nangagbibili, at magsibili kayo ng ganang inyo.
10
At samantalang silay nagsisiparoon sa pagbili, ay dumating ang kasintahang lalake; at ang mga nahahanda ay nagsipasok na kasama niya sa piging ng kasalan: at inilapat ang pintuan.
11
Pagkatapos ay nagsirating naman ang mga ibang dalaga, na nagsisipagsabi, Panginoon, Panginoon, buksan mo kami.
12
Datapuwat sumagot siya at sinabi, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi ko kayo nangakikilala.
13
Mangagpuyat nga kayo, sapagkat hindi ninyo nalalaman ang araw ni ang oras.
14
Sapagkat tulad sa isang tao, na nang paroroon sa ibang lupain, ay tinawag ang kaniyang sariling mga alipin, at ipinamahala sa kanila ang kaniyang mga pag-aari.
15
At ang isay binigyan niya ng limang talento, ang isay dalawa, at ang isay isa; sa bawat isay ayon sa kanikaniyang kaya; at siyay yumaon sa kaniyang paglalakbay.
16
Ang tumanggap ng limang talento pagdakay yumaon at ipinangalakal niya ang mga yaon, at siyay nakinabang ng lima pang talento.
17
Sa gayon ding paraan ang tumanggap ng dalawa ay nakinabang ng ibang dalawa pa.
18
Datapuwat ang tumanggap ng isa ay yumaon at humukay sa lupa, at itinago ang salapi ng kaniyang panginoon.
19
Pagkatapos nga ng mahabang panahon, ay dumating ang panginoon ng mga aliping yaon, at nakipaghusay sa kanila.
20
At ang tumanggap ng limang talento ay lumapit at nagdala ng lima pang talento, na nagsasabi, Panginoon, binigyan mo ako ng limang talento: narito, akoy nakinabang ng lima pang talento.
21
Sinabi sa kaniya ng kaniyang panginoon, Mabuting gawa, mabuti at tapat na alipin: nagtapat ka sa kakaunting bagay, pamamahalain kita sa maraming bagay; pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon.
22
At lumapit naman ang tumanggap ng dalawang talento at sinabi, Panginoon, binigyan mo ako ng dalawang talento: narito, akoy nakinabang ng dalawa pang talento.
23
Sinabi sa kaniya ng kaniyang panginoon, Mabuting gawa, mabuti at tapat na alipin: nagtapat ka sa kakaunting bagay, pamamahalain kita sa maraming bagay; pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon.
24
At lumapit naman ang tumanggap ng isang talento at sinabi, Panginoon, nakikilala kita na ikaw ay taong mapagmatigas, na gumagapas ka doon sa hindi mo hinasikan, at nagaani ka doon sa hindi mo sinabugan;
25
At akoy natakot, at akoy yumaon at aking itinago sa lupa ang talento mo: narito, nasa iyo ang iyong sarili.
26
Datapuwat sumagot ang kaniyang panginoon at sinabi sa kaniya, Ikaw na aliping masama at tamad, nalalaman mong akoy gumagapas sa hindi ko hinasikan, at nagaani doon sa hindi ko sinabugan;
27
Gayon palay ibinigay mo sana ang aking salapi sa nagsisipangalakal ng salapi, at nang sa aking pagdating ay tinanggap ko sana ang ganang akin pati ng pakinabang.
28
Alisin nga ninyo sa kaniya ang talento, at ibigay ninyo sa may sangpung talento.
29
Sapagkat ang bawat mayroon ay bibigyan, at siyay magkakaroon ng sagana: ngunit ang wala, pati pa nang nasa kaniya ay aalisin sa kaniya.
30
At ang aliping walang kabuluhan ay inyong itapon sa kadiliman sa labas: diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.
31
Datapuwat pagparito ng Anak ng tao na nasa kaniyang kaluwalhatian, na kasama niya ang lahat ng mga anghel, kung magkagayoy luluklok siya sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian:
32
At titipunin sa harap niya ang lahat ng mga bansa: at silay pagbubukdinbukdin niya na gaya ng pagbubukodbukod ng pastor sa mga tupa at sa mga kambing;
33
At ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanan, datapuwat sa kaliwa ang mga kambing.
34
Kung magkagayoy sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan:
35
Sapagkat akoy nagutom, at akoy inyong pinakain; akoy nauhaw, at akoy inyong pinainom; akoy naging taga ibang bayan, at inyo akong pinatuloy;
36
Naging hubad, at inyo akong pinaramtan; akoy nagkasakit, at inyo akong dinalaw; akoy nabilanggo, at inyo akong pinaroonan.
37
Kung magkagayoy sasagutin siya ng mga matuwid, na mangagsasabi, Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom, at pinakain ka namin? o nauuhaw, at pinainom ka?
38
At kailan ka naming nakitang isang taga ibang bayan, at pinatuloy ka? o hubad, at pinaramtan ka?
39
At kailan ka namin nakitang may-sakit, o nasa bilangguan, at dinalaw ka namin?
40
At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Yamang inyong ginawa sa isa dito sa aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliit na ito, ay sa akin ninyo ginawa.
41
Kung magkagayoy sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel:
42
Sapagkat akoy nagutom, at hindi ninyo ako pinakain; akoy nauhaw, at hindi ninyo ako pinainom;
43
Akoy naging isang taga ibang bayan, at hindi ninyo ako pinatuloy; hubad, at hindi ninyo ako pinaramtan; maysakit at nasa bilangguan, at hindi ako dinalaw.
44
Kung magkagayoy sila namay magsisisagot, na magsisipagsabi, Panginoon, kailan ka namin nakitang nagugutom, o nauuhaw, o isang taga ibang bayan, o hubad, o may-sakit, o nasa bilangguan, at hindi ka namin pinaglingkuran?
45
Kung magkagayoy silay sasagutin niya, na sasabihin, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na yamang hindi ninyo ginawa sa maliliit na ito, ay hindi ninyo ginawa sa akin.
46
At ang mga itoy mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan: datapuwat ang mga matuwid ay sa walang hanggang buhay.
← Chapter 24
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 26 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28