bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
/
Matthew 23
Matthew 23
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
← Chapter 22
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 24 →
1
Nang magkagayoy nagsalita si Jesus sa mga karamihan at sa kaniyang mga alagad,
2
Na nagsasabi, Nagsisiupo ang mga eskriba at mga Fariseo sa luklukan ni Moises.
3
Lahat nga ng mga bagay na sa inyoy kanilang ipagutos, ay gawin ninyo at ganapin: datapuwat huwag kayong magsigawa ng alinsunod sa kanilang mga gawa; sapagkat kanilang sinasabi, at hindi ginagawa.
4
Oo, silay nangagbibigkis ng mabibigat na pasan at mahihirap na dalhin, at ipinapasan nila sa mga balikat ng mga tao; datapuwat ayaw man lamang nilang kilusin ng kanilang daliri.
5
Datapuwat ginagawa nila ang lahat ng kanilang mga gawa upang mangakita ng mga tao: sapagkat nangagpapalapad sila ng kanilang mga pilakteria, at nangagpapalapad ng mga laylayan ng kanilang mga damit,
6
At iniibig ang mga pangulong dako sa mga pigingan, at ang mga pangulong luklukan sa mga sinagoga,
7
At pagpugayan sa mga pamilihan, at ang silay tawagin ng mga tao, Rabi.
8
Datapuwat kayoy huwag patawag na Rabi: sapagkat iisa ang inyong guro, at kayong lahat ay magkakapatid.
9
At huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa: sapagkat iisa ang inyong ama, sa makatuwid bagay siya na nasa langit.
10
Ni huwag kayong patawag na mga panginoon; sapagkat iisa ang inyong panginoon, sa makatuwid bagay ang Cristo.
11
Datapuwat ang pinakadakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo.
12
At sinomang nagmamataas ay mabababa; at sinomang nagpapakababa ay matataas.
13
Datapuwat sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagkat sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagkat kayoy hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok.
14
Sa aba ninyo, mga eskribat mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat sinasakmal ninyo ang mga bahay ng mga babaing bao, at inyong dinadahilan ang mahahabang panalangin: kayat magsisitanggap kayo ng lalong mabigat na parusa.
15
Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagkat inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung siyay magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno kay sa inyong sarili.
16
Sa aba ninyo, kayong mga tagaakay na bulag, na inyong sinasabi, Kung ipanumpa ninoman ang templo, ay walang anoman; datapuwat kung ipanumpa ninoman ang ginto ng templo, ay nagkakautang nga siya.
17
Kayong mga mangmang at mga bulag: sapagkat alin baga ang lalong dakila, ang ginto, o ang templong bumabanal sa ginto?
18
At, kung ipanumpa ninoman ang dambana, ay walang anoman; datapuwat kung ipanumpa ninoman ang handog na nasa ibabaw nito, ay nagkakautang nga siya.
19
Kayong mga bulag: sapagkat alin baga ang lalong dakila, ang handog, o ang dambana na bumabanal sa handog?
20
Kayat ang nanunumpa sa pamamagitan ng dambana, ay ipinanunumpa ito, at ang lahat ng mga bagay na nangasa ibabaw nito.
21
At ang nanunumpa sa pamamagitan ng templo, ay ipinanumpa ito, at yaong tumatahan sa loob nito.
22
Ang nanunumpa sa pamamagitan ng langit, ay ipinanumpa ang luklukan ng Dios, at yaong nakaluklok doon.
23
Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagkat nangagbibigay kayo ng sa ikapu ng yerbabuena, at ng anis at ng komino, at inyong pinababayaang di ginagawa ang lalong mahahalagang bagay ng kautusan, na dili ibat ang katarungan, at ang pagkahabag, at ang pananampalataya: datapuwat dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pabayaang di gawin yaong iba.
24
Kayong mga tagaakay na bulag na inyong sinasala ang lamok, at nilulunok ninyo ang kamelyo!
25
Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpapaimbabaw! sapagkat inyong nililinis ang labas ng saro at ng pinggan, datapuwat sa loob ay puno sila ng panglulupig at katakawan.
26
Ikaw bulag na Fariseo, linisin mo muna ang loob ng saro at ng pinggan, upang luminis naman ang kaniyang labas.
27
Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagkat tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwat sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal.
28
Gayon din naman kayo, sa labas ay nangagaanyong matuwid sa mga tao, datapuwat sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan.
29
Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagkat itinatayo ninyo ang mga libingan ng mga propeta, at inyong ginayakan ang mga libingan ng mga matuwid,
30
At sinasabi ninyo, Kung kami sana ang nangabubuhay nang mga kaarawan ng aming mga magulang disiy hindi kami nangakaramay nila sa dugo ng mga propeta.
31
Kayat kayoy nangagpapatotoo sa inyong sarili, na kayoy mga anak niyaong mga nagsipatay ng mga propeta.
32
Punuin nga ninyo ang takalan ng inyong mga magulang.
33
Kayong mga ahas, kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno?
34
Kayat, narito, sinusugo ko sa inyo ang mga propeta, at mga pantas na lalake, at mga eskriba: ang mga iba sa kanilay inyong papatayin at ipapako sa krus; at ang mga iba sa kanilay inyong hahampasin sa inyong mga sinagoga, at silay inyong paguusigin sa bayan-bayan:
35
Upang mabubo sa inyo ang lahat na matuwid na dugo na nabuhos sa ibabaw ng lupa, buhat sa dugo ng matuwid na si Abel hanggang sa dugo ni Zacarias na anak ni Baraquias na pinatay ninyo sa pagitan ng santuario at ng dambana.
36
Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang lahat ng mga bagay na ito ay darating sa lahing ito.
37
Oh Jerusalem, Jerusalem, na pumapatay sa mga propeta, at bumabato sa mga sinusugo sa kaniya! makailang inibig kong tipunin ang iyong mga anak, na gaya ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, ay ayaw kayo!
38
Narito, ang inyong bahay ay iniiwan sa inyong wasak.
39
Sapagkat sinasabi ko sa inyo, Buhat ngayon ay hindi ninyo ako makikita, hanggang sa inyong sabihin, Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon.
← Chapter 22
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 24 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28