bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
/
Matthew 26
Matthew 26
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
← Chapter 25
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 27 →
1
At nangyari, na nang matapos ni Jesus ang lahat ng mga salitang ito, ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad,
2
Nalalaman ninyo na pagkaraan ng dalawang araw ay darating ang paskua, at ibibigay ang Anak ng tao upang ipako sa krus.
3
Nang magkagayoy ang mga pangulong saserdote, at ang mga matanda sa bayan ay nangagkatipon sa looban ng dakilang saserdote, na tinatawag na Caifas;
4
At silay nangagsanggunian upang hulihin si Jesus sa pamamagitan ng daya, at siyay patayin.
5
Datapuwat sinabi nila, Huwag sa kapistahan, baka magkagulo sa bayan.
6
Nang nasa Betania nga si Jesus sa bahay ni Simon na ketongin,
7
Ay lumapit sa kaniya ang isang babae na may dalang isang sisidlang alabastro ng unguento na lubhang mahalaga, at ibinuhos sa kaniyang ulo, samantalang siyay nakaupo sa pagkain.
8
Datapuwat nang makita ito ng mga alagad, ay nangagalit sila, na nangagsasabi, Ano ang layon ng pagaaksayang ito?
9
Sapagkat itoy maipagbibili sa malaking halaga, at maibibigay sa mga dukha.
10
Datapuwat nang mahalata ito ni Jesus ay sinabi sa kanila, Bakit ninyo binabagabag ang babae? sapagkat gumawa siya sa akin ng mabuting gawa.
11
Sapagkat laging nangasa inyo ang mga dukha; datapuwat akoy hindi laging nasa inyo.
12
Sapagkat sa pagbubuhos niya nitong unguento sa aking katawan, ay ginawa niya ito upang ihanda ako sa paglilibing.
13
Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Saan man ipangaral ang evangeliong ito sa buong sanglibutan, ay sasaysayin din ang ginawa ng babaing ito sa pagaalaala sa kaniya.
14
Nang magkagayoy isa sa labingdalawa, na tinatawag na Judas Iscariote, ay naparoon sa mga pangulong saserdote,
15
At sinabi, Ano ang ibig ninyong ibigay sa akin, at siyay ibibigay ko sa inyo? At siyay tinimbangan nila ng tatlongpung putol na pilak.
16
At buhat nang panahong yaoy humanap siya ng pagkakataon upang maibigay siya.
17
Nang unang araw nga ng mga tinapay na walang lebadura ay nagsilapit ang mga alagad kay Jesus, na nagsisipagsabing, Saan mo ibig na ipaghanda ka namin upang kumain ng kordero ng paskua?
18
At sinabi niya, Magsipasok kayo sa bayan sa gayong tao, at sabihin ninyo sa kaniya, Sinabi ng Guro, malapit na ang aking panahon; sa iyong bahay magpapaskua ako pati ng aking mga alagad.
19
At ginawa ng mga alagad ang ayon sa ipinagutos sa kanila ni Jesus; at inihanda nila ang kordero ng paskua.
20
Nang dumating nga ang gabi, ay nakaupo siya sa pagkain na kasalo ang labingdalawang alagad;
21
At samantalang silay nagsisikain, ay sinabi niya, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na akoy ipagkakanulo ng isa sa inyo.
22
At silay lubhang nangamanglaw, at nagpasimula ang bawat isa na magsabi sa kaniya, Ako baga, Panginoon?
23
At siyay sumagot at sinabi, Yaong kasabay kong idampot ang kamay sa pinggan, ay siya ring magkakanulo sa akin.
24
Ang Anak ng tao ay papanaw, ayon sa nasusulat tungkol sa kaniya: datapuwat sa aba niyaong taong magkakanulo sa Anak ng tao! mabuti pa sana sa taong yaon ang hindi na siya ipinanganak.
25
At si Judas, na sa kaniyay nagkanulo, ay sumagot at nagsabi, Ako baga, Rabi? Sinabi niya sa kaniya, Ikaw ang nagsabi.
26
At samantalang silay nagsisikain, ay dumampot si Jesus ng tinapay, at pinagpala, at pinagputolputol; at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, Kunin ninyo, kanin ninyo; ito ang aking katawan.
27
At dumampot siya ng isang saro, at nagpasalamat, at ibinigay sa kanila, na nagsasabi, Magsiinom kayong lahat diyan;
28
Sapagkat ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
29
Datapuwat sinasabi ko sa inyo, na buhat ngayon ay hindi na ako iinom nitong bunga ng ubas, hanggang sa araw na yaon na inumin kong panibago na mga kasalo ko kayo sa kaharian ng aking Ama.
30
At pagkaawit nila ng isang himno, ay nagsiparoon sila sa bundok ng mga Olivo.
31
Nang magkagayoy sinabi sa kanila ni Jesus, Kayong lahat ay mangagdaramdam sa akin sa gabing ito: sapagkat nasusulat, Sasaktan ko ang pastor, at mangangalat ang mga tupa ng kawan.
32
Datapuwat pagkapagbangon ko, ay mauuna ako sa inyo sa Galilea.
33
Datapuwat sumagot si Pedro at sinabi sa kaniya, Kung ang lahat ay mangagdaramdam sa iyo, ako kailan may hindi magdaramdam.
34
Sinabi sa kaniya ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, na sa gabing ito, bago tumilaok ang manok, ay ikakaila mo akong makaitlo.
35
Sinabi sa kaniya ni Pedro, Kahimat akoy mamatay na kasama mo, ay hindi kita ikakaila. Gayon din ang sinabi ng lahat ng mga alagad.
36
Nang magkagayoy dumating si Jesus na kasama sila sa isang dako na tinatawag na Getsemani, at sinabi sa kaniyang mga alagad, Magsiupo kayo rito, samantalang akoy pumaparoon doon at manalangin.
37
At kaniyang isinama si Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo, at nagpasimula siyang namanglaw at nanglumong totoo.
38
Nang magkagayoy sinabi niya sa kanila, Namamanglaw na lubha ang kaluluwa ko, hanggang sa kamatayan: mangatira kayo rito, at makipagpuyat sa akin.
39
At lumakad siya sa dako pa roon, at siyay nagpatirapa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon may huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo.
40
At lumapit siya sa mga alagad, at silay kaniyang naratnang nangatutulog, at sinabi kay Pedro, Ano, hindi kayo maaaring mangakipagpuyat sa akin ng isang oras?
41
Kayoy mangagpuyat at magsipanalangin, upang huwag kayong magsipasok sa tukso: ang espiritu sa katotohanan ay may ibig, datapuwat mahina ang laman.
42
Muli siyang umalis na bilang ikalawa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung di mangyayaring makalampas ito, kundi ko inumin, mangyari nawa ang iyong kalooban.
43
At siyay nagbalik na muli at naratnan silang nangatutulog, sapagkat nangabibigatan ang kanilang mga mata.
44
At muli niya silang iniwan, at umalis, at nanalangin bilang ikatlo, na sinabing muli ang gayon ding mga salita.
45
Nang magkagayoy lumapit siya sa mga alagad, at sinabi sa kanila, Mangatulog na kayo, at mangagpahinga: narito, malapit na ang oras, at ang Anak ng tao ay ipinagkakanulo sa mga kamay ng mga makasalanan.
46
Magsitindig kayo, hayo na tayo: narito, malapit na ang nagkakanulo sa akin.
47
At samantalang nagsasalita pa siya, narito, dumating si Judas, na isa sa labingdalawa, at kasama niya ang lubhang maraming taong may mga tabak at mga panghampas, mula sa mga pangulong saserdote at sa matatanda sa bayan.
48
Ang nagkanulo nga sa kaniya ay nagbigay sa kanila ng isang hudyat, na sinasabi, Ang aking hagkan, ay yaon nga: hulihin ninyo siya.
49
At pagdakay lumapit siya kay Jesus, at nagsabi, Magalak, Rabi; at siyay hinagkan.
50
At sinabi sa kaniya ni Jesus, Gawin mo ang dahil ng pagparito mo. Nang magkagayon ay nagsilapit sila at kanilang sinunggaban si Jesus, at siyay kanilang dinakip.
51
At narito, ang isa sa mga kasama ni Jesus ay iniunat ang kaniyang kamay at binunot ang kaniyang tabak, at sinugatan ang alipin ng dakilang saserdote, at tinagpas ang kaniyang tainga.
52
Nang magkagayoy sinabi sa kaniya ni Jesus, Isauli mo ang iyong tabak sa kaniyang lalagyan: sapagkat ang lahat ng nangagtatangan ng tabak ay sa tabak mangamamatay.
53
O inaakala mo baga na hindi ako makapamamanhik sa aking Ama, at padadalhan niya ako ngayon din ng mahigit sa labingdalawang pulutong na mga anghel?
54
Kung gayoy paano bagang mangatutupad ang mga kasulatan, na ganyan ang nauukol na mangyari?
55
Sa oras na yaon ay sinabi ni Jesus sa mga karamihan, Kayo bagay nangagsilabas na waring laban sa isang tulisan, na may mga tabak at mga panghampas upang dakpin ako? Araw-araw ay nauupo ako sa templo na nagtuturo, at hindi ninyo ako dinakip.
56
Datapuwat nangyari ang lahat ng ito, upang mangatupad ang mga kasulatan ng mga propeta. Nang magkagayoy iniwan siya ng lahat ng mga alagad, at nagsitakas.
57
At si Jesus ay dinala ng nagsihuli sa kaniya sa dakilang saserdoteng si Caifas, na dooy nangagkakapisan ang mga eskriba at matatanda.
58
Datapuwat si Pedroy sumunod sa kaniya sa malayo, hanggang sa looban ng dakilang saserdote, at siyay pumasok, at nakiumpok sa mga punong kawal, upang makita niya ang wakas.
59
Ang mga pangulong saserdote nga at ang buong Sanedrin ay nagsisihanap ng patotoong kabulaanan laban kay Jesus, upang siyay kanilang maipapatay;
60
At yaoy hindi nila nangasumpungan, bagaman maraming nagsiharap na mga saksing bulaan. Ngunit pagkatapos ay nagsidating ang dalawa,
61
At nangagsabi, Sinabi ng taong ito, Maigigiba ko ang templo ng Dios, at muling itatayo ko sa tatlong araw.
62
At nagtindig ang dakilang saserdote, at sinabi sa kaniya, Wala kang isinasagot na anoman? Ano itong sinasaksihan ng mga ito laban sa iyo?
63
Datapuwat hindi umimik si Jesus. At sinabi ng dakilang saserdote sa kaniya, Kitay pinapanunumpa alangalang sa Dios na buhay, na sabihin mo sa amin kung ikaw nga ang Cristo, ang Anak ng Dios.
64
At sinabi sa kaniya ni Jesus, Ikaw ang nagsabi: gayon may sinasabi ko sa inyo, Buhat ngayon ay inyong makikita ang Anak ng tao na nakaupo sa kanan ng Kapangyarihan, at pumaparitong nasa mga alapaap ng langit.
65
Nang magkagayoy hinapak ng dakilang saserdote ang kaniyang mga damit, na sinasabi, Nagsalita siya ng kapusungan: ano pa ang kailangan natin ng mga saksi? narito, ngayoy narinig ninyo ang kapusungan:
66
Ano ang akala ninyo? Nagsisagot sila at kanilang sinabi, Karapatdapat siya sa kamatayan.
67
Nang magkagayoy niluraan nila ang kaniyang mukha at siyay kanilang pinagsusuntok: at tinatampal siya ng mga iba,
68
Na nangagsasabi, Hulaan mo sa amin, ikaw Cristo: sino ang sa iyoy bumubugbog?
69
Nakaupo nga si Pedro sa labas ng looban: at lumapit sa kaniya ang isang alilang babae, na nagsasabi, Ikaw man ay kasama ng taga Galileang si Jesus.
70
Datapuwat siyay kumaila sa harap nilang lahat, na sinasabi, Hindi ko nalalaman ang sinasabi mo.
71
At paglabas niya sa portiko ay nakita siya ng ibang alila, at sinabi sa nangaroon, Ang taong ito ay kasama rin ni Jesus na taga Nazaret.
72
At muling kumailang may sumpa, Hindi ko nakikilala ang tao.
73
At pagkaraan ng sandali ay nagsilapit ang nangakatayo roon at kanilang sinabi kay Pedro, Sa katotohanang ikaw man ay isa rin sa kanila; sapagkat ipinakikilala ka ng iyong pananalita.
74
Nang magkagayoy nagpasimula siyang manungayaw at manumpa, Hindi ko nakikilala ang tao. At pagdakay tumilaok ang manok.
75
At naalaala ni Pedro ang salitang sinabi ni Jesus, Bago tumilaok ang manok, ay ikakaila mo akong makaitlo. At siyay lumabas at nanangis na mainam.
← Chapter 25
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 27 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28